"Asan ang DA?" Naiinis kong sabi kay zeus.
"Hindi mo ba alam calvin na aalis sila at pupuntang batangas Queen's order" Malumanay na sabi nito
"WHAT?? HINDI BA NIYA ALAM NA ANG DAMI NATIN PROBLEMA NGAYON? UNG MGA INVESTORS UNG IBA NAG SISIPAG URUNGAN NA. MALAPIT NG BUMAGSAK ANG KOMPANYA.! UNG HQ NG ELITE SUMABOG UNG DALAWANG BOSS NAWAWALA. TAPOS NA KUHA PA NILANG MAG SAYA SAMANTALANG AKO HIRAP NA HIRAP NA!!" hindi ko maiwasan na hindi sumigaw.
Kung kelan namab nag kaka problema sa mafia na dapataysi christine ang umaayos ay na punta saakin!
"kilala mo naman siguro ung pinili mong kapatid na paka selfish! Kung sana di mo pinairal yang galit mo edi sana tama ung napili mo. Baka sakaling may tumutulong sayo ngayon!" Madiin na pag kakasabi nito. Tumayo ito ay umalis dito sa opisina ko.!
Tama naman talaga siya kung sana pumili ako ng maayos at ung totoong karapat dapat sana hindi nangyayari to.
Pano nalang pag nalugi ang kompanya namin. Wala na kaming kakainin. Pano nalang ang mag ina ko?
Pinikit ko ang mata ko. At hinilot ang sentido ko.
Nag bukas ang pinto pero di ko padin dinidilat ang mga mata ko.
"Kuya" tawag saakin ni Christian.
Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Agad na bumukas sakin ay sina Christian,Cyde at Clifford.
kumunot ang noo ko bago sumagot.
"What?"
"Andito na si Clinton." Natutuwang sabi ni clifford.
"Nasaan siya?" Naeexcite ko na sabi.
Dalawang taon na ang nakalipas pero di maaalis saakin na mamiss at hanapin ang dalawa kong kapatid. Lalo na si clinton ang bunso saaming lalaki at si charlene ang bunso.
"Sa bahay niya siya tumutuloy, at may sarili siya company." Kita ko sa mukha ni cyde ang pangungulila sa kaniya
"May appointment ako sa kaniya ngayon sa office niya kuya. Halika na pumunta na tayo." Agad naman akong tumayo at lumabas kami ng office ko.
Nag lakad kami papuntang parking lot. Sumakay kami aa kotse ni Cyde at siya ang nag drive papunta sa kompanya nito.
Makalipas ang 30 mins ay nakarating na kami.
Sabay sabay kaming umakyat sa 30th floor. Dahil doon naka locate ang officw nito. Pag labas namin ng elevator agad na nakita ko ang secretary nito.
"Sir may appointment po kayo?" Magalang na pag kakasabi nito
"Ako meron." nakangiting sabi ni clifford.
"Ano pong pangalan niyo sir?" Pagtatanong ng secretary ni clinton.
"Clifford Scott" hinanap naman ng babae ung pangalan ni clifford sa schedule niya.
Pag tapos niyang tumingin doon ay tumingin naman siya saamin at ngumiti.
"Pasok na po kayo sir" ngumiti kami sa kaniya at pag tapos ay pumasok sa office ni clinton.
Malayo na nga talaga ang narating niya. Hindi ko aakalain na sa loob ng dalawang taon ay mag kakaroon siya ng ganito kalaking kompanya.
Pag pasok namin ay nakatayo ito at nakaharap sa Glass window. Ng marinig nito ang pag sara ng pinto ay humarap ito.
Hindi man lang ito nagulat sa pag dating namin. Nanatili parin siya sa seryosong aura niya.
"Bro kamusta saan ka ba nag pupunta at sa loob ng dalawang taon ay wala kaming balita sayo?" Nag tatanong na sabi ni clifford.
"sa Japan inayos ang unti unti ng nasisirang buhay ko ng dahil sa kagagawan niyo."cold na pag kakasabi ko.
bigla naman naging malungkot si Clifford dahil sa sinabi ni Clinton. Hanggang ngayon ba ay nagagalit parin siya saamin ng dahil lang sa nangyari 2 years ago. Nag sisisi na kami kung bakit namin nagawa un kay charlene.
"2 taon na ang nakakalipas clinton hindi ka parin ba nakakamove on?" Naka kunot noong tanong ni Cyde.
"hindi, bakit kayo naka move on na?" Hindi man lang nag bago ang aura nito bagkus ay lalong umitim.
"Of course bro 2 taon na ang nakakalipas." Sagot naman ni cyde.
Nakita ko naman ang galit sa mga mata ni Clinton.
"Buti pa kayo sa loob ng dalawang taon ay naging masaya. Halata sa inyo na maayos na maayos na kayo. Samantalang ako ay hinanap ko ang kapatid ko. At nakakatuwang isipin na nakita ko siya. Pero sana hindi nalang pala. Dahil naging miserable lang ang buhay ko sa nadatnan ko. Kasalanan niyo ito kung hindi kayo naging gago sa pag pili hindi mangyayari ang lahat ng ito. " madiin na pag kakasabi nito.
"Bakit anong ngyari kay Charlene?" Nag aalalng taon ni christian.
Tumawa naman ng malakas si clinton.
"Wow amazing kuya Christian. Ikaw pa talaga ang mag tatanong saakin kung anong nangyari sa kapatid ko!" Hindi ko napigilan kaya nag salita na rin ako.
"Kapatid natin Clinton hindi kapatid mo lang." Pag tatama ko dito.
Napa smirk ito bago mag salita.
"alam mo ba yang mga sinasabi mo ha kuya Calvin? Seriously? Tinuturing mo siyang kapatid pag tapos ng ginawa mo? Diba ikaw pa nga ang unang nag taboy at nag pahirap sa kaniya. " mas lalong naging cold ang boses nito.
Hindi ko kinaya ang mga sinabi nito dahil alam kong totoo ang sinasabi nito.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"WALA KANG ALAM CLINTON NAG SISI NA SI KUYA!" galit na galit na sabi ni clifford.
"Kulang pa yan kuya kulang pa yan. " tumalikod ito at humarap sa malaking bintana niya.
"Ganyan ba ang igaganti mo saamin pag tapos ka namin hanapin. Nag punta kami dito para makipag ayos at para makausap ka." Malumanay na pag kakasabi ni cyde.
"Hindi ko na kayo kailangan sa buhay ko. NOW LEAVE! " napabuntong hininga nalang kami at umalis sa office niya.
Sumakay kami ng elevator at sumakay ulit sa kotse ni Cyde.
"Kuya ano kaya ang sinasabi ni Clinton na ngyari kay Charlene?" Nag tatakang sabi ni cyde.
Agad na tinawagan ko ang private investigator ko at pinahanap ulit si charlene.
Dahil hindi ako matatahimik hanggat di ko nalalaman ang ngyari sa kaniya.
---
(Queen Christine Jainy's POV)
Sa malayong lugar ako dinala ng mga paa ko. Iyak lang ako ng iyak. Lahat naman ay ginawa ko para maging isang mabuting asawa sa kaniya sa loob ng dalawang taon. Ngayon alam ko na ung nararamdaman ni Mama. Ung mahal mo siya pero di ka niya mahal kasi may mahal siyang iba.
"Hindi maganda para sa isang babae ang umiiyak kaya tumahan ka na." Napatingin ako sa taong mag salita. Binigay niya ang panyo niya saakin. At agad ko naman itong ipinunas sa mga luha ko.
"Salamat gilbert" ngumiti ang ng isang pilit na ngiti.
"Wag lang ngumiti kung hindi ka talaga masaya nag mumukha ka lang tanga." seryosong sabi nito.
"Ikaw wag kang masyadong seryoso mukha ka ring tanga." tumingin ito sa malayo bago sumagot.
"Ganito na talaga ako simula bata pa lang ako." Cold na pag kakasabi nito.
"Bakit naman? alam mo you should learn to express your feeling." Nakangting sabi ko dito.
Kunot noo naman itong napatingin saakin.
"At bakit naman?"
"Para alam ng tao sa paligid mo kung paano sila mag rereact sayo. Masyado ka kasing cold sa lahat." tumayo ito at akmang aalis na ng mag salita ito.
"Hindi naman nila kailangan malaman kung ano nararamdaman ko dahil wala naman silang paki." Mag sasalita pa sana ako ng umalis na ito.
Lihim akong napangiti. Kung ano man ang reason niya kung bakit siya nag kaganun ay alan kong malaki ito. Kagaya nalang ng dahilan ko kung bakit ako ganito ngayon.
Nag lakad nalang ako pabalik ng bahay.
--------
(Gilbert's POV)
Ayoko sa lahat ay ang mga babaeng umiiyak. Nakita ko ang buong pangyayari kanina.
Nakita ko ang ginawa ni Christine kay charlene. Naiinis man ako sa kaniya pero alam kong may dahilan ito.
Hindi naman niya gagawin ang isang bagay na walang dahilan.
Im sure malaki ang dahilan niya.
Pero naaasar ako sa asawa niya. Bakit mas iba pa ang kinampihan nito kesa sa kaniya?
Hindi ko man alam ang umpisa ng kwento nila pero isa lang ang sigurado ako. May posibilidad na mag hiwalay sila ng dahil lang kay charlene.
Sana lang ay wag na niyang patulan ang pag mamahal ni charlie. ilang Araw palang kami dito pero ito na agad ang ngyayari pano pa kaya sa mga susunod na araw?
Ano ba talaga ang nakaraan nila? At bakit parang isang malaking misteryo sila na mahirap buuin?
--------
Inaayos ko lahat ng gamit ko at inilagay ito sa maleta ko.
kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang text ni charlene.
From: Wifey
Subukan mong bumalik mafi im warning you mag HIHIWALAY TAYO!
Agad kong na bitawan ang cellphone ko. Pero kinuha ko ito at nag text.
To: wifey
I need space im sorry.
eto na ung totoong nararamdaman ko napapagod na ako kakahintay sa kaniya at kakaintindi.
Pero Damn! Nag aalala lang ako sa kaniya pero bakit ganito?
Hindi man lang ba niya nakikita lahat ng effort ko!
Naiinis ako sa sarili ko dahil di ko siya magawang suwain kahit gusto ko ng patayin ang mga taong nanakit sa kaniya ay di ko magawa. Dahil siya at siya parin ang nasusunod.
Napapagod na din ! Palaging ako ung umiintindi! Nasasaktan ako pero wala akong magawa dahil di ko kayang iwanan niya ako.pero this time i need space
Sa sobrang asar ko ay hinagis ko ang cellphone ko at kumuha ng alak sa ref.
Pag tapos ng araw na ito ay aalis muna ako at lilipat ng bansa gusto ko munang mag isip isip.
------
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit yun yung naging text ko sa kaniya. Pero paulit ulit din saakin ang huling text niya.
From: hubby
I nees space im sorry.
Yan ang last text niya saakin
Nag sisisi ako. Masyado lang akong nataranta dahil hindi pa ito ung tamang oras.
Kanina ko pa siya tinatawagan pero di siya sumasagot. Canmot be reach ang phone niya.
Sobrang nag aalala na ako.
Unti unting umagos ang luha sa mga mata ko. agad kong pinunasan ang mga luha ko at lumabas ng kwarto agad kong pinuntahan sina cloud.
Walang katok katok ay pumasok nalang ako sa kwarto nila
"Cloud" mahinhin kong pag kakasabi.
Nagulat naman sila ng makita nila ako.
"Bakit charlene?" Nag aalalang tanong nito.
Alam nila na hindi maganda ang lagay ko kapag ganito na ako. Siguro napansin nila na namumula na ang mga mata ko
"Pwedeng patawag?" Tumango naman ito at binigay ung phone niya agad kong tinawagan si mafi pero cannot be reach padin..
"Salamat cloud. Mag pahinga na kayo mag papahinga na din ako." Lumabas ako ng kwarto nila na bagsak ang balikat ko.
Hindi ako tumuloy sa kwarto ko lumabas ako ng bahay at umupo sa buhangin doon ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Bakit ba ang tanga tanga ko?
kung gusto niya na talagang umuwi pag bibigyan ko siya 1 month meron lang akong isang buwan para kalahatiin lahat ng plano ko pag tapos ay ako na mismo ang susunod sa kaniya at mag uuwi dito sa Pilipinas.
Sa loob ng isang buwan ay bibigyan ko muna siya ng space. Kailangan niya yun para makapag isip isip siya. Ngayin lang naging ganito si mafi saakin ma siya ang humingi ng space.
Sobra ko na nga ba talaga siyang nasaktan?
Ng kumalma ako ay pumasok na ako sa kwarto ko at nag pahinga
Hanggan sa pag tuloy ay may luha parin na dumadaloy sa mga mata ko.