"Ikaw bata ka bakit hindi ka umuwi kagabi? Alalang-alala ako sayo!" Iyon ang bungad na sermon sa akin ni Manang nang makauwi ako pero nang makita kung sino ang kasama ko ay natahimik ito at panay pa ang ngiti. "Ito pa iyo kumain ka pa." Alok ni Manang at pinagsilbihan pa si Gunner. "Ikaw ba'y ano nitong alaga ko?" pag-uusisa pa niya. Nagkatinginan pa muna kami ni Gunner bago ako nagsalita. "B-boyfriend ko po, Manang." Agad namang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Ha? Eh, paano 'yong boss mo? Sayang naman at base sa mga kwento mo sa akin tungkol sa kaniya ay ramdam kong mag pagtingin ka sa iyong bo—" "Manang!" agad kong suway sa kaniya. "So, lagi mo pala akong kinukwento sa kaniya? And you liked me?" Malaki ang ngising sabi ni Gunner. "H-hindi iyon totoo." Hindi niya naman ako

