Rash pov
Alas tres ng makarating kami dito sa Vizcaya. Sinalubong agad kami ng Pinsan niyang lalaki.
" Maagang paglalayas Dua..." gwapo siya ha.
" Rash siya ng pinsan ko na si Kean... Pinsan siya nga pala si Zian Rash Ricaforte...ang girlfriend ni Uno."
" Hello..." bati ko.
" Nice to meet you Rash.. Pasok kayo.... Ipapakilala ko na din sainyo ang kalahati ng buhay ko."
Mag pipinsan nga sila... Mga Korny!
Siya palang daw ang gising kaya deretso kami kusina para magkape. Napatingin ako sa bahay nila. Malinis ito halatang lalaki ang nakatira.
" Black coffee or with creamer? " tanong saakin Kean.
" So ano naman nakain mo at bigla ka na naman sumusulpot dito?" tanong niya kay Dua.
" Wala naman...."
" hahaha kilala kita pinsan...tsaka pwede ba alisin mo yung ugali mong tsaka ka lang magtetext kapag pagbubuksan ka ng pinto. Pasalamat ka at hindi ako tulog mantika...."
" tsk... Daming alam. Dito muna kami." sabay higop ng kape.
Pinapanood ko lang silang nag uusap.
Isang yapak ng mga paa ang nagpatigil sa amin.
Lumingon ako ng may isang lalaki ulit na bagong gising.
? Mukhang nagulat ito.
" Dua?? Anong na naman ginagawa mo dito? Oh may kasama ka pala? "
" Rash siya ang isa naming pinsan siya si Basilio... Bas si Rash ang girlfriend ni Uno." pakilala saakin ni Kean sa pinsan.
" bwahaha weh di nga... Si Uno may girlfriend???"
" Bakit parang di kayo naniniwala? " singit ko.
" pasensya ka na Rash... kilala kasi naming si Uno. Well nasa dugo namin ang pagka TORPE... walang kakayahan manligaw."
" Eh bakit itong si Kean may girlfriend ikaw wala? " sabat ni Dhite.
" Eh hindi naman niya niligawan... dinaan niya sa pagka superman niya..."
" Brokenhearted ba yan? " bulong niya ngunit dinig pa din naman namin
Tinignan ko si Dhite para bang wala lang sa kanya.
" Wala kaming pasok ngayong araw dahil Foundation day sa school namin... kung gusto niyo ay magresort tayo kasama si Mal.. " suggest ni Kean.
" Sino si Mal?" tanong ko
" Ang kahalati daw ng buhay niya hahaha" singit ni Dhite.
" Eh ikaw asan na kalahati ng buhay mo?" Basilio
" Malamang naiwan... kaya nga andito na naman yan..." Kean
Bumulong ako.. " nagselos kasi siya..."
Tumawa naman ang dalawa kaya tumawa nalang din ako.
Ang kaso binigyan kami ng nakakamatay na tingin.
" Masyado ka naman kasing over thinking.... wari ba'y pinag explain mo muna si Renz para hindi yung uuwi ka dito at bibigyan mo lang kami ng nakakamatay look." Basilio
" Tsk... Bakit ikaw ba may karanasan na?" Dhite
" hahaha wala pa... pero nakikita ko kasi dito kay Kean kung paano niya hinahandle yung ganyang sitwasyon. "
" Kakaiba kasi si Rai this past few weeks... may nililihim siyang kakaiba. " ayun napasagot din.
" Lihim? Na may other woman siya? " sabi ko.
" Hindi mangyayari yan Rash dahil si Renz ay isang nilalang na patay na patay kay Dua. Lahat gagawin niya kahit patayin pa siya ng tingin.... oks lang kay Renz. "
" wait nga.... Sino si Rai?" out of the blue kong tanong
-_- -_-
Kean. Basilio
? Dhite
" Renz Aikio Mendez ay si Rai... Rai ang tawag ni Dua kay Renz... Siya lang daw ang pwedeng magtawag sa kanya ng ganun. " Pagpapaliwanag ni Basilio.
" ahhh ok gets ko na hehehe"
" So ano si Renz kung ganun?" balik ko ulit.
??
?
" bagay nga sila ni Uno...." bulong ni Basilio na hindi ko masyadong narining.
Nagsibaba na ang mga ibang kasama nila dito sa kanilang bahay.
Bakit parang ang dami nila?
Isang babae ang nakita kong huling bumaba. Maganda siya ha... masiyahin ang mukha.
" Naku delikado andito na naman ang amazona..." sabi ng isa.
" Jaike ikaw ang kota ngayon sa pagluluto...." utos ni Kean.
" superman sino sila?" tanong babae na tumabi kay Kean.
" wife siya sina Dua at Rash... Si Dua ang pinsan ko, si Rash naman girlfriend ng pinsang kong si Uno... Si Uno At Dua ay kambal.... Girls ito si Maliyah ang---"
" ang kalahati ng buhay mo" duet pa namin ni Dhite.
" Hi sainyo... sa wakas may makakasama na akong babae dito.. Dito ba sila titira" may pagka madaldal din ito.
" Hi Maliyah... actually hindi kami titira dito...ito kasing isa eh jelly jelly kaya napadpad kami dito."
" ha?? Jelly jelly kanino?"
" wife ito na kape mo..."
