chapter 7

1472 Words
Kinabukasan ay pumasok ako sa office ng makita ko na abala ito sa kanyang computer. Agad akong lumapit sa kanya para alamin ang schedule ko ngayon mag hapon. "Caroline , ano schedule ko ngayon?" "Good morning, sir." "Wala naman kayo naka-schedule at meetings ngayon . Pero may ilang paperwork po ako inilagay sa table ninyo , na check ko na rin po ang lahat ng iyon kanina at pirma na lang ninyo ang kulang." "Ahh, ganoon ba? Sige, since wala naman ako meeting, ok lang ba kung ihanap mo ako ng restaurant na pwede ko kainan para sa tanghalian ?" "Ahh… ok, sir." Paalis na sana ako ng muli ako bumalik sa table nito, pakiramdam ko kasi may lubid na humihila sa akin palapit dito . "Ahmmm… pwede mo ba ako itimpla ng kape?" "Sige, sir, isusunod ko na poh iyon sa table ninyo." Matapos ko sabihin iyon ay pumasok na ako sa opisina ko. Naupo ako sa swivel chair ko habang pinaiikot-ikot ko ang upuan ko habang nakatingin sa kisame. Nang hindi ako mapakali, nagpalakad-lakad ako sa loob ng office ko habang iniisip si Caroline. Hanggang sa napaupo ako sa sofa habang sapo ko ang ulo ko. Inis na napasabunot ako sa ulo ko dahil sa kakaisip sa babae na iyon gayong hindi naman dapat ito ang iniisip ko kundi ang fiancé ko. Mula pa kagabi hanggang ngayon ay siya parin ang laman ng isip ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako ganito. sa kanya at kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Parang pakiramdam ko ay matagal ko na siya kilala kahit pa dalawang araw ko pa lang naman siya nakakasama. Muli akong tumayo sa upuan ko at sinilip siya sa bintana ng aking opisina. Nakita ko abala parin ito sa computer niya kaya hindi ko maiwasan mapamura. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ba ako sa kanya dahil sa tagal niya magdala ng kape sa opisina ko. Kahit alam ko na 5 minuto pa lang naman ang nakakalipas mag mula ng inutos ko iyon sa kanya. May kung ano kasi ako nararamdaman na gusto ko siya makita oras-oras. Kaya kahit saglit lang ay parang napakatagal na iyon para sa akin. Napatingin ako sa relo ko at saka ako muli nag-antay sa kanya. Mayamaya ay dumating narin ang kape na inaantay ko. Nang lumapit ito sa akin, ay saka niya inilagay ang kape sa table ko. "Sir , ito na poh ang kape mo." "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay!" Inis na wika ko dito. "Poh?" Takang tanong nito sa akin. Napatingin siya sa relo niya at saka binalingan ako ng tingin. "Sir, 8 minutes pa lang buhat ng inutos ninyo sa akin ang kape ninyo." "Ang gusto ko pag inutos ko gawin mo agad ayoko ng pabagal-bagal. Na iintindihan mo ba?" "Ok poh sir, pasensya na poh" hingi paumanhin nito sa akin. Matapos nito, ilagay ang kape, at tumalikod na ito sa akin para lumabas ng office. "Caroline" tawag ko dito bago paman ito tuluyang lumabas ng office ko. Agad itong humarap sa akin at nagtatakang tiningnan ako. "Antayin mo na ito tasa ko. Para hindi kana babalik para kunin ang tasa." "Poh, pero mainit pa poh iyan sir, baka pwede mamaya ko na lang balikan para sigurado ubos na pag balik ko." "Caroline , wala ka naman gagawin kaya antayin mo na ito." Wala itong nagawa na hindi ko siya payagan lumabas ng office. Halos inabot na siya ng 1 oras sa loob ng office ko habang hinihintay ang tasa ng kape. Sa inis nito ay tumayo na ito mula sa kinauupuan niyang sofa, at saka lumapit sa akin. "Sir, hindi pa po ba kayo tapos uminom ng kape?" "Kanina pa ako tapos?" Seryoso wika ko dito . "Poh, bakit hindi ninyo sinabi? Edi sana kanina pa ako nakaalis." "Pasensya kana nakalimutan ko." "Sige , na kunin mo na ang tasa tapos itimpla muli ako ng kape." "Poh?" "Ibig ninyo sabihin mag-aantay ulet ako ng ilang minuto bago ulet ako umalis?' "Bakit may reklamo ka ba?" "Sir, e ...kung pinalilipat mo na lang kaya ang table ko dito sa loob." Napangiti ako sa sinabi nito sabay irap nito sa akin at saka ito nag madali lumabas ng office ko . Matapos ng trabaho ko ay lumabas na ako ng office dahil magtatanghalian na. Agad ko pinuntahan si Caroline sa table niya para yayain siya mag-lunch. "Caroline , halika na!" "Poh?" Takang