chapter 6

1612 Words
Nang dahil sa accedente ay hinatid ko muna si Caroline sa kanyang apartment na inuupahan niya para makasiguro ako na safe siya makakauwi ng bahay niya. "Sir, mabuti pa poh mag kape na poh muna kayo," "Huh.. hindi na aalis na rin ako , hinatid lang kita para makasiguro ako ligtas ka makakauwi." "Sir, sige na poh para makabawi naman poh ako sa pag liligtas ninyo sakin." "Hindi naman kaylangan ! Boss mo ako at obligasyon ko na masiguro safe lahat ng employee ko. Pero tutal mapilit ka, sige , hindi na kita tatanggihan, baka magtampo kapa." Napatawa naman ito sa sinabi ko, pero bago pa man mapunta sa ibang bagay ang usapan namin ay bumaba na ako para pag buksan ito ng pinto ng aking kotse . Sabay kami pumasok sa maliit na apartment niya, saka niya ako pinaupo sa mahabang sofa. "Sir, dumito muna kayo mag bibihis lang poh ako saglit." "Ahh… ok, aantayin na lang kita dito." Agad ito tumalikod sa akin at pumasok sa kanyang kwarto. Naiwan pa niya na bukas ang pinto niya kaya hindi ko na lang ito pinansin. Agad nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko muna ito. Muli akong napatingin sa kwarto ni Caroline at sa mismong pinto ng kwarto niya ay kitang-kita ang malaking salamin niya. Na nakapaling sa mismong kama nito. Nakita ko kumuha siya ng damit sa cabinet niya, saka niya hinubad ang kanyang pang-itaas na damit. Nanlaki ang mata ko ng hinubad niya ang kanyang bra, saka niya sinuot ang oversized t-shirt niya. Pakiramdam ko ay bigla nanuyo ang lalamunan ko ng makita ko ang malulusog niyang dibdib. Mayamaya ay hinubad naman niya ang palda niya kaya nakita ko rin ang kanyang manipis na panty saka niya sinunod isuot ang short niya. Mabilis kumalabog ang dibdib ko sa nakita ko; pakiramdam ko ay bigla ako nag-init dahil sa kanya. Parang bigla nabuhay ang dugo ko maging ang aking alaga dahil doon. Pinilit ko iiwas ang tingin ko sa pinto ng kwarto niya at binaling ko sa kausap ko ang aking atensyon. Matapos namin mag-usap ay lumapit ito sa akin na may dalang isang tasa ng kape at juice . Sinubukan ko kunin ang tray sa kanya at inilagay sa isang center table. Nang maipatong ko iyon ay kinuha ko ang juice at inabot sa kanya . Ngunit napatingin ako sa t-shirt niya na bakat na bakat ang kanyang malulusog na dibdib. Dahil sa pag titig ko doon ay hindi ko namalayan na napabuhos na pala ito sa dibdib niya. Hindi ko kasi napansin na kanina pa niya kinukuha ang baso sa akin at nakikipag-agawan pa ako sa kanya. Kaya hindi sinasadya na mapabuhos iyon sa kanya. Dahil doon ay mas lalo bumakat ang dibdib nito doon, at dahil manipis lang iyon at kulay puti, ay malinaw na nakita ko iyon. Sa taranta ko ay kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang kanyang dibdib. Dahil doon ay mas lalo akong nakaramdam ng mas malaking pananabik sa kanya. Nagulat pa ako ng hawakan nito ang aking kamay at ngumiti sa akin. "Sorry, hindi ko sinasadya." "Ano kaba sir , ok lang naman poh pwede naman ako magpalit ng damit." Nakangiti wika nito sa akin. Agad, ito tumayo sa kinauupuan niya at muli nagpasok sa kanyang kwarto para magpalit ng damit. Muli ko pinanood ang pag-papalit nito ng damit na parang nagmumukha tuloy ako ng manyak sa ginagawa ko paninilip sa kanya . Matapos nitong magpalit ay muli itong lumabas ng kanyang silid. Sando ang pinili niyang suotin na hapit sa kanyang katawan, maging ang bundok nito ay kitangkita ko at ang cleavage niya. Umupo ito sa tabi ko na hindi ko man lang magawa alisin ang paningin ko sa kanya. "Sir, ok ka lang ba?" "Ahh, ok lang ako , pero pwede ba magpalit ka ng damit na mas desente kesa diyan ." Napatingin naman ito sa damit niya, saka ito tumingin sa akin. Pasensya na, sir, dito kasi ako nasanay . Wala kasi ako ibang kasama dito kaya nasanay na ako sa ganitong kasuotan. "Pero Ms. Caroline, boss mo ako at lalaki parin naman ako; dapat umakto ka sa harap ko ng maayos." "Hindi mo ba alam na pwede ka pag samantalahan ng kahit na sino dahil sa ginagawa mo?" "Sir, ang mga tao walang kaluluwa, walang pinipili yan; kahit ano isuot mo, gagawan ka parin naman ng masama." "Saka hindi ko na kaylangan maging malinis dahil matagal na madumi ang pagkatao ko." "Ano ibig mo sabihin?" "I'm a r*pe victim, sir; kinuha ng walang hiya kong pinsan ang iniingatan ko p** *****e na dapat sana ay sa taong minamahal ko lang." Noong minulat ako ng mga magulang ko sa pagiging isang Maria Clara, pero sa pag kawala ng mga magulang ko ay napalapit ako sa isang masamang panaginip. Hanggang sa paulit-ulit dinungisan nila ang buong pagkatao ko. Pinilit ko makatakas sa kanila hanggang sa nagpalaboy laboy ako sa lansangan. Hanggang sa makilala ko ang isang Ginang na nagbigay ng trabaho sa akin sa isang bar." Nanging full-time waitress ako doon, at dahil doon ay nakapag-aral po ako. Ngunit dahil mas malaki ang gastos ko dahil college na ako, ay napilitan ako mag-table ng mga lalaki." "At naging prostitute ka ganoon ba?" Napatawa ito sa sinabi ko na siya naman ikinakunot ng noo ko. "Sir, hindi po, hindi naman lahat ng nasa bar ay ganoon. Yes, inilalabas ako ng mga customer ko, pero wala nang yayari sa amin. Pinainom ko kasi sila ng pampatulog para sure na safe ako ." "So niloloko mo sila?" "Yes, sir ! Ginagawa ko ang lahat ng iyon dahil ayoko maulit ang pambababoy sa akin, kaya iyong sinasabi ninyo sa akin baka pag samantalahan ako , wag kayo mangamba, sir, dahil sa marami na kong pinagdaanan sa buhay ko at pinatatatag na ako ng panahon." "Isa pa sir, kung hihilingin naman ninyo sa akin, hindi naman kita tatanggihan, kasi ang isang tulad mo ang gusto ko sir," Mapang akit na wika nito sa akin. Agad gumapang ang kamay nito sa hita ko na siya naging dahilan ng paninigas ko sa aking kinauupuan. "Pero ganoon paman ay pinilit ko labanan ang pang-aakit niya sa akin. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para matigil ito sa ginagawa niya. Pero mabilis na pinigilan niya ako at itinulak pabalik sa upuan. "Teka, Caroline, may GF na ako." Nataranta ako sa ginawa niya ng kumalong ito sa akin." Saka niya hinaplos ang aking dibdib. "Sir, wala naman kaso sa akin kung may GF ka na, isa pa hindi pa naman kayo kasal, hindi ba?" "Pero ikakasal na ako." "Edi, wag mo ituloy ang kasal para malaya ka gawin kung ano gusto mo." "Caroline," Sabay hawak ko sa mag kabilang kamay nito. "Caroline, mahal ko ang fiancé ko kaya hindi ko siya kaya pag taksilan. Pinangako ko sa kanya na siya na lang ang babae mamahalin ko at hindi ko siya magagawa saktan." Natawa ito sa sinabi ko, hawak pa nito ang kanyang tiyan habang tumatawa siya. "Sir, naka pangako kana sa kanya sapat na iyon , dapat pa ba tuparin iyon?" Natatawang wika nito. "Caroline," inis na tawag ko sa pangalan niya. Umalis ito sa kandungan ko at tumayo na lang sa harap ko. Iyong kanina ay tumatawa siya ay unti-unting napalitan ng hinanakit ang mga mata nito at matalim na tiningnan ako . "Alam mo sir, ang swerte ng fiancé mo kasi pinangakuan mo siya. Ako kasi pinangakuan rin ako na pakakasalan ako at babalikan ako ng tao minamahal ko. Pero hindi na siya bumalik pa. Hanggang sa nalaman ko na magpapakasal na siya sa iba. Sabagay, sino ba naman ako, hindi ba? Pinagsawaan na ako ng iba , samantalang ang babae kasama niya ngayon ay babae na nasa isang marangyang pamilya at may magandang background." Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at hinawakan ang kamay niya ng makita ko pa alis na ito sa harap ko. "Sorry, Caroline, wala mali sa sinabi ko. Gusto ko lang sabihin na hindi na ako pwede sayo . Pero wag mo sana isipin na dahil biktima ka ng isang r*pe ay hindi na kita gusto at ganoon na kababa ang tingin ko sayo." "Sir, ok lang po, isa pa, hindi ko naman kayo pwede sisihin eh… kung ganoon ang tingin ng tao sakin. Wala naman po talagang tatanggap sa akin dahil sa pinag-galingan ko. Sige na sir, umuwi kana poh , baka hinihintay kana ng gf mo. Isa pa, may family dinner kayo, hindi ba? Paki-lock na lang ng pinto sa oras na lumabas kayo." Seryoso wika nito sa akin, mabilis na binawi nito ang kamay niya at pumasok sa loob ng kwarto niya habang ako ay naiwan sa sala nakatulala sa pinto pinasukan nito. Sa buong byahe ay wala naging laman ang isip ko kundi ang mga sinabi niya sakin . Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanan ko sa kanya kahit alam ko na ngayon lang naman kami nagkakilala. Ramdam ko ang bigat ng kanyang dibdib dahil sa nangyari sa kanya noon. At dahil sa pag tanggi ko sa kanya ay pakiramdam niya tuloy ay mababa na ang tingin ko sa kanya at hindi siya karapat-dapat sa akin dahil sa pag tanggi ko dito. Pero tulad nga ng sabi ko sa kanya, ay may fiancé na ako at hindi ko siya kaya pag taksilan. Dahil sa inis ko sa sarili ko, mabilis na minaneho ko ang kotse ko pauwi sa bahay dahil sa family dinner namin kasama ang fiancé ko. Natapos at natapos ang dinner namin na lumilipad sa ibang lugar ang isip ko. Lahat ng nakita at sinabi ni Caroline sa akin ay halos tumatak sa isipan ko .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD