"Buti napaaga pasok mo ngayon ah." Puna ni Samantha. Napansin ko ang maraming supot ng pagkain, nakalagay iyon sa isang lamesa na may kasamang mga kape. Kaniya-kaniya silang hawak ng kape na siguro ay para mabawasan ang hang-over kagabi. Buti hindi sila pinapagalitan, p'wede pala rito kumain? "Si Sir ang nagpa-almusal at kape. Nagulat nga ako bakit ang dami akala ko part two ng panlilibre ni Jason," natatawang aniya. "Baka sinapian." Pagbibiro ko na hindi niya naman pinansin. "Ay! Oo nga pala ang sabi niya kapag dumating ka ay papuntahin ka agad sa opisina niya. Nakalimutan ko bilisan mo baka mapagalitan tayo pareho!" Natatarantang sabi niya at pinagtulakan pa ako. Hindi ko na nagawang ilapag ang gamit ko sa lamesa ko dahil sa pagmamadali at kay Samantha. Agad akong kumatok ng pinto

