PROLOGUE

374 Words
I LOVE YOU, BRO (ROMANCE, COMEDY, DRAMA) Disclaimer…     No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including  photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission.   All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance  to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2021  All Rights Reserve 2021   GENRE: BOYXBOY, TEEN, ROMANCE, COMEDY, DRAMA, FAMILY PROLOGUE…    Bakas ang magkahalong galit at lungkot sa kanilang mga mukha habang magkaharap at nagkakatitigan. Nasa kwarto silang dalawa kung saan namamayani ang katahimikan pagkatapos ng matinding pagtatalo na namagitan sa kanilang dalawa kanina. Walang katapusang pagtatalo na habang tumatagal, lalong lumalala.     “Sana hindi na lang naging tayo. Sana hindi na lang natin ginusto na lumagpas sa kung anong meron tayo noon, e di sana ay hindi tayo nagkakaganito ngayon,” malungkot na sabi ni Jones kay Jack. “Hindi na tuloy natin alam kung anong kahahantungan natin pagkatapos nito,” dugtong pa nito.     “May pagsisisi ka ba?” tanong naman ni Jack.     Umiwas ng tingin si Jones. Napatingala ito para mapigilan ang napipintong pagkawala ng mga luha sa kanyang mga chinitong mata.     “Wala akong pagsisisi na minahal kita bilang isang kaibigan… isang matalik na kaibigan… pero ang mahalin ka ng higit roon… hindi ko alam,” sabi ni Jones sa garalgal na boses.     Napakagat-labi si Jack. Nasaktan siya sa sinabi nito.     “Mabuti pa nung mag best friends pa tayo, mag-away man tayo pero nauuwi pa rin iyon sa pagkaka-ayos. Pero bakit ngayong mas malalim na… habang tumatagal, iyong pag-aaway natin, parang hindi na natin kayang maayos pa,” sabi ni Jones.     “Gusto mo bang tapusin na natin ito?” tanong ni Jack.     Napatingin si Jones kay Jack.     “Ang malalim na relasyon natin… gusto kong tapusin… pero ang pagkakaibigan nating dalawa… hindi,” sabi ni Jones. “Pero paano pa tayo babalik sa dati kung nasaktan na natin ang puso ng bawat isa?”     Napatitig si Jack kay Jones.     Katapusan na nga ba nilang dalawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD