(Emperor Mafi Gunner's POV)
"Im glad at nakabalik ka mafi. Mas maaga pa ito sa inaasahan ko." Seryosong sabi saakin ng daddy ni charlene.
"Hindi ko rin inaasahan na makakabalik ako ng maaga sir." Magalang na pag sabi ko dito. Pero mababakas mo sasalita ko na walang ka buhay buhay ito.
"Nabalitaan ko na ikakasal ka na soon. Congrats in advance eight"
"Maraming salamat sir."
"Welcome back Elite Eight. Sa DA mansyon ka na ba titira? " naka kunot noong tanong nito.
"No sir." Tipid kong sagot.
"Alright. Mag transfer ka nalang sa CGU dahil doon nag aaral ang buong DA. Pati na si christine at ang bago niyong leader." agad na kumunot ang noo ko sa huling sinabu niya.
"Sir? Hindi bat si charlene ang leader namin? Nasaan na siya?" Kunyaring walang alam na tanong ko.
"2 years na siyang hindi mahanap. hayaan mo nalang ang bastardong iyon." Tiim bagang nitong sabi.
Nag nod nalang ako bilang sagot. Dahil agad na nag init ang ulo ko sa huling sinabi niya.
Maybe hindi kami okay ni charlene but still ayokong nakakarinig ng kung ano ano tungkol sa kaniya.
dahil sa wala na naman siyang sasabihin ay umalis na ako ng opisina na niya.
Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso sa bahay. Pag ka galing ko palang ng airport ay dito na agad ako dumiretso . Para malaman niya na nandito na ako.
----
(Empress Charlene Gail's POV)
Pag ka baba ko palang ng condo ay si charlie na agad ang naabutan ko.
"Goodmorning flowers for you." Sabay abot nito saakin.
"Thank you charlie." Nakangting pasasalamat ko din dito.
"Your welcome baka malate tayo sa meeting ng SSG we better go." nag nod nalang ako bilang sagot sa kaniya.
Pinag buksan niya ako ng pinto ng kotse at pag tapos niyang maisara ang pinto ng makasakay na ako ay pumasok narin siya at nag drive.
Mabilis lang ang naging byahe namin papunta sa school. Since maaga pa ay wala pang ganong klase.
Pag ka baba ko ng kotse ay dumiretso agad kami sa loob ng SSG room. Nasa labas palang kami ay may nadidinig na akong ingay mukhang nag kakasiyahan sila sa loob.
"Ano kaya ang meron at mukhang nag kakasiyahan sila?" Naka kunot noong tanong ni charlie.
"Hindi ko din alam. Halika na nga at pumasok na tayo." Pag hihila ko dito.
-----
(3rd Person)
Pag pasok palang sa pinto nila charlie at charlene ay laking gulat ni charlene na makita ang taong hindi niya inaasahan na dadating ngayon.
Pinilit niyang kalmahin ang sarili niya. Para hindi mahalata na nagulat siya at mag kakilala sila. Not now sa harapan ng DA.
Napa tingin siya kay mark. Na nakatingin din sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pag aalala. Nag nod nalang siya kay mark sign na ayos lang siya.
Sa kabilang banda ay hindi na nagulat si mafi na mag kasama sina charlie at charlene. Nasasaktan man siya at nagseselos ngunit hindi nito ipinahahalata.
"Hi im charlene Lopez the Governer and you are?" Pag tatanong ni charlene kay mafi.
Agad agad naman sumagot si mafi.
"Im Emperor Mafi Gunner Black the vice governor" walang emosyon sabi nito.
Napatingin si mafi sa kamay ni charlie na nasa likod ng bewang ni charlene.
nag taas ng kamay si charlene para makipag kamay at ganun din ang ginawa ni mafi.
Ng matapos silang mag shake hands ay tsaka lang napansin ni mafi na wala na ang singsing na binigay niya sa kaniya.
Si charlene naman ay nakita ang singsing nila ni mafi. Pero ng tignan niya ulit si mafi at titigan ng mabuti nakita niya dito ang lungkot. Na para bang gusto na nitong umiyak sa sakit ng nararamdaman nito. Doon niya lang na realize kung bakit nag kakaganon si mafi. Ng dahil sa singsing na hindi niya na suot.
"Let's start the meeting." agad na nag si upo sila sa kani kanilang upuan.
"Since two weeks na tayong di nag memeeting gusto kong tanungin ang mga department na hawak niyo?" dama ni charlene na nakatigin si mafi sa kaniya pero binabaliwala lang niya ito.
"Its alright ganun padin at walang nag bago." Pare pareho nilang sagot.
"Mukha naman walang problema so pwede na kayong umalis." Nag sitayuan naman sila ganun din si charlene.
"Sabay na tayo charlene." Agad naman napatingin si charlene kay charlie.
"Mauna ka na may tatapusin lang ako." Nag nod nalang bilang sagot si charlie.
Ng lumabas ito ay akmang aalis na din si charlene ng hilain ito ni mafi.
Hindi niya na pansin na nandito pa pala ito. Akala niya ay umalis na ito.
"Why charlene why?" Nanginginig na sabi ni mafi kay charlene. Mahina lang ito pero sapat na para marinig din ito ni charlene.
"Ano bang pinag sasabi mo mafi?" Naiinis na sabi ni charlene. gusto muna niyang lumayo kay mafi dahil nasasaktan pa siya sa mga ngyayari.
"Bakit tinaggal mo yung sising at ung bracelet charlene bakit?" Nakayakap sa kaniya si mafi kaya nararamdaman niya na umiiyak na ito. Gusto man niyang umiyak pero pinipigilan niya lang.
Kailangan niyang maging malakas.
"Ako naman ang mag tatanong sayo mafi. Bakit? Bakit ka pumayag sa engagement party na yan?"
"You didnt answer my question but i will answer yours. Dahil umaasa ako na dadating ka at pipigilan ako. Pero hindi mo ginawa charlene. " kumalas na ito sa pag kakayakap.
Nag tama ang mga paningin nila sa isat isa. Nakita ni charlene ang mukha ni mafi na puno ng luha. Si mafi naman ay walang mabakas na reaksyon sa mukha ni charlene.
"Tapos na tayo charlene. Tinggal mo na ang singsing at ang bracelet kaya alam ko na sa sarili ko na siya ng ang pinipili mo. Akala ko ba ako na? Akala ko ba plano nalang ang lahat ng ito? Pero anong ngyayari?" Tinggal nito ang singsing niya at inilagay sa kamay ni charlene at pag tapos ay umalis.
Pag ka alis ni mafi ay tumulo na ang mga luha ni charlene. Napayakap nalang siya sa singsing na hawak niya.
Bakit ang sakit sakit? Bakit siya mismo ang tumapos? Bakit di niya muna hinintay na mag explain ako? Yan ang mga tanong na gusto niyang itanong pero alam niya sa sarili niya ang sagot.
-------
(Mark Liam's POV)
Nakalimutan ko ang bag ko sa loob ng SSG room kaya napag pasyahan kong bumalik ng biglang makasalubong ko si mafi.
At nagulat ako sa mafi na nakita ko. Halata dito na umiiyak ito at halata sa mukha nito na malungkot ito.
Pero agad din itong nawala ng makita niya ako.
"Hindi mo kailangan itago ang tunay na ikaw saakin mafi." Seryosong sabi ko sa kaniya.
"Alam mong hindi ikaw ang kailangan ko. " cold na pag kakasabi nito.
"still the same mafi that i used to know. Kakayanin ang lahat mag isa." I know na nasasaktan siya. Pero pinipigilan niya lang ang sakit.
"Whatever dude. Im going." Sabay lakad nito.
Napailing iling nalang ako bago tumuloy sa pag lalakad.
Pag bukas ko ng pinto ng SSG room ay nakita ko si charlene na halos hindi na makahinga kakaiyak kaya agad akong napalapit sa kaniya.
"Charlene what happen?" Nag aalalang sabi ko.
"I-in-iniwan n-na ni-niya k-ko" nauutal na sabi nito. Puno ng luha ang mga mata niya.
"Charlene hindi ka na makahinga. Ung mga kamay ko" agad kong kinuha ang tubig niya at pinainom siya.
Ung kinuha ko ung kamay niya at minasahe ko ang mga daliri niya.
"M-ma-mark s-si m-ma-------" hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil hinimatay na ito.
"charlene wake up" pag gigcing ko dito.
Wala na akong choice kung di dalhin siya sa ospital.
------
(Empress Charlene Gail's POV)
Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Isang puting kisame ang agad na bumungad saakin.
At amoy ospital kaya nahulaan ko agad na nasa ospital ako at wala sa condo ni mafi.
Inilibot ko ang aking paningin at agad kong nakita sina Mark at si Kuya clinton.
Gusto kong maiyak dahil wala siya dito. Siya ang pinaka kailangan ko ngayon..
"ano nararamdaman mo ngayon charlene? Ayos ka na ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong ni kuya.
