Nandito na kaming lahat ngayon sa batangas meron lang sampung kwarto dito.
"Sa bahay na ito ay meron 8 rooms sa 8 rooms ay 7 lang ang pwedeng magamit." Pag papaliwanag ko sa mga ito.
"Teka bakit 8 lang? Bakit hindi pwedeng gamitin ung isa?" takang tanong ni adella.
"Dahil sa kwarto na gagamitin ko naka konekta un" pag papaliwanag ko sa kanila.
Agad naman silang napa tango.
Hinati ko nalang sila sa mga rooms.
"Sa room 1 ay sina Gilbert at Cloud Sa room 2 ay sina Mark at cloid. Sa room 3 ay sina Ethan at spade. Sa room 4 ay sina Charlie at skyller. Sa room 5 ay sina Adella at Christine. Sa room 6 ay sina grandel at carl. Ako naman ay sa master's bed room." nakita ko ang irita sa mukha ni christine.
"Teka bakit hindi saakin na punta ang master's bed room? Dapat samin ni charlie yun dahil mag asawa na kami." Naiiritang sabi niya.
"Hindi niyo maaaring pasukin ang master's bed room bukod saakin. Kabilin bilinan yun ng may ari. Kung may reklamo kayo ay sa kaniya kayo mag sabi wag saakin . Sa ngayon ienjoy niyo muna ung one week natin dito." Tumalikod agad ako at nag punta sa sarili kong kwarto.
Pag kapasok ko palang ng kwarto ay agad na akong napangiti. Isang larawan namin ni mafi ang nandun. Parang gusto ko na siyang pauwin. Pero iniisip ko lang naman ang mararamdaman niya. Dahil alam kong masasaktan ito ng labis.
Inilapag ko ang mga gamit ko at pag tapos ay pumunta sa kwarto nila gilbert at cloud.
Walang katok katok ay binuksan ko ito.
"Oh charlene anong kailangan mo?" Naka kunot noong tanong ni cloud.
Lumapit ako at niyakap ito.
"Wala lang namiss ko lang kayo." Sabay tawa ko.
Ngumiti naman ito bago mag salita.
"Kami ba talaga ang namimiss mo o si mafi?" Natatawang tanong nito.
Namula naman ako.
"Che" mataray na pag kakasabi ko dito.
"Kung hindi ko lang kayo kilala ni mafi sasabihin ko na kayo. Masyado kayong malapit sa isat isa" agad naman tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Mag ka babata kami duh. Malamang close kami" sabay irap ko dito.
"Alan mo charlene simula ng umalis ka ng japan bihira nalang yun mag pakita saamin. Pag pupunta kami sa bahay niyo palaging ayaw lumabas. Siguro miss na miss ka na nun. Hindi ko man alam kung bakit kami ang pinili niyang pumunta dito kesa siya. Pero alam kong miss ka na niya. At gusto ka na niyang makita." Nalungkot ako sa sinabi niya pero hindi ko ito pinahalata.
Ngumiti lang ako ng tipid bago mag salita.
"Someday, malalaman niya rin" agad akong tumalikod at lumabas ng kwarto.
Saktong pag labas ko ay nakita ko si charlie agad itong ngumiti nung makita ako. Nag dadalawang isip ako kung ngingiti ba ako hindi. Dahil si mafi agad ang naiisip ko si mafi na masasaktan at malulungkot. Ngmiti nalang ako ng tipid at umiwas sa kaniya.
Lalakad na sana ako palayo ng mag salita ito.
"Iniiwasan mo ba ako charlene? may nagawa ba akong mali?" Nalulungkot na sabi nito.
Bumuntong hininga muna ako bago mag salita.
"Wala charlie. Ayoko ng gulo kaya iiwas na ako habang maaga pa." Mahinhin kong sabi sa kaniya.
Agad naman ako nitong hinatak palabas ng bahay.
"Ano ba charlie saan mo ba ako dadalhin?" Naiinis kong sabi dito. Dahil hila hila ako nito.
Hindi ito nag salita at tuloy padin siya sa pag kaladkad saakin. Nasa malayong lugar na kami nung binitawan niya ako.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Galit na pag kakasabi ko dito.
"Ikaw yung problema ko! Simula ng dumating ka di ka na nawala sa isip ko f**k! Ilang buwan palang tayong mag kakilala pero unti unti na kitang minamahal." Naiinis na sabi nito.
"WOW! Baka nakakalimutan mo may asawa ka na. Pag tapos ay nakukuha mo pang lumandi your impossible" di maka paniwalang sabi ko dito.
"Fixed lang ang kasal namin. Pleaseee charlene let me love you" halos mag makaawa na siya. bakas sa mukha nito na totoo ang sinasabi niya.
"Hindi ko hahayaan na maging isang kabit lang ako charlie." Seryosong sabi ko dito.
"I promise hihiwalayan ko siya. Just give me a chance." Bakas sa mukha nito na seryoso siya sa sinasabi niya.
knowing charlie gagawin niya ang sinabi niya. Siya ay may isang salita at higit sa lahat may paninindigan.
Pumukit ako bago dumilat.
"Fine " hindi ko na hinintay itong mag salita at pag tapos ay tumalikod.
Nag unahang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi. Alam kong kasama ito sa plano ko pero alam kong masasaktan ko si mafi ng sobra sobra.
Narinig ko nalang na sumisigaw si charlie. Pero hindu ko alam kung ano ang sinisigaw niya.
Agad kong pinunasan ung luha ko. kailangan kong mag pakatatag.
Pag dating ko sa bahay ay sakto na nasa sala silang lahat.
"San ka galing?" Takang tanong ni ethan.
"Nag pahangin lang sa labas ." Nag nod lang ito. Agad akong umakyat sa kwarto at nag kulong.
ng makita ko ang picture namin ni mafi nadama ko ang labis na pangungulila sa kanila. Araw araw,minu minuto ko siyang namimiss pero mas gugustuhin ko nalang ang mag tiis kesa sa makita siyang nasasaktan.
sa loob ng isang linggo marami ang pwedeng mangyari. Hindi ko man alam kung ano ang mga yun pero isa lang ang sigurado ako. Na hindi ko hahayaan na lumambot ang puso ko.
Masyado na silang maraming kasalanan saakin oras na para mag bayad sila isa isa.
---
Maaga akong gumcing para mag handa ng mga almusal namin. Noong panahon na nasa japan ako ay natuto akong mag luto. dahil tinuruan ako ni mafi.
Nang nag hahanda na ako ng pagkain sa hapag kainan ay nagulat ako ng may magsalita mula sa likod ko.
"Ang galing mo rin mag panggap no charlene." Naiinis na sabi niya.
Humarap ako dito pero isang maamong mukha ang ibinigay ko.
"huh? Ano bang pinag sasabi mo christine?" Litong lito kong sabi.
"Pwede ba charlene wag kang plastik!!" Bakas sa mukha nito ang inis.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumaas na ang kilay ko.
"Ano bang problema mo ha ?" Naaasar na sabi ko.
"Ikaw ang problema ko like WHAT THE f**k simula ng dumating ka nasisira na kami ni charlie sino ka ba talaga ha? Parehas na parehas kayo ng bastardang charlene na yon! oh baka naman iisa lang kayo at nag papanggap ka lang!" galit na sabi nito.
"HINDI KO KASALANAN KUNG NASISIRA KAYO NG ASAWA MO! PROBLEMA NIYO YAN! " inis na inis na sabi ko.
Lalakad na sana ako paalis ng bigla niya akong sampalin.
*PAK*
Bigla naman nanlisik ang mga mata ko sa ginawa niya.
Kaya agad ko tong sinabunutan. Sinabunutan di ako nito.
Sabunot dito. Kalmot dun.
Errrr ayoko sa lahat ay ang cat fight! Mas gusto ko pang makipag mapatayan!
Maya maya ay inaawat na kami.
"ANO BANG NANGYAYARI DITO?" agad naman kaming patangin sa taong nag salita. no other than charlie.
Bakas sa mukha nito ang galit.
Kumalas si chritine sa pag kakahawak ni mark at ethan.
Ganun din ako kina carl at cloud.
Umiiyak na niyakap ni christine si charlie. eto na naman po kami sa paawa effect niya.
"Hon sinampal,sinabunutan at kinalmot niya ako." Agad naman napatingin saakin si charlie.
Tinignan ko lang siya ng bored at pag tapos ay tumalikod na ako.
Mag lalakad na sana ako palayo pero nagulat ako ng may humawak saakin. Pag harap ko sa kaniya ay isang charlie ang tumambad saakin. Bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"Ayos ka lang ba?" Agad naman akong napatingin lay christine. Ito ay hindi na iyak na nag kukunwari. Iyak na nasasaktan na ang nakikita ko sa kaniya. Lihim naman akong napangiti. That's what you get christine. Kulang pa yan para sa lahat ng nagawa mo saakin.
