"Boyfriend mo ba iyong naghatid sa'yo, Angelique?" Kanina pa pala ako hinihintay ni Manang dahil anong oras na ako nakauwi. Nanghintay siya sa akin sa pintuan ng bahay kaya nakita niya ang kotse ng naghatid sa akin. "Hindi po, Manang." "Eh, ano mo iyon?" "B-boss ko po iyon." "Bakit ka hinatid?" "N-nanliligaw po siya." Nanlaki ang mata niya. "Please po, h'wag niyo po muna sasabihin kay Daddy." "Aba'y bakit ayaw mong ipaalam sa daddy mo?" "H-hindi po p'wede… m-magagalit po siya sa akin." Tinignan niya ako deretso sa mata kaya nag-iwas ako. Hindi ko pa sa kaniya pwedeng sabihin. "Eh, bakit hindi mo man lang pinapasok dito?" Nakangiting tanong niya. "G-gabi na po… n-nagmamadali rin po kasi siya." Tinawanan niya ako. "Bakit naman hindi ka makapagsalita ng maayos?" "Wala po… baha

