Hamon

1931 Words
Uno pov " Kayo ha punta kayo sa birthday ko... Magtatampo ako sainyo.." sabi ni Rash sa kanila. " Oo naman sakto at walang pasok..." Maliyah " friday ng hapon kami bibiyahe... kina Uno nalang kami tutuloy" Kean " asahan ko kayo ha..." Tignan mo nga naman ang mga babae, sobrqng tagal magpaalam. " Dos ikaw muna ang driver...palitan nalang kayo ni Tres" Utos ko sa kanya. " Let's go..." aakmang papasok si Rash sa sasakyan ni Dua ng... " saamin ka sasabay Mats..." " Ha?? Ayoko nga..." " Sa amin ka na sumakay Uno... si Rai naman ang magmamaneho..." Takot kasi akong sumakay kapag si Dua ang driver... Parang kasali ito sa fast and furious... " Sige... Akala ko kasi ikaw." Huling paalam na naman kaya sumakay na ako, matatagalan na naman ang usapan. Tahimik kaming nagbiyahe, nakatulog sa balikat ko si Rash. Yieee syempre kinikilig ako. Antukin din pala itong babae. Nasa parteng San Jose na kami ng mapansi ko si Renz na palinga linga sa side mirror. Kaya napalingon ako sa likod. May nakita akong isang itim na sasakyan. Hindi ko naman alam kung bumubuntot sa amin o talagang pareho lang ng pupuntahan. " Mendez...." tawag ko sa kanya. Tinignan naman niya ako thru view mirror. Umiling ito , ang ibig sabihin niya ay wag kong ituloy ng tanong. " Baby girl hindi ba kayo nagugutom or naiihi?" tanong niya kay Dua. " Ako naiihi ako..." nagulat ako ng magsalita bigla si Rash. " nakakagulat ka naman...." " Gusto ko ng mogu mogu na malamig..." Dua. Nag stop kami sa mini stop sa may Petron. " Baby girl kuhanan niyo nalang kami ng iinumin....check lang namin itong sasakyan." tumalima naman ang dalawa. Nang makalayo sila ,hinarap ko si Renz. " Sino yung bumubuntot saatin?" " Hindi ko kilala pero nasa Vizcaya palang tayo ay napansin ko na ito......Uno ayun yung sasakyan..." tinuro nito sa kabilang way. Nakasilong ang itim na sasakyan sa di kalayuan saamin. " Nakuha mo ba ng plate number?" tanong ko " Oo kabisado ko na...Uno natatakot ako baka madamay si Dua dito...maging si Rash." Alam ko ang sinasabi niya. Ito ay tungkol sa Orga. Hindi lingid sa kaalam ng iba ay kami ang may tinatagong negosyong kakaiba. Ang Zero at Takenshin Orga.ay may tinatawag na S.E.X na ang ibig sabihin ay Secret EXtension Club..at ang Shooting Range. Meron ito sa Luzon, Visaya,Mindanao....maging sa iba't ibang bansa ay meron kami. Ang negosyong ito ay nagmula po sa great grear grandfather namin. Sila ang tinatawag na The Legends. " Ano ang habol nila saatin Renz?" maski ako ay naguguluhan na. " tsaka ko na ito sasabihin Uno....maski ako ay naguguluhan na. Baka kapag umatake tayo na walang kaalam alam ay baka magkagulo ang mga Orga." Tinignan ko ito. Bakit parang may alam ito na ayaw sabihin. Pagdating ng dalawa nagpahinga muna kami saglit tsaka nagbihaye. Alasais na ng makarating kami sa bahay. Nauna naming hinatid si Rash, halos maatake na daw ang daddy niya ng hindi alam kung saan nagsuot ito. Humingi na din ako ng pasensya sa kanila. tapos sunod naman si Renz sa condo nito nagpahatid. Sa bahay, nadatnan namin sina Mommy at daddy. " Saan ba kayo nagsusuot na magkapatid?pagdating namin kagabi ay wala kayo...." Bungad ni Mommy. Nagkatinginan kaming dalawa. " Dua pumunta ka na naman ba sa Vizcaya?" dad Hindi sumagot si Dua kaya ako nalang ang nagpaliwanag. " dad ....sinundan namin sila dahil naboboring na si Dua. Kilala niyo naman yan...kapag nababagot ay sa probinsya ito pumupunta." " sana naman ay nagpaalam kayo saamin ,nag absent kayo sa school ,lahat kayong magbabarkada. Ang mga tita's mo ay tumatawag saamin asking for their sons....and what do you expect me to tell them...ofcourse I have no idea...Dua you're grounded fortwo weeks...ikaw Uno one week...bahay school lang kayo." mom