" ikwekwento ko sayo mamaya... Hahahha"
" tsk" Dhite.
Nag breakfast pa kami bago kami nagplaning magresort na siyang balak ng mga boys.
" paano yan wala kaming dalang damit ni Dhite."
" May damit ako sa bahay nila Kean."
" Bahay nila Kean? Eh ano itong tinitirhan nila?"
" HQ ang tawag nila dito... House quarter."
" Pahihiramin nalang kita Rash, magkasize naman tayo... halika sa taas. " niyaya ako ni Maliyah sa kwarto nila ni Kean.
Sa kwarto nila. Napakasinop tignan. Naka organize lahat ng gamit nila.
" wow ang ganda ng kwarto niyo ni Kean. "
" kwarto lang niya ito. May bording house ako malapit din sa school pero kapag walang pasok at weekends dito ako natutulog."
" Swerte mo naman..." ani ko
" bakit naman?" nagkakalkal ito sa kabinet ng damit.
" Kasi merong isang Kean na nag aasikaso sayo. "
" Eh si Uno na Boyfriend mo hindi ka inaasikaso? " tanong niya.
Umupo ako sa kama at nagsenti ng saglit.
" Ayaw saakin ni Uno... ako lang kasi nagdeclarang mag boyfriend girlfriend kami..." naalala ko ulit yung sinabi niya kagabi.
Tinignan ako ni Maliyah
" Alam mo ang dapat mong gawin... Balewalain mo siya. Tignan mo hahabulin ka niya."
" paano ka naman nakakasiguro na hahabulin niya ako? "
" hahaha ano ka ba... Uso yan sa kdrama."
Ngee Kdrama?? Eh pinoy tayo eh..
" Hindi naman lahat ganun sa kdrama eh...nasa real life tayo. Baka nga wala siyang pakealam na nawala ako eh. "
Inabit niya sa akin ang isang maxi dress na floral pink..
" ay ang ganda naman nito"
" bagay sayo yan... Kaya sayo na yan... Binili saakin yan ni Zeke kaya bago pa yan. Hindi naman ako masyadong nagdredress."
" sino naman si Zeke?"
? Maliyah
" Zeke ang tawag ko kay Kean..."
" ang hilig niyong magbigay ng name sa mga boyfriends niyo.... si Dhite ang tawag kay Renz ay Rai... Ikaw si Kean ay Zeke. "
" Eh ikaw kay Uno... Uno lang?? "
" Pangit... "
Tumawa naman ng malakas itong si Maliyah
" grabe ka naman... as in Pangit talaga.? "
" yun ang una kong tawag kay Uno...noong nag encounter kami. "
" curious tuloy ako sa mukha ni Uno... Kung gwapo ba ito o ano"
" Pangit siya pero gusto ko siya." sabi ko nalang.
" alam mo ang kasabihan.. Kapag maganda at pangit.... perfect match daw."
Natawa naman ako sa sinabi niya.
" halika na sa baba..." yaya nito.
Pagbaba namin nag uusap sila at nakarinig kami tungkol sa Organization.
" Ano pinag uusapan niyo?" tanong ko.
" asan pala si Dhite? " wala kasi ito.
" Kumuha ng damit sa bahay....magready na kayo kasi aalis na tayo baka may dumating pang langaw." sabi niya samin.
Langaw?? Uso ba langaw dito?
Pagkadating ni Dhite ay agad kaming pumunta sa resort malapit lang din dito. Mga 10 minutes lang ang biyahe.
Napa wow ako sa ganda dahil sa mga green leafy na nagmumula sa bundok. Napakapresko dito. Malayong malayo sa Manila.... Well may mga resort na magaganda naman doon but iba pa din pag nature na nagmumula. Ang sarap ng simoy ng hangin dito... Fresh na fresh..
" girls sunod sina Cass at Minea para may makasama kayo. Nag attendance lang sila sa school nila." Basilio
Na excite tuloy ako dahil hindi lang kami nila Maliyah at Dhite ang magkakasama.
" sama din si Samuel... on the way na si Bakla"
" excited na akong makibonding sainyo.."
Sa isang cottage malapit sa pool ang pwesto namin.
Nag ihaw ang mga boys kami naman ay nag ayos ng nga pagkain.
Dumating ang mga pinsang babae nila Dhite.
" hi ate Rash... Minea is the name..." napakaputi naman nitong babaeng ito.
" Ako naman si Cassiopeia... Cass nalang itawag mo sa akin.."
" Hi, ang gaganda niyo naman..."
" Maganda ka din naman ate Rash... At magaganda tayong lahat.... hehehe" Cass
" Bakit mukhang hindi masaya si ate Dua?" Minea
Napatingin kami kay Dhite na naghihiwa ng mangga.
" wag niyo ng pansinin dahil may paparating..." Kean
Nagulat kami ng makita ang dalawang nilalang na papalapit saamin.
" Sino ang mga yan? " Maliyah
" Sina Kuya Uno at Kuya Renz.... bakit anong-----ahhhh alam ko na kung bakit ganyan ang mukha ni Ate Dua " Minea
" Rash! " sigaw saakin ni Uno
" Baby girl! " sigaw ni Renz kay Dhite.
" Sige dedmahin niyo pa yang dalawa baka maghabulan ang ending niyo" Basilio
Tinginan namin ng masama si Basilio.