Panunuyo Part 1

1344 Words
Uno pov Hindi pa din niya ako kinakausap hindi ko alam kung ano ba problema ng babaeng ito . Samantalang sina Renz at Dua ay bati na sila. "alam mo Uno kung ako sayo ay pupuntahan ko nalang ito ay susuyuhin " tinignan ko ng masama si Basilio. " paabot nga yang mangga..." utos ko. Kanina pa ako kain ng kain ditonpero itong si Rash nag eenjoy kabonding sina Maliyah. " ??pasulyap sulyap ka kunwari...patingin tingin sa akin ...di maintindihan ang ibing mong sabihin???" pakanta sa akin nina Tres at Jaike. " gusto niyo iuntog ko kayo sa muscle ko..." banta ko sa kanilang dalawa. " Hoy Uno, baka nakakalimutan mo kung bakit ka andito." biglang singit ni Kean. Nanggaling kasi siya sa Kalahati ng buhay niya na si Maliyah para pahiran ng sunblock sa likod. Akala mo naman magaling lumangoy ang girlfriend niya hanggang tampisaw lang naman ito, hindi kagaya ni Rash kanina pa sa pool. Inirapan ko ito. " bakit ano ba kasi nasabi mo ha Uno?" Kean ulit ang nagtanong. " Kean nagtanong ka pa, mula't sapol lumaki yang si Uno hindi na nagbago ang tabas ng bunganga niya. Malamang nasaktan si Rash sa mga sinabi niya." eh di wow Fifth ikaw na ang nakakakilala saakin. Kung makapagsabi naman ito akala mo ay kasama namin kagabi. " Sus Uno, ngayon ka na nga lang nagka girlfriend sinaktan mo pa." Sabat naman ni Hunter. Nakay Rash parin ang tingin ko. Habang ang tenga sa nga ugok kong mga kasama. " Renz ,ano ba kasi problema ng lalaking ito.? " Light " Ewan ko sa kanya. " sagot ni Renz. " Thunder tawagin mo nga si Sam. Kailangan ata ni Uno ng paglalambing mula kay Sam..." utos ni Basilio Napatingin na ako sa kanila. " subukan mo magiging tinapay ang kape sa tinalupan..." " Ulol, babanat ka na nga mali mali pa..." Jaike " Magsasalita ka na ba?" Basili Kinuha ko ang kutsilyo at sinimulan ang pagbabalat ng mangga habang interview sa kanila. ( ̄. ̄) ako Kasi sila at ganito (¬_¬)(¬_¬)-_-+-_-#v_v←_←→_→( ̄へ ̄)(+_+)◐.̃◐°Д°╮(╯▽╰)╭<(-︿-)> " ang tagal Uno..." reklamo ni Kean. Nagagalit na naman di kasi makapaghintay. " ganito kasi yun....dahil nga sa kagwapuhan---*boink*" pinalo akong baso ni Kean " badtrip ka Kean alam mo ba yun?" " Mag eexplain ka ba o pupurihin mo na naman yang pagmumukha mo kasi kung Oo...ikaw ilulunod ko doon kasama si Sam." " eto naman intro nga kasi...intro...epal ka!" " tsk.." Kean " sisimulan ko kung paano kami nagka----"pinigilan ako ni Basilio " wag na sa mga girls nalang namin tatanungin dahil mas maganda ang version nila kesa sayo....yung tanong kung bakit napasugod ang dalawang yan kaninang umaga." Basilio. (╥_╥) kawawa naman ako. " Tinanong kasi niya saakin kagabi kung bakit wala pa akong naging girlfriend" sabi ko. Naging seryoso ang mukha ko ng banggitin ko ang mga salitang yun. " .....ang sagot ko...dahil ayoko ng istorbo,ayoko ng may hinahatid at sinusundo ko. Ayoko ng kinukulit ako, ayoko ng pinipilit ako sa mga bagay na ayaw ko." Natahimik naman sila. Maski itong sina Pito at Hunter na nagpapaypay sa bbq ay napahinto ng marinig nila ako. " Hindi ko naman sinasabing ganun ako ngayon. Kasi yung tanong kung bakit wala akong girlfriend ..tapos biglang sinabi niyang naiihi daw pero hinintay ko siya hindi na bumalik at umuwi daw. Kay Dos pa siya nagtext samantalang sa akin hindi ....wala siyang text. Pagdating ko sa bahay nila para kausapin wala daw ito at hindi pa umuuwi." 