Luna Isabella Hindi ako mapakali habang hinihintay kong matapos si Sir Keith na mag-ayos para sa party. “Luna, my dear.. are you okay there? Na’ko.. pinagpapawisan ka na.” Lapit sa akin ni Tita Sandra dito sa isang tabi tapos ay marahan niyang dinampi ‘yung Blotting paper na dala dala sa mukha ko. “Salamat po, Miss Sandra. Ang galing niyo po mag-style at ang ganda ganda niyo pa po.” Nakangiting pasasalamat ko pa sa kaniya at napapuri ko na din. “Na’ko, binola mo pa ko!” Pabirong sambit niya na parang kinilig siya sa sinabi ko tapos ay naupo siya sa tabi ko. “Stop calling me, Miss noh! Just call me, Tita. Kung sinuman ang mahal ni Keith at nagpapasaya sa kaniya. I will consider you as part of the family because you are making Keith happy again and it isn’t that easy to do.” “Medyo

