Capitulum 4

2217 Words
Umaga palang ay ganadong ganado na ako. Walang kasing saya ang araw ko. Dahil ngayong araw na ito ay 6 months na kami ng Wifey ko.Hanggang ngayon ay parang isang panaginip parin saakin na nasa akin na ang taong pinaka mamahal ko. Akala ko wala ng pag asa na maging kami pero sadyang mapag laro ang tadhana. At kung panaginip man ito ay ayoko ng gumising. Agad akong naligo at nag ayos ng aking mga gamit. Kailangan kong gumawa ng maganda surpresa para sa babaeng mahal na mahal ko. Bumaba ako ng hagdan at lumabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis. ---------- Maganda ang gising ko ngayon umaga. Dahil ngayon ay 6 months na kami ni Hubby. Sa loob ng 6 months ay sobrang saya ko dahil sa kaniya. Hindi lang siya boyfriend kung maituturing. Isa rin siyang bestfriend na sobrang maalaga at mapag mahal. Kung sana noon palang ay napansin ko na siya. Sana ay hindi naging ganito ang lahat. Sana masaya ako.Sana hindi naging miserable ang buhay ko. Agad akong naligo at nag ayos para pumunta sa kwarto niya. Gusto ko ako ang unang babati sa kaniya. Pag ka labas ko sa kwarto ay ngiting ngiti ako. Kumatok ako sa kwarto niya at pumasok. Pagka pasok ko ay wala si Mafi ng madatnan ko. Unti unting nag laho ang ngiti sa mga labi ko. Agad akong pumasok at pumunta sa kama niya. Black ang white ang theme ng kwarto niya. Madaming picture frames kang makikita at lahat yun ay picture ko or picture namin. Wala kang makikitang ibang litrato kahit na mga pictures ng DA or WP. Kinuha ko ang picture namin noong sinagot ko siya. Bakas sa mga mata niya ang labis na kasiyahan. Ibinalik ko ang picture frame at lumabas na ng kwarto niya. Bukod saakin ay wala ng ibang nakakapasok dito. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niyang mag papasok sa kwarto niya bukod saakin. Nag punta nalang ako sa kwarto ko. At pag pasok ko ay pumunta ako sa mga computer desk ko. Dalawang frame ang makikita mo dito isa sa WP at isa sa DA. Kinuha ko ang picture namin ng DA. Wala pa sina Spade at Ethan dito sa picture. Kumpleto pa kami nun. Pag tinignan mo isang masyang pamilya ang makikita mo. Ako ang nasagitna at katabi ko ay sina Mafi at Charlie. Ng makita ko ang larawan ni Charlie ay agad akong nalungkot. Ibinaba ko ang picture frame at umupo sa kama. Hindi ko maiwasan tanungin ang sarili ko kung bakit affected pa ako kay Charlie? Siguro ay mahal ko pa ito. Pero alam kong may puwang na din sa puso ko si Mafi. At hindi ko kayang masaktan ito. Napabuntong hininga nalang ako.Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. ------------- Saktong 5 PM ay natapos na ako sa mga inihanda ko para sa kaniya. Sumakay ako ng kotse at binilisan ang takbo nito papunta sa bahay. I'm sure nag tatampo si Wifey dahil simula umaga ay hindi pa ako umuuwi. Nag park ako sa at pag tapos ay bumaba ng sasakyan. Pag pasok ko ng bahay ay tahimik. Mukhang wala si Kuya Clinton. Agad akong nag punta sa kwarto ni Charlene. Pag bukas ko ng pinto ay patay ang ilaw nito. Kaya binuksan ko. At pag bukas ko ay nakita ko itong mahimbing na natutulog. Inilagay ko ang card na ginawa ko kanina sa tabi niya at pag tapos ay umalis na ulit ng bahay. ------- Pag gising ko ay gabi na. At ng makita ko ang oras ay 6 PM na ng gabi. Tila gulat na gulat ako. Kaya agad akong tumayo at nag ayos. Lalabas na sana ako ng kwarto ng mapansin ko ang isang card na nasa lapag kaya agad ko itong kinuha at binasa. Wifey, Sa oras na nababasa mo ito ay siguradong gising ka na. I can't wait to see you Wife. Please meet me at the Garden. LOVE, Hubby Agad naman akong napangiti pag tapos kong basahin ang sulat. Agad na nag ayos ako at nag punta sa garden. I can't wait to see my dearest Hubby. Agad akong lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. Maya maya lang ay nakarating na ako. Pero nag tataka ako kung bakit patay ang ilaw ng garden. Nag lakad lakad ako ng konti at may nakita akong ilaw sa favorite spot namin. Agad akong nag punta doon nagulat ako sa nakita ko. May kandila na naka kurbang I L O V E Y O U At my dinner table sa bandang gilid nito. Simple but romantic.Yun lang ang masasabi ko. Agad na lumapit saakin si Mafi at niyakap ako. At bumulong sa tenga ko. "I love you Wife. I'm sorry kung ganito lang ang effort ko." Nahihiyang sabi nito saakin. Pinalo ko ito sa braso. At niyakap din ito at bumulong dito. "I like it Hubby.Thank you . You never failed to make me happy.I love you" sabay kiss ko sa pisngi. Kumalas ito sa pag kakayakap namin at umupo kami dinner table. Pinag hila ako nito ng upuan at kumain na kami. Makalipas ang ilang oras ay natapos na kaming kumain. "Halika may pupuntahan tayo." Agad ako nitong hinila at nag lakad kami. Lakad lang kami ng lakad hanggan sa maka kita kami ng isang simbahan. Agad naman kaming pumasok. Hinila ako nito sa harap ng altar at tsaka nag salita. "Hindi ko man deserve ang isang katulad mo dahil masama akong tao pero andyan ka parin. Ikaw ang taong pinangarap kong makasama habang buhay. Dito sa harap ng Diyos ipinapangako ko na ikaw EMPRESS CHARLENE GAIL SCOTT SOON TO BE MRS. BLACK ay iingatan ko at mamahalin ng buong buo. Hindi ako papayag na saktan ka ng kahit na sino."May kinuha ito sa kaniyang bulsa at isinuot saakin. Tsaka nag salita ulit. "Sa ngayon couple ring muna. Alam kong hindi ka pa handa. At ayaw kitang madaliin. Pero gusto ko lang malaman mo na mag hihintay ako kahit gano pa katagal. At ang sing sing na ito ang mag papatunay." Sabay sout saakin ng isang couple ring. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Isang simple ring na may crown na nakaukit sa taas nito ay may diamond na kulay pink. Isosoot na sana niya ang isang hawak niya ng agawin ko ito sa kamay niya. tila nagulat naman ito sa ginawa ko. ngumiti muna ako dito bago mag salita. "I didn't expect na gagawin mo ito Mafi. Simula bata palang tayo ikaw ang taong hindi ko inaakala na magiging sweet dahil sa sobrang sungit mo. But thank you Hubby. Ako si EMPRESS CHARLENE GAIL SCOTT SOON TO BE MRS. BLACK AY NANGANGAKONG aalagaan at mamahalin ka. Hindi ko sasayangin ang pag mamahal mo. Dahil ang isang katulad mo ay hindi dapat sinasaktan. You deserve me Hubby. This ring will prove to you how much I love you and care for you. Kahit malayo man ako sayo ay ikaw parin ang mamahalin ko." Sabay soot ng sing sing sa kaniya. Pinunasan nito ang luha ko pero pag tingin ko dito ay umiiyak na din ito pinunasan ko ang luha nito at ngumiti sa kaniya. Sobrang saya ko. Wala ng mas sasaya sa nangyari ngayong gabi. Niyakap ako nito tsaka bumulong "I didn't expect lahat ng sinabi mo Wifey. Thank you.Mahal na mahal kita." Ngumiti muna ako bago sumagot. "Mahal na mahal din kita." Nag dasal muna kami at tsaka kami umalis at umuwi ng bahay. Bumalik kami sa park at kinuha ang kotse niya.Sumakay kami at nag drive na siya pauwi. ----- Andito kami ngayon ni Kuya sa sala at kasama namin si Mafi dahil may importante daw itong sasabihin. "Bunso siguro alam mo naman na uuwi na tayo next year,8 months from now." Hindi ko alam kung saan pupunta ang usapan na ito pero nakisakay nalang ako. "Uh-huh." Yun lang tanging naisagot ko sa kaniya. Huminga muna ito ng malalim bago nag salita. "We need to go back in the Phil." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit gusto nito na umuwi na ng Pilipinas. "But why Kuya? Ang bilis naman ata?" Nag tataka kong tanong dito. "May problema ang branch ko sa Pilipinas. Kaya kailangan kong umuwi. You know that I can't leave you here. " Mahinahon na sabi nito. Napatingin naman ako kay Mafi na seryoso na nag iisip. Nakita ko ang pangamba sa mukha nito. Tumingin ako kay Kuya. Hindi ko kayang iwanan ito. 'Di ko kayang hayaan nalang itong umuwi mag isa. Pero alam ko rin kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mafi. Napabuntong hininga nalang ako bago mag salita. "Fine I'll go with you Kuya." Ngumiti naman ito ng matamis. Sinandya kong tignan ang magiging reaction ni Mafi. Tumayo lang ito at umalis na. "Anong problema 'nun?" Nag tatakang tanong nito. "Hayaan mo na Kuya kakausapin ko nalang.Diyan ka muna." Nag nod nalang ito. Tumayo ako at nag lakad papunta sa kwarto niya. Dahil malamang ay nandun lang yun. Hindi na ako kumatok pa sa kwarto niya. Agad nalang akong pumasok. Nakita ko itong nakahiga. Nakatalikod ito saakin. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya para hindi niya ako maramdaman. "What are you doing here?" Nagulat naman ako sa pag sasalita niya. Pero mas nagulat ako sa pagiging cold nito sakin. Napabuntong hininga nalang ako bago lumapit sa kaniya humiga ako sa kama at niyakap siya ng patalikod. "Bakit ang cold mo Hubby? May nagawa ba ako?" Nag tataka kong tanong dito. Kumalas ito sa pag kakayakap tyaka humarap. "Wala ka naman nagawa Wife. I'm just f*****g worried." Malungkot na sabi nito. "Bakit ka nag aalala ?" Naguguluhan ako kung bakt ito nag aalala. "Dahil babalik ka dun. Baka saktan ka nila ulit Wife. Makikita mo ulit si Charlie baka siya na ulit ang piliin mo." Para siyang bata na takot maagawan ng candy. Napailing iling nalang ako bago mag salita. "Don't say that Hubby. " Sabay kiss ko sa pisngi nito. "Sasama ako Wifey sa pag babalik mo sa Pilipinas." Nakangiting sabi nito. "No Hubby hindi pa ito ang tamang oras. Ito narin siguro ang oras para isagawa ang plano ko."Pag papaliwanag ko. "Pero Wife---" mag sasalita pa sana ito ng magsalita ako. "No buts." Sabi ko dito. Kinalas nito ang pag kakayakap saakin at tumayo 'tsaka lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga nalang ako ikinikilos ni Mafi. Nalulungkot ako dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya ganyan ngayon. Alam kong takot na takot siyang mawala ako. Pero sana naman ay mag tiwala siya sakin Kasi nag titiwala din ako sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. ------------------ Hindi ko ginusto na iwanan si Charlene mag isa sa kwarto ko pero gusto ko muna mag isip isip. Kaya napag pasyahan ko na pumunta muna sa condo ko. May tiwala ako sa kaniya pero kay Charlie wala. Natatakot ako na bumalik siya ng Pilipinas dahil alam ko kung ano ang plano niya. Tapos ayaw niya pa ako isama. Feeling ko tuloy wala akong silbi para sa kaniya. Nakita ko ang picture namin ni Charlene sa may sala ng condo ko. Ito ung picture namin noong isang araw dahil nga 6 months na kami. Naka yakap ako sa likod niya dito. Makikita mo ang singsing namin. Lihim akong napangiti ng makita ko ito. Binaba ko ito ng maingat pag tapos ay lumabas na ako ng condo. Sumakay ako sa kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis pauwi ng bahay. Maya maya lang ay nakarating na ako. Dahil hindi naman ganun kalayo ang condo ko sa bahay namin. Agad akong bumaba ng kotse ko at pumasok sa loob ng bahay. Agad akong pumunta sa kwarto ni Charlene. Pero bumagsak ang balikat ko ng di ko ito makita dito. Agad kong sinara ang pinto niya. Pumunta ako sa kwarto ko pero laking gulat ko ng makita ko ito na nakahiga sa kama ko. Mapayapa itong natutulog. Lumapit naman ako dito at tumabi sa pag kakahiga at niyakap ito ng sobrang higpit. Buo na ung disisyon ko. Hahayaan ko itong umuwi ng Pilipinas. Pero wag ko lang mababalitaan na sinaktan ito. Dahil ako na mismo ang gagawa ng move para mapatay silang lahat. Gumalaw ito ng konti pag tapos ay yinakap ako. Alam kong gising na ito. Kaya lumayo ako ng konti at hinalikan ito sa noo. Ng nakita ako nito ay kumislap ang mga mata nito. At niyakap ako. "Akala ko iiwan mo na ako." Sabay pout nito. Mahina naman akong napatawa sa sinabi nito. "Of course not.Why would I?" Natatawa kong sabi "Umalis ka kasi 'kala ko 'di ka na babalik .Nag iinarte lang pala." Sabay irap nito saakin. Ginulo ko nalang ang buhok nito at niyakap. "I love you Wifey.Wag mo kakalimutan yun. Sana kahit nasa Pilipinas ka na . Wag mo iwala, itapon , or itago ang singsing natin. Dun ko lang mapapatunayan na sakin ka." Seryosong sabi ko sa kaniya. "Promise di ko to iwawala, itatago o itatapon. Ikaw din.Baka naman makita mo lang si Sun ay itago mo na yan. Baka ipagpalit mo ako dahil wala na ako dito." Seryosong sabi ko sakanya. "That will never happen Wifey." Sabay yakap ko dito. Niyakap naman ako nito pabalik. Hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD