Sa tuwing sinusubukan ko siyang kausapin ay hindi ko rin magawang magsabi minsan ay uuwi siya ng pagod,minsan naman ay nawawala ako sa mood kapag nakikita siya at gusto kong mawala siya sa paningin ko. Ayokong makita at maamoy siya. Naiinis din ako kapag nandiyan siya malapit sa akin. Kaya madalas ay nag-aaway at nagtatampo na siya sa akin. "Iyan ka na naman bakit ba ang init lagi ng ulo mo?" "Ewan ko do'n ka nga!" Magkatabi kami ngayon sa kama ko at pilit siyang sumusiksik sa akin. "Ayoko! Payakap lang miss ko na ang misis ko." Paglalambing na aniya. Gusto kong kiligin pero naiinis talaga ako. Mas gusto ko pang makita si Jacob kaysa sa kaniya. Kaya lang sa tuwing mababanggit ko si Jacob ay nagagalit siya sa akin. May isang beses pa ngang nag-uusap lang kami ni Jacob sa opisina nang