tanong nito. "Lunch na hindi ba?" "Opoh, sa aquatic restaurant ko po kayo pinag reserve ng lunch ninyo, sir." "Halika na!" Pag yaya ko sa kanya. Sabay hila ko sa kanya , kinuha ko ang kanyang bag, saka ko ito hinila papunta sa elevator. Ramdam ko ang pag tataka nito sa ginawa ko. Pero wala siya nagawa kundi ang manahimik na lang . Pagdating sa kotse ay pinasakay ko siya sa passenger seat samantalang ako ay sa driver seat. "Sir , saan po tayo pupunta?" "Mag lu-lunch." "Poh, hindi ba kasama mo ang gf mo?" "Wala siya ngayon; nasa Paris siya para sa negosyo nila, pero babalik rin siya after one week." "Ahh, ganoon ba? Bakit sinama mo pa ako?" "Secretary, kita maari ba kumain ako samantalang ikaw ay mag-isa at nag tatrabaho doon?" Napakagat labi siya sa sinabi ko sa kanya; hindi ko tuloy mapigilan titigan ang maamo mukha nito , lalo na ng mas lalo na mula ang pisngi nito. "Sir , ok ka lang ba?" "Ahhh... Uo, may bigla lang ako naalala," wika ko dito ng mapansin niya nakatitig ako sa mukha niya. Pinilit ko ibaling ang attention ko sa daan habang nagmamaneho ako. Pagdating namin doon ay inalalayan ko na ito papasok sa loob ng restaurant, kung saan nagpareserve kami ng upuan. Ipinaghila ko muna siya ng upuan habang ako naman ay umupo sa harap nito. Agad ko kinuha ang wine na nakapatong sa table at saka ko. Sinalinan ang kanyang wine glass . Tipid na ngumiti ito sa akin bago pa man dumating ang isang waiter. Kapansin pansin ang malalim na pagtingin ng waiter kay Caroline nang makita niya ito. Tingin na may ibang kahulugan, sinundan ko ang pagpasada niya sa buong katawan ni Caroline. At aaminin ko na kahit ako ay natutukso rin titigan ito dahil sa napakakinis ng balat nito at maging ang hita nito ay lutang na lutang din ang perpektong hugis at kinis noon. Matapos ko umorder, hinampas ko sa dib-dib ng waiter ng menu na dala nito dahil sa inis . Agad na napatayo si Caroline sa kanyang kinauupuan dahil sa matinding takot. "Sir!" Tawag nito sa akin, pero hindi ko siya pinansin; sa halip, tumayo ako sa upuan ko at kinewelyuhan ang waiter. "Nasan ang manager ninyo?" Wika ko dito habang nanginginig ang katawan nito sa takot . Agad nag lapitan ang ibang waiter sa akin para awatin ako, pero hindi ko mapigilan ang labis na galit ko ng mga oras na iyon. Lumapit ang isang lalaking manager sa akin at tinanong kung ano ang naging problema. Nang makita ko ang manager, itinulak ko ang waiter sa manager niya. Saka ko sila tiningnan ng masama. "Anong klase ng restaurant meron kayo at nagkaroon kayo ng isang waiter na ganyan?" "Sir, ano po ang ibig ninyo sabihin? Sir, ano po ba ang problema?" "Nakita ko siya na tiningnan niya ang secretary ko. At hindi lang basta tingin ang ipinupukol niya para dito , kundi tingin na may halo pag nanasa." "Sir, baka po nagkakamali kayo," wika ng manager sa akin. "Nagkamali? Paano ako nagkamali? Alam ko kung ano ang nakita ko. Lalaki ako at alam ko kung ano ang meron sa mga mata ng mga lalaki: malaki ang pagnanasa sa isang babae!" "Kung hindi ninyo siya tatanggalin, ako mismo ang magpapasara ng restaurant ninyo na iintindihan ba ninyo." "Sir, kung ano man po ang kasalanan ng tauhan namin, ako na po ang humihingi ng pasensya sa inyo. Makakaasa po kayo na hindi na po ito mauulit." "Sir, tama na yan, wag na lang ninyo pansinin ." Wika ni Caroline sa akin. "Anong wag! Nakakabastos eh… at talaga hindi na mauulit pa ang lahat ng ito dahil aalis na kami dito. Halika na Caroline, aalis na tayo dito." Galit na wika ko kay Caroline , agad ko hinila ito palabas ng restaurant at saka ko siya pinapasok sa kotse ko . Pagpasok ko sa kotse ay malakas kong isinara ang pinto ng kotse ko at saka inis na hinampas ang manebela ko . Nagulat naman si Caroline sa aking ginawa kaya hindi ito nakapagsalita agad. Tahimik na minaneho ko ang kotse saka muli bumalik sa office. Bago ako pumasok sa office, ay muli ko binalingan ng tingin si Caroline. "Caroline , umorder ka na lang ng lunch, dito na lang tayo maglulunch sa office ko ." Seryoso wika ko dito. "Yes, sir!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD