"H'wag kang lalabas ng bahay ng hindi nagpapaalam sa akin." "Opo, sir." Kinabukasan ay hinatid niya agad ako rito sa bahay. Masama ang pakiramdam ko ng magising ako kaya hindi niya ao pinayagang pumasok pa sa trabaho, dapat ay hindi na rin siya papasok para mabantayan at alagaan ako ngunit kailangan siya sa opisina at puno ng meeting ang araw niya ngayon. At kahit ilang ulit niya pang sabihing mas importante ako kaysa sa kumpaniya ay paulit-ulit ko rin siyang pinapaalis para magtrabaho. Kaya ko naman talaga ang sarili ko't nariyan din si Manang para sa akin. Kaya kahit labag sa loob ay umalis na siya ng bahay at pumasok ng trabaho'ng nagdadalawang-isip pa kung susundin ako sa gusto kong pumasok siya. "Kapag may kailangan ka tawagan mo ako agad, kung aalis ka sabihan mo ako para masama