20 seconds of silence.... " Sa tingin mo doon siya nasaktan?" Kean " Oo dahil yun lang naman ang nasabi ko sa kanya. Na seryoso ako..." totoong seryoso ako sa mga sinabi ko sa kanya kagabi. Pero sana isipin din niya na Noon yung....hindi ngayon. " Eh anong ginagawa mo ngayon?" tanong ni Kean (¬_¬) Hindi ko alam na may bobo pala sa lahi namin. Tsk " Ano ba Kean kita mo na ngang nagbabalat ako ng mangga tinatanong mo pa.." ヽ(`⌒')ノ aakmang babanatan ako ng dumating bigla si Dua. Si Dua yung taong hindi mo maririnig ang mga yapak niya kapag sumusulpot. Para itong pusa na magaan kung maglakad. " nasaktan siya sa sinabi mo pero hindi ito ang dahilan kung bakit hindi siya bumalik....kinidnap ko ito at sinama dito" Sabay lapit kay Mendez. " Baby love ok na ang lunch gutom na kami..." Dua Biglang naging malandi ang mukha ni Mendez. " Yes baby girl..." sagot naman nito. Umay .. " Eh bakit hindi niya ako pinapansin?" " malay ko...." laking tulong mo Dua hanep.. " ikaw itong lalaki ikaw unang gumawa ng way...hindi babae ang gagawa para sayo.hoy Uno hindi ka si Lee min ho para habulin." dagdag pa nito Mas masakit siya man lait.... " tama siya Uno..." segunda ni Kean. " paano ko nga siya susuyuin?? Eh hindi pa ako nagka girlfriend mula pinanganak ako. " " Ang kapal kapal ng mukha mong sabihin gwapo ka pero ang sumuyo ay hindi mo pa alam..." Basilio " Sakalin kita diyan eh ano naman konek dyan sa gwapo kong mukha?? Eh ako sinusuyo.... " Nagkatinginan silang lahat tsaka nagsialisan sila sa harap ko. Si Renz at Dua walang pakealam at nagkandungan pa sila sa harap ko. Sina Kean naman sinundo ang mga girls sa pool. Hayop kayo...! Minabuti ko nalang na maglakad lakad para mag isip. Wala din kasi silang silbi para tulungan ako. Habang naglalakad ako isang matandang lalaki nagtitinda ng buko juice sa labas ng gate umagaw ng atensyon ko. Makapagpalamig nga muna. Sakto mainit ang panahon. " Manong pabili po ng buko juice." " Limang piso lang iho..." Isang daan ang pera ko sa bulsa. " Iho wala ka bang barya? Kadarating ko lang kasi kaya wala pa akong panukli sayo." " ibibili ko po yan lahat..." Mukhang di makapaniwala si Manong. Tumabi ako sa kanya at umupo na parang bata habang umiinom. " Mukhang may problema ka iho..." " Meron nga Manong... " " dahil ba yan sa kasintahan mo? Nag away kayo? " " tumpak mo Manong.... hindi niya ako pinapansin. Sinundan ko na nga ito dito sa Probinsya.... naglakbay ako mula Manila para habulin siya. Kaso hindi ko alam kung paano manuyo ng tinotopak na babae." Dahil hindi pa naman gaanong Tanghali, wala pa masyadong matao ang resort. Tinabihan ako ni Manong at kagaya ko ay umiinom na din ito. Para kaming batang nakaupo na may hinihintay na isasalvage. " Gusto mo turuan kita? " Mukhang maganda nga idea ni Manong, mapatulan nga. " Dito sa Probinsya ay uso ang harana... Kahit ngayong panahon na de hightech ay wala pa din tatalo ang isang mabisang panunuyo.." " Hindi ako marunong kumanta Manong..." " Aba'y hindi kailangan na magaling ka... basta alam mong kumanta." Sabay inum... " paano po?? " Sabay inum ulit... Ngayon sabay pa kami. " May kilala akong magaling mag guitara siya ang kinukuha ng mga nanunuyo ng mga may kasintahan dito sa amin. Hindi mataas hindi din mababa ang tono ng kantang ibabagay niya sa paghaharana." " Magkano naman po ang bayad?" " Mura lang iho... 200 pesos lang. " 200 pesos?? Ang mura naman. " Ano payag ka? " tanong niya sa akin. " Yung lang gagawin ko? " " Oo pero syempre magpa gwapo ka muna.. " Ginagago ata ako nito... Di ba niya nakikitang gwapo na ako... " Sige....kailan natin gagawin? " " Tatawagan ko na ito.... gusto mo ba ngayon na? " " huh? Wala man lang practice? " tanong ko. " papuntahin konna siya ngayon para makapagpraktis kayo... madali lang ang kanta. Effective ito..." " Sige... tawagan mo na Manong. " Habang tinatawagan ni Manong ang magguiguitara... nakaramdam ako ng kaba. Pagdating nito ay agad niyang sinabi ang kanta. Meron pang kodigo para mabilis ko daw makabisado. Ang kantang ito ay ngayon ko lang narinig pero dahil madali lang kantahin pumayag na ako. Ngayon tignan natin kung magtatampo ka pa..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD