Tinotoo nga niya ang mga sinabi niya. Nanligaw siya kahit mahirap iyon para sa akin. Wala na rin naman akong magagawa dahil katulad nga ng sinabi niya, hindi na niya kailangan ang permisyon ko para makapanligaw siya sa akin. "Angelique may naghihintay yata sayo sa labas." Paalis na ako para pumasok na sa trabaho. Taka akong tumungin kay Manang saka kinuha ang susi ng kotse ko. "Sino po?" "Aba ewan ko, hindi naman lumalabas ang tao sa kotseng iyon. Labasin mo na at kanina ko pa iyan napapansin d'yan." Agad akong lumabas para makita iyon. Nang makita at mamukhaan ang sasakyan sa labas ay nagmadali akong puntahan iyon. Agad din siyang lumabas pagkabukas ko ng gate. "Good Morning." "Anong ginagawa mo rito?" Imbis na sagutin siya at tanong ang ibinungad ko sa kaniya. "Sinusundo ka."

