Hallucination? ------------------------------------------------------ "Lola!" Malakas na sigaw ni Kierro. Napangiti ako habang tinitignan siyang tumatakbo papunta kay Mommy. Masaya sa pakiramdam at para bang nakukulangan ang mga utang ko sa kanila. Tumayo si Mommy at inilalayan na makatayo si Kierra na nakakandong sa kanya. "Hello Kierro." Nakangising sambit ni Mommy. Kitang-kita ang pananabik at saya sa mukha ni Mommy at ng mga anak ko. Nakakagaan sa pusong makita silang masaya. "Hello po." Nahihiyang sambit ni Kierro. Nakatayo siya sa harap ni Mommy. Lumuhod si Mommy at ginulo ang buhok ng anak ko. "You looked like your dad." Nakangiting sabi ni Mommy habang tinitignan si Kierro at inilipat sa akin ang kaniyang mga tingin. Iniwasan ko iyon at yumuko. "Talaga po?" Masayang tanong

