Alvin POV “Hello, Eunice, nasan ka? Bakit hindi ka pumasok? “ “Sir, nagpaalam na po ako sa inyo, hindi ba? Sinabi ko na sa inyo na ayoko na maging secretary ninyo? Nagpasa na po ako sa inyo ng resignation letter ko, hindi po ba? “ “At alam mo hindi ko tinanggap iyon, hindi ba? “ “Sir, sinabi ko na ayoko na poh. Bakit ba ayaw mo ako pakawalan? “ “Dahil mahal kita, Eunice, mahirap ba intindihin iyon? Kung tungkol ito sa nangyari noong isang araw, I'm sorry, mahal kita talaga, at hindi ko na nagawa pigilan ang sarili ko. Patawarin mo ako kung hindi ko napigilan angkinin ka ng sandaling iyon. Handa ko naman panagutan ang nangyari sa atin ehh, basta hayaan mo lang ako.“ “Sir, tama na po. Ayoko na po makinig pa iyan. Kalimutan na lang natin ang mga nangyari at mag-move on na lang po tayo.

