#ILoveYouBro CHAPTER 31 Ilang araw pa ang lumipas at naging abala naman ang magkasintahan sa kanya-kanyang gawain. Kailangan na kasi nilang gumawa ng thesis na kanilang ide-defend sa susunod na buwan kaya naman sa bawat araw ay ‘yun ang kanilang pinagkakaabalahan. Magkaiba sila ng grupong kinabibilangan sa paggawa ng thesis kaya naman halos wala na silang oras para magkita at magkausap ng matagal. Nagagawa lamang nila iyon kapag nasa klase o di kaya ay may pagkakataon. Kagaya na lamang ngayon, break time nila at magkasama sila sa cafeteria at sabay kumakain. “Matatapos na ba kayo sa thesis niyo?” tanong ni Jack kay Jones. Napatingin naman si Jones kay Jack. Itinigil muna nito ang pagkain. “Nasa gitna na kami pero marami-rami pang gagawin dun ka