Tumingin naman ako kay charlie at umiwas ng tingin.
"Ayos lang ako dont mind me." Tinignan ko ito at tinignan kung ano ang susunod na gagawin niya.
Ngumiti ito saakin pag tapos ay tumalikod at humarap kay christine.
"ANO NA NAMAN BA ANG GINAWA MO HA CHRISTINE!?" Galit na galit na sabi nito.
"Hon i didnt do anything please believe me. Siya ang unang nag simula ng gulo" umiiyak na sabi nito.
"Hindi ako naniniwala sayo sinungaling ka!" May diin sa bawat salitang sinasabi niya.
"Hon im just saying the truth. Hindi mo ba alam na sinisira lang tayo ng babae na yan!" Pasigaw na sabi nito. Pero tuloy padin ito sa pag iyak.
"IKAW ANG SUMISIRA SA RELASYON NA ITO DAHIL SA PUT*NG INA MONG UGALI!" bakas sa mukha ni charlie ang sobrang galit.
Lumapit sa kaniya si christine tsaka siya sinampal.
*pak*
"PAG TAPOS NG LAHAT LAHAT ITO LANG IGAGANTI MO SAAKIN? MAHAL NA MAHAL KITA PERO NAKAKAPAGOD DIN CHARLIE PUT*NG INA ! AKALA KO OKAY NA PERO ETO NA NAMAN NAPAPAGOD NA AKO.!!" Tumalikod ito at pag tapos ay umiiyak na umalis.
Umpisa palang to christine. Madami pang susunod.
Agad akong tumalikod at umakyat sa kwarto namin ni mafi. Masyadong nakakastress ang araw na ito. Kailangan kong mag relax.
Pag dating ko sa kwarti ay sakto namab tumatawag saakin si mafi via skype sa phone.
Agad na nawala lahat ng pagod ko ng dahil lang sa tawag niti. Nakangti kong sinagot ito.
"Heyyy wifey " nakangiting bungad nito saakin.
"Ikaw ha may kasalanan ka sakin." May himig ng pag tatampo ang boses ko
Agad naman kumunot ang noo nito. Tsaka nag salita.
"At ano naman ang kasalanan ko sa magandang asawa ko?" Nag lalambimg na sabi niya.
Lihim naman ang napatawa. Napaka sweet tlaga ng tao na ito. Siguro hindi kumakain ito ng matatabang na pag kain puro matatamis.
"Bakit hindi ka na daw lumalabas ng bahay ha?" Nakataas ang kilay kong sabi.
"Sinabi nila sayo?" Naiinis na sabi nito.
"hubby, please mag enjoy ka naman. Have fun kahit wala ako diyan." Malungkot kong sabi.
"Hindi ko kayang maging masaya ng wala ka." Malungkot na pag kakasabi nito.
agad naman akong napailing sa sinabi nito.
Binago ko nalang ung pinag uusapan namin dahil alam kong hindi ko din siya mapipilit.
"Hubby namimiss mo na ba ang Pilipinas?" Pag tatanong ko dito
"Sobra hon. Dahil nandyan ka." Natawa naman ako sa sinabi nito.
"So kung wala pala ako dito di mo mamimiss ang Pilipinas?" Natatawang sabi ko dito.
"Oo diretsong sagot nito." napailing iling nalang ako sa sinabi niya.
Hanggat maaari ay ayokong buksan ang nangyari kanina.
Pero nagulat ako ng biglang sumeryoso ang mukha nito.
"What happen to you charlene?" Cold na pag kakasabi nito.
Tinatawag lang ako nitong charlene kapag galit na ito.
"What are you saying hubby?" Patay malisya kong sabi.
"Bakit gulo gulo yang buhok, may kalmot ka at higit sa lahat namumula ang kanang pisngi mo. wag mong subukan na mag sinunggaling charlene." matigas na pag kakasabi nito.
napabuntong hininga nalang ako bagao mag salita.
"Nag away kami ni christine." Simpleng sabi ko dito.
"Im going home. Sisiguraduhin ko na mag babayad sila !" Nagulat ako sa sinabi nito. Mag sasalita palang ako ng pinatay na nito ang tawag.
Sh*t! Di ko na alam ang gagawin ko. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.
Napaupo nalang ako sa sobrang stress ko.