"Im fine kuya thanks." Simpleng sabi ko dito.
"Ano ba ang ngyayari sayo? Sabi ng doctor kaya ka nahimatay ay dahil sa sobrang stress. Dont stress yourself too much charlene baka biglang bumigay ang katawan mo at mag karoon ka ng malalang sakit." Nag aalalang sabi nito.
"Im sorry kuya. Masyado lang akong na stress sa pagiging Governor. Masyadong maraming kailangan gawin." pag sisinungaling ko kay kuya.
Hindi ko ito ginusto pero ayoko na malaman niya sa ngayon masyado pang magulo. Pero isa lang ang malinaw ang salitang WALA NA KAMI.
"alright make sure next time na makakapag pahinga ka pa." Nag nod nalang ako bilang sagot kaya nag salita ulit siya." Iiwan ko muna kayo bibili lang ako ng pag kain." pag tapos niyang sabihin yun ay umalis na din siya agad.
Kaya lumapit naman si mark saakin.
"Mark thank you buti nalang at nandun ka" nakangiting sabi ko.
"Charlene ako na ang makikiusap sayo. Hayaan mo muna si mafi. Kilala mo siya hindi ka matitiis nun. Wag ka ng umiyak ng dahil sa kaniya. Alam kong masakit. Pero isipin mo rin ung sarili mo at ung kalagayan mo." Unti unti na naman tumulo ang mga luha ko pero agad din naman niyang pinunasan at nag salita. " kakasabi ko lang diba? Ito nga pala napulot ko yan. I know kay mafi yan. Diyan palang ay nahulaan ko na ang nangyari sa pag uusap niyo." Sabay bigay ng sising saakin ni mafi.
Tinanggal ko ung kwintas ko at inilagay ko dun at ibinalik sa leeg ko.
"Thank you mark. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala yung sing sing na iyon." Nakangiting sabi ko this time totoong ngiti na ang ipinapakita ko. Dahil masaya ako na hawak ko ung singsing. Sobrang halaga ng sing sing na iyon para saakin.
"Your welcome" nakangiting sabi nito.
-------
(Emperor Mafi Gunner's POV)
andito ako ngayon sa DA mansyon. Nakakatuwa lang isipin na wala parin itong ipinag bago.
"Dude ang tagal mong nawala ha." Nakangiting sabi ni Grandel.
"Yeah matagal nga hindi ko inaasahan na sa pag babalik ko ay wala padin kayong pinagbago." Cold na pag kakasabi ko.
"Dude ikaw may pinag bago. Mas lalo kang naging cold. " sabay tawa ni skyller sa sinabi niya
"Still the same skyller isip bata." Seryosong pag kakasabi ko.
Nag uusap usap lang kami tungkol sa mga ngyari habang wala ako ng biglang dumating si mark.
"Saan ka galing mark?" Kunot noong tanong ni cloid sa kaniya.
"Basta" simpleng sabi nito tinignan lang ako nito ng walang emosyon pag tapos ay umiling. Tumalikod ito at umalis.
"Ang weird ni mark ngayon." Makahulugang sabi ni cloid.
Umakyta ako papunta sa kwarto ko. Gusto kong makita ang kwarto ko para malaman ko kung may pumasok dito. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko si mark at mukhang hinihintay ako.
"Ano ba ang ginagawa mo mafi?" Cold na pag kakasabi nito.
"What i didnt do anything" naiirita kong sabi.
"Bakit ka nakipag break sa kaniya? Ang tagal mong hinintay ang araw na maging kayo mafi baka nakakalimutan mo." Madiin na pag kakasabi nito.
"Hindi ko nakakalimutan ang bagay na yun mark. Minsan kailangan mo din sumuko kasi masakit na. Isipin man ng iba na sumuko ako ng mabilis pero hindi niyo ba alam na ilang taon na akong nag hihirap simula noon hanggan ngayon. Gusto ko rin sumaya. Kung nasasaktan si charlene ako din nasasaktan!" Madiin na pag kakasabi ko.
"She needs you more than you need her and you know that mafi. Alam mong plano niya lang ang lahat ng ito.!" Nakikita ko sa mga mata nito na napipikon na ito.
"Plano? Mas mahalaga pa ba ang plano na iyan kesa saakin? Ayos lang mag higanti siya pero bakit kailangan maging sila pa? Ang unfair diba? Sakin ka nagagalit na pumayag ako sa engagement party na yan pero sa kaniya di ka nagagalit sa ginagawa niya. Well i guess im not welcome here anymore." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at agad na umalis ako ng lugar na iyon.