HINALA

1712 Words
Dua pov Nagising ako na ang sakit ng ulo ko. Pagkabangon ko nakita kong tulog pa ang mga girls. Katabi ko si Minea na halos na sakanya na ang kumot. Lumabas ako para puntahan si Rai sa kanilang kwarto. Napakaganda talaga dito sa Probinsya....napakasarap ng simoy ng hangin. Magkatabi lang naman ng room namin, ang alam ko ay ka kwarto niya sina Uno Kean Basilio Tres at si Pito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakatulog pa rin ito. Sakto siya yung walang katabi. Hehehe alam na.... tara...! Patabi akoooooooo! Huminga ako sa tabi niya at niyakap. Kiniss ko ito sa pisngi para magising. Ang galing ko... nagmulat ito ng mata.... nang makita ako ay ngumiti tsaka binigyan niya ako ng good morning kiss..... ang sweet niya talaga. " Morning...." bulong ko. Niyakap naman niya ako ng mahigpit " I miss you every minute Baby girl....napaaga kasi ang knock out niyo." bulong nito. Nagbubulungan lang kami baka magising sina Uno. " Wala na akong maalala baby love....medyo masakit lang ulo ko, mukhang bitin sa redhorse..." agad namang naging tiger look ang mata nito. " Joke lang....uuwi na ba tayo later? " tanong ko. Tumango lang ito. " Hoy kayong dalawa ang aga aga naglalampungan....! " sigaw ni Uno. Bakit ba parati nalang naninigaw itong lalaking ito. " Ano ba Uno! ang ingay ingay mo!" sigaw din ni Kean Nagkatinginan naman kami ni Rai. Kaya bumangon nalang kami para walang sigawan ang magaganap. " Hoy Mendez... itanan mo nalang kaya kapatid ko... namunuro ka na sa kahihila sa kanya."sabat ni Uno. Nakahiga pa din pero gising na ito. " Bakit ko naman gagawin yun?" Rai " Ikaw naman Dua... ano naman kasi nakita mo sa kanya..? Hindi naman----" " puso ko nakaramdam ng pagmamahal hindi ang mata ko Uno...kahit maging beast siya handa akong maging Beauty nito..." " Ang kokorni niyo....Lumabas na nga kayo... kayo gisingin niyo na mga babae mamaya ay mag checheck out na tayo... Kina Kean nalang tayo manananghalian... "Uno Napa OK sign nalang kami ni Rai. Naglakad lakad muna kami sa garden ng resort. Madaming bulaklak ang namulaklak. Halos pula ang mga ito. " ang gaganda naman nila...." Syempre holding hands kami kahit wala pang mumog na naganap hahaha " Baby love.... Five years from now... ano nakikita mong mangyayari saatin?" hindi ko alam bakit bigla kong natanong sa kanya ang bagay na ito. " hmmmm five years from now.... syempre may karga karga na tayong babies... Hehehe" Kinilig naman ako sa sagot niya. Wala man lang kasal na sagot.... Pero anak meron. " Babies??" " For sure na kambal ang magiging panganay natin... babae at lalaki..." " hindi ka ba magsasawa na puro kambal ang nasa paligid mo?" " Bakit naman ako magsasawa?? Kung ang ina ng mga babies ko ay ikaw.... sana nga lang ay walang magaya kay Uno ni isa... " sabay pa kaming natawa. Back hug makes me feel complete. Wrapping his arm to me feels me safe. " Baby love...don't leave me ok?" " I won't....it won't happen baby girl.... I'm always here beside you no matter what... my souls is in you.. " Hinarap ko siya. " why do I have this feeling that you're keeping secret to me baby love?..." Tinignan niya ako sa aking mga mata. Tsaka bumuntong hininga ito. " Baby girl...just trust me....don't worry to much. Halos magkasama naman tayo araw araw" Magkasama nga tayo Rai pero kapag nakatalikod ako alam ko na may ginagawa ka. " I love you baby girl... so much" Ngumiti ako. " I love you too more than my life baby love..." Aakmang hahalikan niya ako ng sumigaw na naman si Uno. " Hoy! MENDEZ!... ANO YAN!?" Panira ng moment talaga itong si Uno. " Mendez halika dito... magbabayad tayo... ikaw Dua gisingin mo na mga panget... " Wala kaming magagawa dahil hindi talaga titigil ang bunganga nito kapag hindi pa kami sumunod. Agad kong ginising mga mga girls. Hindi naman sila kahirap gisingin. " Uuwi na ba tayo Dhite? " tanong ni Rash " Mamayang hapon pa... uwi muna tayo sa HQ sabi ni Uno." " Grabe ang sakit ng ulo ko.... eto na naman ang hangover attack..." Minea " ang aga mo naman nagising Dua..." Maliyah " Ay nako ate Mal.... dumeretso na yan kay kuya Renz... ganyan yan eh.. " Cass " Buti at hindi nagalit si Uno... " Rash " eh baka nga mas galit pa itong si Dua kapag... Hahaha" Sam. " Wala naman siyang magagawa hehehe" " Mag ayos na tayo... baba na daw sabi ni Kuya Basilio ng text siya...." Pag baba namin agad kaming umalis sa resort. Nakapag enjoy din kahit konti hehehe Rash pov Namalengke kaming mga babae dahil ang mga boys daw ang magluluto. Binigay nila ang listahan. Sa grocery'han ang inuna namin. Dahil mainipin si Dhite ay naghati ng dalawang grupo sina Minea, Cass sa Groceries. Ako si Dua at Maliyah sa palengke para sa gulay at karne. Hindi makakasama si Sam dahil officer ito sa school nila. Mabuti nalang at hindi gaano g maraming tao sa palengke kaya agad kaming nakahanap ng mas mura. Sabi kasi ni Maliyah kailangan magaling kang humingi ng discount. " Gutom na ako..." Dhite " Kumakain ba kayo ng kikiam at fishball?" Maliyah " Oo naman... ako ng isaw at dugo paborito ko." Dhite. Well ako hindi nakasagot dahil hindi pa ako nakakain ng mga sinabi niya. Char..! . Biro lang hahaha.... Hello ako pa.!? halos lahat kinakain ko sa bangketa na street foods Agad kaming lumapit sa nagtitinda ng fishball. " Manong pabili po kami..." ang hyper din pala itong si Maliyah. " Oh Ikaw pala Maliyah... aba'y may bago kang kasama wala si Pogi?" tindero " Wala po.. Namalengke lang po kami... Manong pabili yung bagong luto... Isaw, dugo, tenga daw.... Rash ilang tenga sayo? " Maliyah " Lima saakin" sagot ko. O_O mukha nila. " Ang takaw mo naman... Hahaha sige manong lima daw... ako yung dati... Ikaw Dua?" " Isaw at dugo tig tatlo lang..." " ang gaganda naman ng lahi niyo Maliyah...sayang at may girlfriend na ang anak kong isa... Hehehe" aba mukhang tipo pa kami ni Manong para sa anak niya. Biglang dumating sina Cass at Minea. " ang dadaya niyo... kami din ate Mal.." Minea " Kuha na kayo... may barya pa naman yung binigay ni Zeke..." Halos ata maubos na namin ang paninda ni Manong sa sobrang gutom. Pagbalik namin. Agaf kaming dumeretso sa kusina kung saan ang mga ibang boys. Nakita kong nagtitimpla si Uno ng kape. " Dats... patimpla din ako ng kape please!? " " Sure Mats... kape with love coming up..." Uno " Tsk itsura mo Uno hindi mo bagay" syempre ang number 1 taga kontra nito si Dhite. " Mendez! Kunin mo nga si Dua dito... panira ng moment." sigaw ni Uno. " sinira mo din yung amin kanina!" Sabat ni Renz. Magkatabi na naman sila. Hahaha nakakatuwa talaga sila. Ang saya saya nilang tignan magbabangayan. " Ok girls... Dua ikaw ang maghiwa sa Bawang sibuyas at luya... " utos ni Kean. " Baby girl tulungan----" agad namang pinigilan ni Kean si Renz. " walang tutulong sa kanila... para patas... ang mga girls ang mag prepare ng nga ingredients... tayo ang magluluto." " ang dami dami natin tayong lahat magluluto? Parang fiesta ang iluluto ah. " Jaike " wala ng madaming salita... Boys doon muna maglinis...ang iba sa labada.... " Kean. Hindi kami pwedeng tumanggi dahil bahay niya ito. Maglilinis at maglalaba pala sila. " Rash sayo ang mga gulay... Hon sayo naman ang karne... Cass Minea... kayo sa paghiwa ng mga prutas. " Nagsialisan naman agad sila sa harapan namin. " Oh girls trabaho na.... "Dhite OMG.... how? " Rash.... are you ok? " " Hindi ko alam kung paano gagawin... " nahihiya kong sabi. " Halika ate Rash tuturuan ka namin.... wag kang mag alala pare pareho lang tyong walang alam... ang mag prepare lang ang alam namin... " Busy kaming nag prepare ng mga iluluto... mula sa asin, paminta... etc.... Etc... Pati palayok.. Kaserola...kailangan all set na. Di ko napansin na naubos na pala kape ko habang nag hihiwa ng mga gulay. " Ate Rash... Sabi ni Kuya Basilio ay birthday mo daw sa sabado..." Minea " Oo nga pala.... punta kayo ha..." " Oo naman... Ikaw pa... iilan lang kaming magpipinsan... kaya kung sino ang mahal ng mga pinsan namin... mamahalin din namin na parang ate na din. " Minea. " Oo nga pala pansin ko nga ay kayo kayo lang..." Nakataas na nagkakape si Dhite sa ika tatlong upuan. Tapos na kasi ito. " Si Lolo Danny Andrew at Lolo  Daniel Andrew  ay magkapatid obvious naman... si Lolo Drew ang anak lang ay si Papa...si Lolo Andy naman dalawa Sina Tito Juan ang ama nila Basilio, Casa at Minea. Si Tito Kurt ang ama ni Kean. Kami kami lang ang mag pipinsan. Nasa dugo nila ang pagiging torpe basta babae. " Dhite " Nasa dugo ang pagiging torpe pero kapal ng mukha nakuha ni Uno hahaha" " tumpak mo Rash... nakuha mo hahaha" Dhite " Ewan nagtataka nga kami paanong siya lang naiibang ugali.." Cass. " mga Ate's lumapit ko may sasabihin ako sa inyo." Nagsilapit naman kami sa kay Minea. " Ate kagabi... nagising ako...lumabas ako para sumagap ng signal para itext yung textmate ko. May narinig akong usapan ng mga boys kagabi " Natahimik naman kami sa sinabi ni Minea. " may narinig akong may aalis.... at may isu surprise na babae nila... " " Ano!? " sabay pa namin. " shhhh baka marinig tayo.... kasi ang tunutukoy ay sina Kuya Uno, Kuya Renz at Kuya Kean.... " " What ?" Sabay pa naming tatlo. " Seryoso ka ba Minea? " Dhite " Ate nahilo lang ako pero hindi ako bingi... Hindi ko lang alam kung sino yung aalis at sino sa kanila yung may isusurprise na babae.. " Minea " Impossibleng si Rai ang aalis...nandito naman  sina tita eh...tsaka alam kong hindi siya mahilig mag surprised" Dhite " Wala namang binabanggit saakin si Zeke..." Maliyah Saakin napunta ang tinginin nilang apat. " Malilintikan saakin yang si Uno kapag nalaman kong siya ang aalis para i surprise niya ang babae niya..." galit kong sabi ???? Yung apat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD