Umaga pa lang ay pinaalalahanan na ako ng katrabaho ko para sa gaganapin mamaya. Pagkapasok ko sa trabaho ay iyon na agad ang uspaan nilang lahat. Mabuti ay hindi sila sinisita at pinapagalitan ng boss namin. Medyo nabawasan na nga ang pagsigaw at pagiging masungit ng boss ko. Bihira na lang ako nito sinisigawan. At nangyayari lang iyon kapag nandiyan si Sir Jacob sa paligid. "Oh, ano? Tuloy mamaya, Angelique." Salubong sa akin ni Jason ang may kaarawan ngayon. "Yeah, happy birthday." "Sigurado na 'yan ah. Kompleto tayo mamaya dahil pati daw si Sir Jacob ay sasama." "Tsk. Dapat nga hindi na 'yon sumama eh." Angal ni Samantha. "Sus! Bakit ba lagi ang init ng ulo ko kay Sor Jacob ah?" "Eh, nakakainis kasi ang mukha niya… masyadong feeling pogi!" "Pogi naman talaga." "Hindi 'yon po