Naloko na...grounded pa kaming dalawa. " Mom magbibirthday si Rash..." " who is Rash?" dad " my girlfriend...she's Zian Rash Ricaforte..." Nagulat naman sila sa sinabi ko. Nakalimutan na ba nila? Pinakilala ko na sa kanila ah " kasintahan mo siya?"bakit parang hindi naniniwala ang aking ina? Tingin ba nila joke lang noong pinakilala ko sa kanila. " Yeah we remember her...I remember they invite us to their daughter's birthday." Mom " Mom...dad...paano ako aattend kung grounded ako...sa sabado na ..." " Fine...your two are allowed to attend .....just for that day....ok?" mom " Mom akyat na po ako." Dua Tinignan namin itong paakyat. " Uno...what happen to Dua? is she sick?" dad " Hindi ko alam dad..kanina ay ok naman siya." " Ok...umakyat ka na...mamaya ay tadltawagin nalang namin kayo para sabay sabay tayong kakain." Dad " wala kayong gagawin dad?" nagtaka ako. Dati kasi kami lang ni Dua at si Manang ang magkakasamang nag didinner. " wala anak...We need some rest...dahil sa linggo ay busy na naman kami sa Hospital." Magkaiba ang propesyon nilang dalawa pero bakit halos magkakasama silang dalawa araw araw? Hindi ko nalang pinansin at umakyat sa kwarto ko. Agad kong tinext si Rash . Grounded din daw ito ng one weeks at magsisimula bukas. Dumaan ang araw ng biyernes...dalawang araw lang ang agwat hahaha akala mo ay isang linggo... School: Last subject na namin ng biglang sumugod sina Levi sa room namin. Natakot ang ibang kaklase namin dahil may hawak silang baseball bat. " Anong kailangan niyo?" kampante kong tanong. Hindi naman kami kailangan mataranta sa pagpasok nila. Hindi ko naman kinakatakutan ang isang yan. Running for c*m laude ako, kahit basagulero ako alam ko kung saan ang limitado ko. Ayoko naman matulad sa iba na porket oagmamay ari na ng school kailangan sila ang siga at tamad mag aral. Kailangan din ng sipag ng pag aaral para makamit mo ang isang gantimpala sa sarili mo. Hindi ko pinagmamayabang na gwapo ako... Hahaha biro lang.... hindi ko pinagmamayabang na saamin ito. Sabi nga ni Lolo Dan ay hindi kailangan ipost sa social media o ipaalam ang kayamanan sa kanino man. Hindi kami kilala bilang high profile na tao. Hindi din namin kailangan ipakita sa social media ang paraan ng pagtulong namin sa kapwa namin. Dahil noon daw kina lolo, nakakatulong ka ng di ipaalam sa karamihan. Ang pag tulong kasi bukal sa puso. Walang kapalit...walang bayad.... " ibalik mo sa akin si Zhi... akin siya Uno... Kahit sayo na ang ranko wag lang siya ang kunin mo saakin." Tumayo ako para harapin siya. " Siya ang kusang nagkagusto sa akin... ngayon mahal ko na siya hindi ko siya ibibigay sayo. Hindi siya isang bagay na basta kunin lang. " " Alam mo ang kaya kong gawin Uno... hindi mo pa ako gaanong kilala... " " baka ako ang hindi mo kilala Levi..." " wag kang mag mayabang porket sayo ang school na ito...dahil pipitsugin lang din naman kayo... pati pamilya mo" Agad ko siya kinuwelyohan. " Wag na wag mong dinadamay ang pamilya ko Levi...ako nalang ang saktan mo, pero wag na wag mo silang idadamay baka magkalintikan tayo.... mapapatay kita." Ngumisi ito ng nakakaloko. Maging ang kasama niya ay nagsitawanan. " Hahaha Ang isang Juno Apollo hindi kayang pumatay.... dahil isa kang duwag! " " Uno he's just provoking you... " Dos " Sabihin mo ang gusto mo....pero saakin si Rash... " " Dats.." napalingon kaming dalawa sa may pintuan. " kita mo na.... Ako ang tinawag ng mahal ko... " pag iinis ko sa kanya. "... Kaya kung ako sayo simulan mo ng magsumbong sa tatay mong druglord...." De natahimik siya., akala mo kung sinong nilalang na maninindak saakin. " Levi ano ba...!? pwede ba wag mo na kaming guluhin ni Juno... " " Akin ka lang Zhi... tandaan mo yan sa kokote mo!... Boys tara! " Sa paglabas nila Levi agad akong niyakap ni Rash. Nafreeze naman ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman kong nanginginig si Rash. " sorry Dats dahil saakin kaya lalong nagalit sayo si Levi... " umiiyak na ito. Niyakap ko na din ito, para i comfort " Mats hindi mo kasalanan.... dati ng ganyan si Levi... lahat ata gusto niyang makuha." " but I made it worst..." " Rash.... hindi papayag si Leader na makuha ka niya. Andito din kami para bantayan ka." Tres " Kaming bahala sayo Rash...para sa pag ibig gagawin namin para kayo sa huli ni Uno ang magkatuluyan. " Pito " Dats.... " " Tahana.... wag ka ng umiyak... hindi ako papayag na makuha ka niya saakin. " Napapaisip ako. Kahit sa paghatid ko kay Rash ay lutang ang isip ko. Pagdating ko sa bahay. " eto na pala siya guys... " Mom Bumungad saakin sina Kean. Tae kompleto ang gang niya. Dito sila mag sstay? " Anong klaseng pagmumukha yan Uno? " Basilio Oo nga pala nandito sila para sa birthday ni Rash " Malamang kagwapuhan... Tinatanong pa ba yan Basilio... " " Anak...mauuna na kami ng Daddy niyo. Bukas na siguro ang balik namin. Kailangan ng reliver sa Hospital. " Nabanggit ko na ba na may sarili kaming Hospital??... kung hindi pa. Pwes alam niyo na. " Sige po Mom.... Ingat po kayo. Si Dua po andito na? " " kararating lang din... Nagbibihis ito." " Guys iwan muna namin kayo dito... grounded ang dalawa kaya walang lalabas... dito nalang kayo. Every hour ay tatawag ako kay Manang para icheck kayo. Maliwanag ba boys? " " sure tita... Ingat po kayo... Tito...ingat sa pag drive" Pagkaalis nila ay saktong pagbaba ni Dua. Nakabihis ito. " Hoy hoy hoy... Saan ka pupunta?" " Aalis ako... Pupuntahan ko si Rai." nakajacket ito ng red na may hoodie... aba nag face mask pa para hindi makilala. " mukhang may tatakas ah" Basilio " Lagot ka kina mommy ..." " subukan mong magsumbong.... itatapon ko lahat ng kapeng nakatago sa kwarto mo." Luh badtrip paano niya alam yun? " Naay! Uno tirador ng kape..." Light " hoy ilaw hindi yung 3 in 1 na kape tinutukoy ni Dua.... Yung Vending machine. " " aalis na ako babalik din ako. Mamaya.... Maliyah... Kean... dito muna kayo.. " pagkasabi ay lumabas na ito. " Sige Dua... Mag ingat ka." Maliyah Nag babye pa ito. " nangyari kaya sa kanila ni Mendez...? " Kean " Ewan ko ba sa kanila... away bati na naman sila... itong isa naman aawayin niya mamaya ay susuyuin din niya... Tsk pag ibig nga naman..." Sa guest room muna sila... si Maliyah ay katabi ni Dua. Alas onse na ng gabi ng nanonood kaming lahat ng horror movie na The Uninvited... Tahimik kaming lahat... sina Kean at Maliyah naman todo hawak ng mga kamay, ang iba ay nakatalukbong ng unan... hahaha mga mahihinang nilalang. Biglang kumidlat kasabay pagkulog... " Ahhhhhhhhhh!" sabay sabay naming sigaw... Paano ba naman di sisigaw nagbrownout. " Hala ang dilim...." Jaike. " sino yung may hawak ng cellphone... paki nga yung flashlight... tulog pa man din si Manang." Kapa ako ng kapa sa harapan ko. Nakapatong kasi ang phone ko sa may tabi ng telepono. Malapit na ako ng... " Heto na yung phone ko... " Hunter sabay pailaw ng phone nito at saktong sa dereksyon ko nailawan. Isang babaeng basang basa ang nasa harapan ko at ang buhok halos nasa mukha... Kaya napasigaw kaming lahat lalo na ako... " Ahhhhhh!" Sigaw ko... na paatras ang paglakad. Tangna ikaw ba naman ang makakita ng buhok lang... " Dua!?" Maliyah Ha? Si Dua?? Nilapitan ko ito at inilawan.. Tae si Dua nga... Bakit ganito itsura niya? " Bakit basang basa ka??" tanong ko. Hindi ito nagsalita at derederetso nalang ito sa kanyang kwarto. Halos habol ang paghinga ko. Ayoko ng manood ng horror.... Pramis!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD