(Empress Charlene Gail's POV)
Hawak ko na ngayon ang DNA test na ipinagawa ko nung nakaraan linggo. Mabilis na lumipas ang isang linggo.
Wala parin imikan sa pagitan namin ni mafi. Si mark ay alam kong nakikiramdam lang pero alam kong nag aalala ito.
Bumalik ako sa katinuan ko ng mag salita si kuya clinton.
"Hindi mo pa ba bubuksan yan charlene?" Naka kunot noong tanong nito.
Isang oras na kaming nandito sa office niya at hanggan ngayon ay hindi ko parin alam kung bubuksan ko na ba ito. Masyado akong kinakabahan.
"Natatakot ako sa resulta kuya." Pag aamin ko dito.
Napa buntong hininga naman ito bago mag salita.
"come on charlene open it alam kong positive yan." Naka ngiting sabi nito.
Huminga ako ng malalim at saka ko ito binuksan. Dahan dahan kong inilabas ang papel. At laking gulat ko sa nakita ko.
Unti unting tumulo ang mga luha ko sa mata. Nghihina ako hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko sabibin.
"Charlene ano ang resulta? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong nito.Lumapit ako dito at pag tapos ay niyakap ko ito.
"Kuya positive." Tapos ay nag tuloy tuloy na ang luha ko.
Kinalas nito ang pag kakayakap ko sa kaniya at pag tapos ay kunot noong tumingin saakin.
"Positive? sino sa inyong dalawa ang tunay na anak?" Naguguluhang sabi nito.
Ibinigay ko dito ang papel at tinignan ito. Gulat ang rumehistro sa mga mukha nito at galit. Tumingin ito saakin at nakita ko ang awa doon.
"All along ikaw ang tunay na anak at si christine ang hindi. And yet ikaw yung inaapi nila mas lalo akong nagagalit sa kanila.!" madiin na pag kakasabi ni kuya clinton.
Habang ako ay patuloy sa pag iyak dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ako nga ang tunay na anak pero ako naman itong hindi kinikilala bilang tunay na anak.
Pinunasan ni kuya clinton ang mga luhang tumutulo saakin mga mata.
"Stop crying charlene." Pag aala nito saakin.
agad na niyakap ko ulit ito at sa mga bisig niya ako umiyak ng umiyak.
"Kuya sobra na ang ginawa ni christine. Hindi ko hahayaan na hindi maibalik ang dapat saakin. Sa umpisa palang akin na ang mafia. Ipinaubaya ko lang ito sa kanila. " madiin na pag kakasabi ko sa bawat salitang sinasabi ko.
"Tutulungan kita. Laban natin dalawa ito bunso."
-----
(Emperor Mafi Gunner's POV)
"Mark pwede ba tayong mag usap?" Seryosong sabi ko dito.
Hindi ito nag sasalita at nakatingin lang saakin pag tapos ay tumingin sa malayo.
Napabuntong hininga nalang ako sa inaasal ni mark. One week na ang nakalipas pero hindi parin nito ako kinakausap.
Bakit nga ba palagi nalang ako ung mali? Nag mahal lang ako tao din ako sumusuko at nasasaktan.
Tinapik nalang ni skyller ang balikat ko pag tapos ay nag salita.
"Ano ba talaga ang ngyayari sa inyong dalawa? Kahit sa inyo ni charlene mafi. Hindi naman kayo dating ganyan kung titignan kayo ay parang may malaking harang sa mga pagitan niyo." Naka kunot noong sabi nito.
"It's nothing skyller don't mind us" mark said.
"Anong don't mind us don't mind us ang pinag sasabi mo diyan? Halata naman na may malalaking problema kayo." naiinis na sabi ni grandel.
"PWEDE BA WAG NA KAYONG MAKIALAM! SINABI NG AYOS LANG KAMI!!" Galit na galit na sabi ni mark sabay walk out. Pag ka gulat yan ang makikita sa mga mukha namin. Hindi namin inaasahan na magagalit ito ng ganun.
"Ano ba talaga ang ngyayari mafi?" Naka kunot noong tanong ni cloid.
"Wala nga. Tama si mark wag niyo na kaming pakialaman." Tumayo ako at nag walk out.
Habang nag lalakad ako ay nakasalubong kosi charlene.
Nag ka tinginan kami ng matagal bago ito nag pasiya na lumakad nalang at iwasan ako.
Agad akong lumakad papunta sa garden ng school.
------
(Mark Liam's POV)
Inis yan ang nararamdaman ko. oo nga't napapagod siya sa pag intindi kay charlene. Pero hindi bat matagal niyang hinintay si charlene.
Masyadong naging kampante si mafi na kahit mag hiwalay sila ay siya padin ang pipiliin ni charlene. Pero dahil sa pagiging kampante niya ay nasasaktan siya.
Hindi niya hinayaan na mag explain sa kaniya sa charlene. Kung hindi siya kikilos may pag asa na bumalik ang pag mamahal ni charlene kay charlie. Sana ay hindi mag sisi si mafi sa napili niyang pasya.
silang 3 ay mahalaga saakin dahil simula bata pa lang ay mag kakasama na kami. Saksi ako sa pag hihiram nilang3 makapasok lang ng elite. Ung matinding labanan sa pagitan ni mafi at charlie para sa pagiging guardian kay charlene.
Ako ang kaisa isang tao na nakakita kung gaano ka miserable si mafi noong mga panahon na si charlie ang naging guardian ni charlene. at noong mga panahon na naging si xavier at si charlene.
Kaya ito humiling na ipadala siya sa ibang bansa. Pero hindi ko inaasahan na ako ang gagawin niyang mga mata para malaman ang kinikilos nito. Dahil ang sabi niya saakin ay pupunta siya sa ibang bansa upang makalimot.
Lahat ng tawag na natatanggap ko na may kinalaman sa pag tatanong sa nangayari kay charlene ay si mafi iyon.
Andito ako ngayon sa puno sa may garden kita ko mula rito ang itsura ni mafi na nakahiga sa d**o at nakatingin sa mga ulap. Halata mo dito na malalim ang iniisip nito.
Makikita mo din dito si Charlene na nasa isang puno at nakatingin lang kay Mafi.
Napailing nalang ako. Mababakas mo sa mukha ni Charlene ang lungkot at pangungulila.
Kailangan maayos ko na sila. Dahil alam kong labis na silang nasasaktan.
umalis ako sa garden at nag isip ng mgandang gawin upang mapag ayos silang dalawa. Hindi ako papayag na matatapos ang linggo na ito ng di sila nag kakaayos.
-------
(3rd Person)
Habang nag dadrive pauwi si Christine. Ay hindi niya napapansin na may itim na sasakyan ang lihim na sumusunod sa kaniya ng dumaan sila sa madilim na lugar.
kinuha ng babaeng sumusunod sa kaniya ang kaniyang baril at nag simulang paputukan ang kotseng sinasakyan ni Christine.
Agad naman na alarma si Christine. Dahil sa tumama ito sa kanan bahagi ng kotse niya.
"what was that?" Naiinis na sabi nito sa sarili. tumingin siya sa side mirror niya ay napansin niya na may sumusunod sa kaniyang kotse.
mas lalo pa siyang na alarma ng makita niyang nag tataas na ito ng baril upang paputukan ulit siya.
mas lalo pa niyang pinabilis ang pag papatakbo niya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Masyado siyang nag papanic sa mga nangyayari.
Dahil ito ang kauna unahang pag kakataon na may gamawa sa kaniya ng ganito.
Samantalang ang babaeng naka sakay sa kotse na humahabol sa kotse ni Christine ay libang na libang sa nangyayari.
Mabilis niyang pinatakbo ang kotse at pinaulanan ng bala ng baril ang kotse ni christine.
"Sh*t!" Naiinis na sabi ni Christine dahil ayaw gumana ng break ng kotse. at pa zigzag ang dadaanan niya.
kinuha niya ang Cellphone niya sa kaniyang bag upang humingi sana ng tulong. Pero pag balik niya ng tingin sa kaniyang dinadaanan ay may puno na siyang tatamaan.
*BOGGHHSSHHHHHH*
Mabilis na bumaba ang babaeng humahabol kay Christine at pumunta sa kotse nito na tumama sa puno.
Nakita niya ito na walang malay at nag dudugo ang ulo. pero wala itong matamong malalang sugat. Tinurukan niya ito ng pampatulog. Upang hindi ito magising ng mabilis. Pag tapos ay sinakay niya ito sa kaniyang sasakyan.
"Kailangan mo munang wala at mag dusa ng panandalian Christine. Masyado ka ng maraming kasalanan. Kaya nararapat lang sayo ang parusahan. " pag ka lapag niya kay Christine ay mabilis niyang pinatakbo ang kanyan kotse patungo sa kaniyang bahay.
-------
(Mark Liam's POV)
Thursday ngayon kaya alam kong pupunta si Charlene sa comfort zone ng DA sa may tabing dagat.
nag lalakad ako papunta ng canteen ng maka salubong ko si Mafi. Agad naman kaming nag ka tinginan.
"Pwede ba tayong mag usap?" Seryosong tanong ko dito.
Tumango naman ito kaya nag lakad kami papunyang garden umupo kami sa mga d**o at tumingin sa malayo.
"Bakit tayo nandito Mark?" Seryosong pag tatanong nito saakin.
Hindi ko sinago ang tanong nito bagkus ay nag tanong din ako dito.
"Gaano mo ka mahal si Charlene Mafi?" Tinititigan ko ito sa mga mata niya habang nag hihintay ng kaniyang sagot.
"Alam kong alam mo ang sagot diyan Mark" titig na titig na sabi nito.
"No i don't no the answer. Gusto ko sayo ko mismo maranig kung gano mo siya kamahal." Madiin na pag kakasabi ko.
Bumuntong hininga siya bago tumingin saakin ng seryoso. Ngayon ay pinapakita niya saakin ang emosyon na meron siya. Na makikita mo lang kapag si charlene na ang pinag uusapan.
"I love her more than my life Mark, i am willing to give her my own life and happiness just to make her happy." Makikita mo sa mukha nito na nag sasabi ito mg totoo. Unti unti ng tumulo ang mga luha nito.
akala ng lahat ay malakas si Mafi. But no he is not strong masyado siyang mahina when it comes to Charlene.
Lihim akong napangiti sa sinagot ni Mafi. Dahil kagaya parin ito ng dati. Kapag tinatanong ko siya. Ung Mafi na halata mong mahal na mahal si charlene.
Tumayo ako at tinapik ang likod nito pag tapos ay nag salita.
"Kung gusto mo talagang maging maayos ang lahat puntahan mo siya sa comfort zone ng DA andun siya pag Thursday." Pag tapos kong sabihun yun ay umalis na ako.
Sa ngayon eto lang ang magagawa ko. Sana ay mag kaayos na silang dalawa.
-------
(Emperor Charlie Sean's POV)
Ilang araw ko ng napapansin na wala sa kaniyang sarili si Charlene.
Pero sa tuwing tatanungin ko ito kung ayos lang siya. Lagi ang sagot niya ay "okay lang ako pagod lang ako."
Hindi maiwasan na hindi ako mag alala sa kaniya. Pamiramdam ko nagiging malayo na siya saakin. Mag mula mg dumating si mafi.
"Charlene pwede ba tayong mag usap?" tumango ito pag tapos at tumayo at lumakad .
Sinundan ko ito hanggan sa tumigil kami sa may garden.
"speak" cold na pag kakasabi nito.
"Charlene may problema ba tayo? Ilang araw ko ng napapansin na ganyan ka." Mahinahon na pag kakasabi nito.
Tumingin ito saakin pag tapos ay nagsalita.
"Wala tayong problema Charlie. Masyadong maraming bagay lang akong iniisip im so sorry." mula sa pagiging cold naging malambot na ang itsura nito.
"Ano ba ang gumugulo sa isip mo? Alam mo naman na pwede mong sabihin saakin yan." Nakangiting tanong ko dito.
"Im sorry Charlie pero masyadong personal." Unti unti nag laho ang ngiti sa mga mukha ko. At napalitan ng lungkot.
"It's alright i understand" pilit akong ngumiti upang hindi niya mahalata na nalulungkot ako.
"Thank you for always understanding me." Nakangiting sabi nito.
Nag nod nalang ako pag tapos ay bumalis ma kami ng room dahil mag sisimula na ang isa na namang subj namin. Pag dating namin sa room ay nakita ko na nag katitigan sina charlene at mafi pag tapos ay mag iwasan sila ng tingin.