bc

I LOVE YOU, BRO!

book_age16+
720
FOLLOW
2.4K
READ
friends to lovers
drama
comedy
sweet
bxb
humorous
like
intro-logo
Blurb

Childhood best friends sina Jack at Jones. Halos kalahati ng buhay nila ay umikot sa bawat isa. Kilala nila hindi lamang ang pisikal na meron sila kundi pati na rin ang lahat sa isa’t-isa. Magkasama sila sa lahat ng kalokohan. Sa pagbabago ng isa’t-isa. Sa kaligayahan at pati na rin sa kalungkutan.

Marami silang pinagdaanan bilang magkaibigan hanggang sa may magbago sa kanilang mga damdamin at kagaya ng ibang magkaibigan, hindi napigilan ng kanilang mga puso na ibigin ang isa’t-isa.

Sa paglagpas nila sa pagiging magkaibigan, mararanasan naman nila kung ano ang meron sa pagiging magka-ibigan.

Masaya sila, may away man pero nagbabati rin. Akala nila ay hindi nila pagsisisihan ang paglagpas nila sa pagiging magkaibigan.

Ngunit iba't-ibang pagsubok ang susubok sa kanilang pagsasama na susukat sa tiwala at pagmamahal sa isa't-isa.

Mapapanindigan ba nilang dalawa ang kanilang pag-iibigan o pagsisisihang lumagpas sila sa pagiging magkaibigan?

All Rights Reserve, 2021

Copyright, 2021

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance on living or dead person, places, events, and others is only coincidental.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
I LOVE YOU, BRO (ROMANCE, COMEDY, DRAMA) DISCLAIMER No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission. All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2018 All Rights Reserve 2018 DATE STARTED: DECEMBER 26,2018 DATE FINISHED: THIS SERIES CONSIST OF EPISODES GENRE: BOYXBOY, ROMANCE, COMEDY, DRAMA PROLOGUE Mababakas ang lungkot sa kanilang mga mukha habang magkaharap at nagkatitig sa isa’t-isa. Nasa kwarto silang dalawa kung saan namamayani ang katahimikan pagkatapos ng matinding pagtatalo na namagitan sa kanilang dalawa kanina. Walang katapusang pagtatalo na habang tumatagal ay lalong lumalala. Humupa na ang galit, ngunit ang lungkot ay nananatiling namamayani sa kanilang mga damdamin. “Sana ay hindi na lang naging tayo. Sana ay hindi na lang natin ginusto na lumagpas sa kung anong meron tayo noon, edi sana... edi sana ay hindi tayo nagkakaganito ngayon,” malungkot na wika ni Jones kay Jack. “Hindi na tuloy natin alam kung anong kahahantungan natin pagkatapos nito,” seryosong wika niya pa. Ngumiti ng may halong pait si Jack. “May pagsisisi ka ba?” tanong niya. “Nagsisisi ka bang minahal mo ko?” tanong niya pa. Tumingin sa ibang direksyon si Jones. Tumingala ito para mapigilan ang napipintong pagkawala ng mga luha sa kanyang mga chinitong mata. “Wala akong pagsisisi na minahal kita bilang isang kaibigan... isang matalik na kaibigan... pero ang mahalin ka ng higit pa sa kaibigan... hindi ko alam... hindi ko na alam,” sagot ni Jones sa garalgal na boses. Kinagat ni Jack ang ibabang labi niya. Nasaktan siya sa sinabi nito. Parang kutsilyo na tumusok sa kanyang puso. “Mabuti pa no’ng mag-best friends pa tayo, mag-away man tayo pero nauuwi pa rin iyon sa pagkaka-ayos, pero bakit ngayong mas malalim na... habang tumatagal... iyong pag-aaway natin... parang hindi na natin kayang maayos pa,” may halong pait na paglalahad ni Jones. “Habang tumatagal ay para tayong tali na nagkandabuhol-buhol at hindi na natin alam kung paano pa tayo makakalas sa magulong pagkakatali nito,” wika niya pa. Lumamlam ang mga mata ni Jack habang nakatitig pa rin kay Jones. “G-Gusto mo bang tapusin na natin ito?” tanong niya. Tiningnan ni Jack si Jones. Huminga siya ng malalim. Pinilit niyang ngumiti. “Ang malalim na relasyon natin... gusto kong tapusin... pero ang pagkakaibigan nating dalawa... hindi,” wika ni Jones. “Pero paano pa tayo babalik sa dati kung nasaktan na natin ang puso ng bawat isa?” tanong niya pa. Hindi nagsalita si Jones. Nagbaba ito ng tingin. Nananatili namang nakatingin sa kanya si Jack. Sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang labi. Ito na ba ang katapusan nilang dalawa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
354.1K
bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
178.2K
bc

NINONG II

read
611.9K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
260.1K
bc

ELEAZAR GUSTAVO'S, FORBIDDEN AFFAIR

read
8.1K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
89.2K
bc

Make It Harder (SSPG)

read
293.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook