Uno pov
Salamat sa mabisang harana ni Manong BJ (Buko Juice) at naging ok na kami ni Rash. Ewan ko ba kung bakit apektado ako sa hindi pagpapansin saakin. Inaamin ko naman na attract ako sa kanya noong una palang kita namin.
Nagyaya nga silang uminom ngunit for girls only lang daw. Hindi kami kasali dahil wala kaming ambag.
Nasa kabilang cottage silang nag iinuman samantalang kaming mga boys nandito taga hatid ng pagkain sila.
" Lintik naman kasi sino ba nagplano nitong resort na ito... eh mukha tayong alalay ng mga lasinggerong mga babae." Reklamo ko.
Gusto ko kasi katabi siya eh.. Kung kelan naman nagkaayos, may distance pa din.
" Hoy Uno hindi ka kasali dito kung tutuosin... sabit lang kayo dito... " Light.
" Tsaka nagyaya kami para makapag relax... " dagdag naman ni Jaike
" Relax daw...Eh bakit utusan tayo ngayon..."
" Arte mo Uno... Ang sabihin mo gusto mo ng maka iskor kay Rash... " Tres.
Nagsisisi na ako na sinama ko pa itong si Hapon.
" Hoy Kean... ikaw ba'y sigurado ka na sa kalahati ng buhay mo?"
Ang totoo niyang umiinom din kami, kaso nga lang hindi kami pwedeng maglasing gaya sa mga babae dahil walang mag aasikaso DAW sakanila. Tsk! pabebe kasi mga Girlfriend... pa Under naman mga itong pinsan ko.
San Mig. nag inumin namin samantalang ang mga girls ay Red Horse. Oh diba ang tibay ng mga atay nila hahaha.
" Malamang....bukas ay ipapakilala ko na siya kina Mama." sabay tungga niyo ng bote
" Mukha kang under...."
" ikaw nga eh.... kababati pa lang naging under ka na agad.... tsaka saakin kasi totoong nagmamahalan kami... Hindi one sided love..." sabay tingin saakin.
" Tangna na ka Kean... yang tingin mo saakin parang may laman.... hoy! mahal ako ni Rash"
" wala naman kaming narinig na I loveyou niya sayo eh.." sabat ni Hunter.
Oo nga ano... wala din akong narinig na I loveyou too kanina....
Agad silang nagtawanan...pero mas malakas pandinig ko sa tawa ni Mendez.
" Hoy Mendez... makatawa akala mo mahal ka ng utol ko... "
" Hahaha mas mahal nga niya ako kesa sayo..."
Hayop ka!
" kidding aside Uno...seryoso ka ba talaga sa kanya?" Basilio
" Oo naman.... gagawin ko ba yung katangahan na harana kanina kung hindi... "
" Leader....paano yung si Levi.? " Dos
Oo nga pala meron pa yung kumag na yun sa eksena.
" Grupo niya ang isa sa mga malalakas na kalaban natin sa underground... Lalo na't naagaw mo siya sa kanya. " kwartro.
" Ano naman kinakatakot niyo sa rank nyo? Eh diba kayo ang nasa First rank? " Thunder
" Traitor kung lumaban ang grupo niya...inaabangan nila ang mga taong sasagasa sa kanila. "
" so fight them Uno....hindi ka tinatawag na Uno for nothing" Kean
Tama siya, ngunit inaalala ko si Rash ayokong madamay siya. Gangster sa Gangster ang labanan.
" you need to win the fight Uno, alalahanin mong si Rash ang premyo." dagdag ni Kean.
Lalong gumulo ang utak ko. Kahit pala anong gawin ko damay si Rash dito.
" Uno...kailangan mong maging malakas sa ano mang oras. Hindi lang sila ang magiging kalaban mo." singit ni Renz.
Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
" may paparating na kaguluhan, may mga panganib na darating.....may mga taong mawawala." ang creepy ni Mendez ngayon. Seryoso niyang sabi. Tsaka tumayo ito at binuhat yung naka tupperware na hiniwa niyang mangga sabay alis papunta sa mga babae.
Sinundan namin siya ng tingin.
" bwisit na Renz, tumayo tuloy balahibo ko sa kanya." Tres
" bigla akong natakot ah...." Hunter
" lasing na ata si Renz...kung ano ano ng sinasabi " Dos
" Ano kaya yung sinasabi niyang panganib?" Jaike
Dahil sa sinabi ni Renz napatungga kaming lahat ......
" Hoooooyyyyy ! tulong!" sigaw ni Renz mula sa cottage nila Rash
Sabay sabay kaming nagulat kaya sabay sabay din kaming naibuga ang iniinum namin .
" Tangna Mendez!!!" sigaw ko.
" eto na ba ang panganib?"Basilio
Patakbo kaming pinuntahan ang nilalang na si Mendez.
" Anong nangyari?!" hingal kong tanong
Napatingin kami sa gawi kung saan sila.
๏_๏⊙_⊙๏_๏⊙_⊙→_→←_←→_→←_←●_●(¬_¬)-_-||( ̄. ̄)(¬_¬)@_@
Hindi na namin alam gagawin namin kung maaawa ba kami sa kanila o ano...
Dahil wala akong choice kinuha ko ang cellphone ko na nokia C3....( well guys ito palang ang phone na uso noon..)
Click...click..click..
" Siraulo ka Uno....inuna mo pang kuhanan ng picture yan kesa tulungan sila..." Kean.
Maski sila nga eh tulala lang...
Ganito kasi itsura nila. Ang mga babae knock out...kung maka tungga kasi ng red horse akala mo tanggero ang mga ito.
Si Renz hawak hawak ng isang kamay niya ang ulo ni Dua, ang isa Kay Maliyah, ang isang paa niya si Cass,ang isa naman kay Minea,si Rash sa tiyan nito .....at si Sam ay nag circus na sa upuan niya.
So kami naman ay agad na binuhat ang mga babae paalis sa katawan ni Renz.
" Renz ito lang pala ang sinasabi mong panganib...tae!" Dos
" ano ba kasing nangyari?" tanong ko buhat buhat si Rash. Anak ng lintik na babaeng ito napaka bigat.
" Pagdating ko agad nila akong sinunggaban na akala ko para kunin yung mangga...yun pala ibubuhos sa akin yung alak. "
" eh paanong naging knock out ang mga ito..?" Basilio buhat buhat si Minea.
" yun nga binuhos saakin...tapos lumapit sila saakin para dilaan----" agad kaming napahinto lalo na si Kean ng marinig namin ang sinabi ni Renz.
┌∩┐(◣_◢)┌∩┐┌∩┐(◣_◢)┌∩┐
" hindi naman natuloy dahil sabay sabay silang na knock out..." dagdag niya.
habang buhat buhat namin sila paakyat sa kwarto ng inupahan namin todo paliwanag ang kumag.
" eh posible namang sabay sabay sila...." Jaike buhat buhat si Cass
" nilagyan ko ng pampatulog yung inumin nila" Renz
Napahinto ulit kaming lahat sa sinabi ni Mendez.
" Ano!?" sigaw namin.
" Sige isigaw niyo pa...mga ulol kayo...mag eexplain ako mamaya...Hindi kagaan ang kapatid mo para buhat ng matagal..." Renz.
Magkakasama sa iisang kwarto ang mga girls. Sabay sabay naming pinahiga ang mga ito. Mabuti nalang at tapos na silang naligo kanina...dahil mahihirapan kaming bihisan sila kapag.
Bumalik kami sa cottage para marinig ang paliwanag ni Mendez.
" ok shoot Renz...mag explain ka...hindi maganda pandinig ko kanina..." Kean.
Nag bukas ito ng mga alak at pinag aabot saamin.
" Ganito yun...dahil ako ang nagbukas ng mga alak nila kanina nilagyan ko ng pampatulog para hindi sila maglasing ng todo...."
" TAPOS....." ako,wala lang trip ko lang lakasan ang boses ko.
(¬_¬)(¬_¬)(¬_¬)(¬_¬)(¬_¬)(¬_¬) tingin nila saakin.
" hindi ko pinapainom si Baby girl kaya ganun ginawa ko, tsaka hindi niyo alam ang topic nila kanina ay puro abs ng mga lalaki."
O_O ako,Kean
" Hindi ganun ang----" pinutol namin ang sasabihin ni Kean.
" ---ang kalahati ng buhay mo..." dugtong naming lahat. Nakakaumay yung tawagan na yan...
" Lasing na kasi kaya hindi na nila alam ang sinasabi..." Basilio
" Mabuti nalang pala na ganun ang ginawa mo...." Ako
" Kinabahan ako kanina...." Jaike
" teka nga pala Kean...hindi ba aalis ka na?" tanong ko.
Kasi sa Orga.nila siya ang magiging Primo....yun kasi ang naikwento sa akin ni Lolo.
" Oo....hindi ko pa alam gagawin ko."
Dito na naging seryoso ang usapan. Gangster ang angkan namin.....ay mali pala...Mafia Assassin pala.
" Renz, sabi ni Dua ay may napapansin siyang iba sayo. May nililihim ka daw.?" Kean
" Ang totoo ay ako ang protector ng Zero Orga." pag aamin nito.
Kaya pala parati silang nag uusap ni mommy.
" Ito na ba talaga ang nakalaan saatin?" Thunder
" wala tayong magagawa....ganito din ang mga magulang natin noon...." Zach
" handa naman kami kung sakali...ang hindi handa ay si Princess..." Basilio
" Kayo Uno..?" Kean
" hindi ko alam....mag isa kong haharapin ang Zero Orga. hindi pwedeng masali si Dua dito sa tadhana ng angkan....babae ang kapatid ko."
Natahimik silang lahat lalo na si Renz. Si Renz na hindi mo alam ang mga hakbang gagawin nito.
" Ako ang protector ni Dua....kahit anong mangyari ay ililigtas ko siya." Renz
" Uno....si Rash alam ba niya kung ano tayo?" Kean
Umiling ako.
" Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya...kung kay Dua nga ay alanganin na ako....sa kanya pa kaya..."
" Limang taong akong mawawala sa piling ni Maliyah....hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya naming gawin...kung hanggang saan tatagal ang relasyon namin."
" Napakadaling gawan ng paraan.....pakasalan mo tsaka mo iwan."
^_^
~_^ Kean
" mas maganda na pakasalan mo muna siya para secured na sayo pa rin siya..." paliwanag ko
" tama siya Kean...." Basilio
" eh ikaw...paano ?" Renz
" ewan ko....baguhan palang naman kami....tsaka hindi ko pa siya gaano kakilala..."
" Birthday niya sa sabado..." Renz
Oo nga pala....niyaya ako ng mga magulang niya.
" Luluwas kami para umattend..isasama namin ang mga girls..." Kean
" bigyan mo kaya ng surprise ...." Jaike
" ang galing mo Jaike...tatanungin ko kung ano gusto niya."
Sabay sabay nilang binuga saakin ang iniinum nilang alak.
" hayop ka...surprise nga...bakit mo tatanungin...siraulo ka!" Kean
Nagalit agad...pwede naman itama...
" kakaiba ka talaga mag isip...sana hindi kayo magkatuluyan ni Rash...nakakasakit kayo sa ulo." Basilio.
Aray ko....
Bastos mga bunganga mga ito.