(Emperor Mafi Gunner's POV)
Pag ka gcing ko palang ay sobrang sakit na ng ulo ko pero walang mas sasakit sa nararamdaman ko.
Naligo na ako at umalis ng bahay. Andito ako ngayon sa airport. Aalis na muna ako at mag papakalayo layo.
Gusto ko munang mag isip isip ng mga bagay. Sana sa pag babalik ko matanggap niya kung ano ang magiging pasiya ko o kung meron mang mag babago.
-------
(Empress Charlene Gail's POV)
ikaw 4 na araw na namin ngayon matapos ung nangyari nung isang araw ay naging maayos na ang lahat. Masyado din akong umiiwas kay mafi.
Hindi ako makapag focus sa mga plano ko dahil alam kong umalis si mafi ng Japan.
*kringgggg*
*kringgggg*
Tinignan ko sa cellphone ko kung sino ang tumatawag at umaasa na siya ito.
Kuya Clinton Calling.....
Napabuntong hininga muna ako bago sagutin.
"Yes kuya?" Bungad ko dito
"Alam na nila na nandito ako." di na ako nagulat sa sinabi niya dahil planado na ang lahat.
"What happen?" Pag tatanong ko dito.
"Sinabi ko ang mga dapat sabihin. Pero pag alis nila binuksan nila ulit ang pag papahanap sayo dahil sa pinapasabi mo. Im sure hinahanap ka na ng Investigator." Lihim akong napangiti.
Lahat ng plano ko ay umaayon saakin.
"Call that investigator at ipasimula na ung second plan."
"Alright. I'll call you mamaya. Marami pang kailangan ayusin din dito sa office. Mag iingat ka palagi bunso. Dont let them na saktan ka ulit." Pag papaala nito sakin.
"Ofcourse kuya i learn my lesson. I'll never do that again." Pag tapos kong sabihin un ay lumabas na ako ng kwarto.
Nakita ko silang nag lumalangoy sa Dagat. Nag pasiya ako na mag lakad lakad ng mga biglang bumuhat saakin.
"WHAT ARE YOU DOING CHARLIE?!" naiinis na sabi ko.
Tumawa ito ng tumawa at binaba ako.
"Bakit ka lumalayo. Ayaw mo ba kaming makasama?"agad naman nalungkot ang mukha niya sa sinabi niya.
"Hindi sa ganun ayoko lang talaga mag swimming see. Hindi nga ako naka pang swimming. Naka t-shirt at shorts lang ako." Pag papaliwanag ko dito.
"Kung ayaw mo mag swimming edi hindi nalang din ako. Sasamahan nalang kita." Nakangiting sabi nito.
"You dont need to do this charlie." Iiling iling kong sabi.
Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan.
"Pero dito ako mas masaya ung makasama ka at makita kang masaya." Nasusuka ako sa bawat salitang sinasabi niya. Kung noong ay kinikilig ako ngayon ay nasusuka ako dahil alam kong kasinungalingan lang ang lahat.
"Kamusta na kayo ni christine?" Pag tatanong ko dito.
Bumunting hininga naman ito bago sumagot.
"Ewan ko at wala naman akong pakielam." Seryosong sabi nito.
"Bakit parang pinapahiwatig mo na hindi mo siya mahal?" Kunyaring nag tataka pa ako.
"hindi ko siya mahal at kahit kailan hindi ko mamahalin. fixed lang ang kasal namin No choice ako kailangan kong sundin ang gusto nila." Pag papaliwanag nito.
"Ilang taon na kayong kasal?"
"Dalawang taon" simpleng sabi nito.
"Sa dalawang taon ba na yun ni minsan hindi mo siya minahal?" Naka kunot noong tanong ko sa kaniya
"Hindi." Mabilis na pag sasagot nito.
mapait akong napangiti alam ko kung kelan siya nag sisinungaling o hindi. Nakakatawa lang isipin na sakin pa siya nag sinungalung ultimo konting kilos niya ay nababasa ko.
"Tara balik na tayo ang layo na natin." Nag nod naman siya. Ng malapit na kami sa bahay ay huminto siya kaya napatingin naman ako sa kaniya. "Bakit ka tumigil?" Takang tanong ko dito.
" pag balik natin sa manila liligawan na kita." Seryosong sabi nito.
"Nag papaalam ka ba?" Medyo natatawa kong sabi sa kaniya.
"No hindi ako nag papaalam sinasabi ko sayo na pumayag ka man o hindi liligawan padin kita." Pag tapos niyang sabihin yun ay nauna na siyang lumakad. Charlie will always be charlie. Pag pasok ko sa loob ng bahay ay masaya silang kumakain kaya umupo ako sa tabi ni carl at nag simula na din kumain.
Pag tapos namin kumain ay nag tulungan kami maghugas ng pingan at pag tapos ay nandito kami sa sala ngayon.
"Guyss laro tayo ng truth or dare." Pag yaya saamin ni carl.
Lahat ay sumangayos kaya naman kumuha ito ng bote na walang laman.
"Kung kanino tatapos ang ulo siya ang tatanungin ang dulo na man yun ang mag tatanong" pag tapos niyang sabihin yun ay pinaikot na niya.
Tumapat naman ito kay mark at ang mag tatanong sa kaniya ay si cloud.
"Ano ang pinaka pinagsisisihan mo sa lahat ng nagawa mo?" Pag tatanong sa kaniya ni cloud.
"Yun ay ang mawala yung nag iisang babae sa grupo namin." Mapait itong ngumiti.
Wala akong makapang saya sa sinabi niya. siguro dahil puro galit nalang ang nararamdaman ko.
Pinaikot ni mark yung bote at tumapat naman ito kay adella at ang mag tatanong ay si mark.
"Masaya ka ba na ikaw na ang leader namin ? Pano kung bumalik si empress isusuko mo ba ang pagiging leader mo?" Seryosong pag tatanong nito
"Yes masaya ako dahil ako ang leader niyo. Matagal ko ng hiling ang mapunta sa grupo niyo. And kung babalik man siya. Hindi ko ibibigay ang pagiging leader ko. Dahil isa siya traydor." Cold na pag kakasabi nito.
Nakita ko ang galit sa mga mata ni charlie at ni mark.
Pinaikot nito ang bote at tumapat ito kay christine at ang mag tatanong ay ako. Bingo!
"hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Mahal mo ang asawa mo pero HINDI KA MAHAL.!" Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero pilit niya yung tinatanggal.
Tumingin siya sakin bago sumagot.
"Naawa pero anong gagawin ko masyado kong mahal ang asawa ko para iwan." Sabay tingin niya kay charlie. Si charlie naman ay walang pake.
Ng tumingin ako dito ay nakita kong naka tingin ito saakin. Siguro tinitignan nito ang magung reaksyon ko.
Pinaikot na nito ang bote at tumapat saakin. At ang mag tatanong ay si Cloud.
Ngumiti ito ng pilyo bago mag tanong.
"wala ka bang taong namimiss o taong gustong sundan?" Napabuntong hininga nalang ako bago sumagot.
"Meron pero hindi pa ito ang tamang oras." Sabay iwas ng tingin.
Pinaikot ko ang bote at tumapat ito kay gilbert at ang mag tatanong ay si carl. Meron isang malaking ngisi sa labi si carl. Sigurado akong may kalokohan na naman ito.
"ilang taon na tayong mag kaibigan bro pero may babae bang napag salita ka ng tuloy tuloy. Yung tipong nakipag kwentuhan ka na." Nakita kong medyo namula si girlbert at napatingin kay christine.
Mukhang si christine ang tao na yun.
"Meron" simpleng sagot niya.
Sabay paikot ng bote.
Tumapat ang bote kay charlie at ang mag tatanong ay si christine.
"Si charlene o ako?" Malungkot na pag kakatanong nito.
Agad agad naman sumagot si charlie.
"Si charlene." simpleng sabi niya.
Tumayo ito at umakyat na sa hagdan. Bakit pakasi kailangan tanungin kung halata na manhid lang ang mga taong gumagawa niya.
Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko.
---------
(Clinton Klein's POV)
Hindi nga ako nag kamali ipapahanap nga nila si charlene pag tapos ng nalaman nila.
Wala akong makapang pag sisisi sa ginawa ko sa kanila. Dapat lang sa kanila ang mag dusa.
Kulang pa ang lahat ng ito para sa ginawa nila kay charlene.
------
(Empress Charlene Gail's POV)
isang linggo na ang nakalipas simula ng manggaling kami sa batangas. Isang linggo na din akong nangungulila kay mafi.
*pop*
Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. At nakita ko na galing ito kay charlie. Kaya binuksan ko.
from: Charlie
Suaunduin kita ng 7 .
Nag txt nalang ako ng ok.
Hanggan ngayon ay hindi ko parin alam ang gagawin ko sa DA. Gusto kong mag higanti sa kanila. Oo galit ako pero sa kabila nun ay di parin pwedeng mabago na kaibigan ko sila at kababata ko sila.
Ayoko naman na umabot aa punto na may papatayin ako. Yess nagagalit ako pero hindi ang pag patay ang solution para sa mga problemang ito. Dadating ang panahon na kailangan kong bitawan ang pag hihiganti para sa mga taong nag papahalaga pa saakin.
-------
(Emperor Charlie Sean's POV)
Andito na ako sa baba ng condo ni charlene. Ng makita ko siyang nag lalakad papalapit sa akin ay napangiti ako. She's so beautiful inside and out.
"Kanina ka pa?" Nakangiting tanong nito.
"Kararating ko lang." Nag nod lang ito saakin. kaya naman ay nag lakad kami papuntang kotse.
"Saan tayo pupunta?" Naka kunot noong tanong nito saakin.
"You'll see " mas pinabilisan ko pa ang pag papatakbo.
"Kamusta na kayo ni christine?" Pag tatanong pa nito ulit.
Napa buntong hininga nalang ako. Bago mag salita.
"inaayos ko na ang annulment papers namin." Agad naman siyang napangiti sa mga sinabi ko.
Hanggan ngayon naaalala ko padin kung paano nag makaawa saakin si christine.
****FLASHBACK****
"Aayusin ko na ang annulment papers natin. This relationship is not working" cold na pag kakasabi ko kay christine.
Halata sa mukha nito ang gulat.
"Pe-per-pero b-ba-bakit?" Nauutal na sabi nito. Halata sa kaniya na pinipigilan na niyang umiyak.
Ayoko man na makipag hiwalay sa kaniya. Pero kailangan ayoko naman na mag stay lang ako bilang asawa niya na walang pag mamahal sa kaniya. Gusto ko mag hanap siya ng taong lahat gagawin para sa kaniya.
"Look christine for 2 years na kasal tayo. Hindi kita minahal at alam mo yan. ngayon na nakakita na ako ng babaeng gusto kong makasama hanggang sa pag tanda. Please, wag mo naman akong pahirapan." Mahinahon pag sabi ko.
For 2 years binigay ko sa kaniya ung oras ko at pag mamahal. Hindi bilamg asawa kundi bilang kapatid.
"No tha-that's n-not tr-true" pag katapos niyang sabihin yun ay humahagulgol na ito aa pag iyak.
Awa yan ang nararamdaman ko. Pero ngayon buo na ang pasya ko. Mahal ko si charlene at siya ang gusto kong pakasalan.
"Im sorry christine." Aalis na sana ako sa kwarto pero niyakap nito ang mga binti ko.
"No pleaseeee dont leave me charlie. Mag babago na ako lahat ng ayaw mo saakin babaguhin ko." Iyak lang ito ng iyak.
"Please dont do this to yourself christine. Maawa ka sa sarili mo." Pag tapos nun ay tinaggal ko na ang pag kakahawak niya saakin at umalis ng kwarto.
****end of flaahback****
"Ayos ka lang ba charlie?" Napatingin ako kay charlene. Pero saglit lang iyon dahil binalik ko din ung tingin ko sa daan.
"Oo naman bakit nasabi mong di ako okay?" Naka kunot noong tanong ko sa kaniya.
"Malalim kasi ang iniisip mo" naka kunot noong sabi nito.
Hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad nito. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"May naaalala lang ako" tumango nalang ito at nag nod.
nag patuloy nalang ako sa pag dadrive habang si charlene ay naka tingin sa labas ng bintana.
"bakit tayo nandito?" Naka kunot noong tanong nito.
"To have fun." Naka ngiting sabi ko dito.
Andito kami ngayon sa may harapan ng yate.
hinatak ko ang kamay nito at pumasok kami sa loob ng yate.
"Mauna ka na umakyat paaandarin ko lang."
"Marunong ka?" Manghang sabi nito.
Tumungo nalang ako bilang sagot.
Pag ka tungo ko ay umakyat na ito. Ako naman ay pinatakbo ang yate patungo sa gitna ng karagatan. Saktong 5 ng marating namin ang gitna ng karagatan pag akyat ko ay nakatingin si charlene sa araw.
Tahimik akong lumapit at niyakap siya sa likod
"Maganda ba?" Pag tatanong ko dito.Ng hindi parin kinakalas ang pag kakayakap ko sa likod niya.
"sobrang ganda." halata sa boses nito ang pagka mangha.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nag picture ako.
Nakaharap ako sa phone ko habang nakangiti yakap ko siya sa likod. Kita ang araw at kita ang likod niya.
pag tapos ay tinago ko na din sa bulsa ko.
"Let's eat" pag yaya ko sa kaniya. Humarap ito saakin at na nod.
Nag punta kami sa table.
Pinaghila ko ito ng upuan. Nag pasalamat naman ito kaya ngumiti lang ako. Umupo ako sa harap nito.
tahimik lang kaming kuma kain ng basagin nito ang katahimikan.
"Maraming salamat charlie." Bakas sa mukha nito ang saya.
"Anything. Basta ikaw gagawin ko ang lahat. " nakangiting sabi ko.
Nag kwentuhan lang kami ng konti at pag tapos ay nag pa siya na kami umuwi.
-------
(Empress Charlene Gail's POV)
"Maraming salamat.ingat ka pag uwi." Nakangiting sabi ko.
" i will." Pag tapos nun ay tumalikod na ito at umalis na.
Ako naman ay umakyat na ng condo.
Hindi ko inaasahan na gagawin yun ni charlie. simula bata ay kilala ko na siya pero may isang bagay pa pala na hindi ko alam tungkol sa kaniya.
At yun ay ang pag papatakbo ng yate. Hindi ko inaakala na may bagay siyang hindi sinasabi.
Siguro kung sa ibang pag kakataon lang ay mamahalin ko na siya. Pero pag tapos ng lahat ng nangyari napuno na ng galit ang damdamin ko.
Siguro sa takdang panahon ay mapapatawad ko na sila.
Pero hindi ngayon..