Para akong tinakasan ng kaluluwa ng sandaling iyon habang nakatitig ako sa mga mata nito. Hindi agad ako nakakabo dahil pakiramdam ko ay nahulog ako sa malalim na mga mata nito. Hanggang sa marinig ko na lang ang tinig nito. “Ako na ang bahala diyan,” dinig kong wika niya sabay kuha niya ng mga gamit ko. Agad siyang tumalikod sa akin at doon ko lang nagawang ikibo ang aking katawan. Mabilis na, hinuli ko ang braso nito para sabihin na ako ng bahala magdala ng gamit ko. “Ako na ang bahala diyan.“ “Huwag na ako na; kung hihintayin pa kita, baka abutin pa ako ng umaga dito,“ pagsusuplado ng wika niya sa akin. bagay na ikinairap ko naman sa kanya, inis na binitiwan ko ang braso nito. At tahimik na sumunod sa kanya papunta sa elevator. Buong akala ko ay nagmagandang loob talaga siya; y

