-------------------------------------- JACK MONDRAGON POINT OF VIEW… Mabilis pang lumipas ang panahon. Nakahanap na kami ni Jones ng trabaho. Ako bilang office staff sa isang malaking kumpanya habang si Jones, napunta sa isang five star hotel bilang housekeeping personnel. Alam ko nagtataka kayo kung bakit walang kinalaman sa natapos ko ang naging trabaho ko, actually, choice ko rin naman. Mas prefer ko kasi na magtrabaho sa office hindi gaya ni Jones na gusto talaga niya na magtrabaho sa isang hotel. Gusto nga nila Mama, Papa at mga magulang ni Jones na magtayo na lang kami ng sarili naming resto gamit ang ibibigay nilang pampuhunan sa amin ang kaso ay ayaw ni Jones. Mas gusto niya kasi na galing sa sarili naming bulsa ang ipangtatayo ng resto kung sakali kaya naman mas

