#ILoveYouBro CHAPTER 29 Nakatayo sa tapat ng malaking salamin si Jack na nasa loob ng kanyang sariling kwarto. Nakatingin siya rito at tinitingnan ang sariling repleksyon. “Nagnanasa ba ako sa sarili kong kaibigan?” tanong niya sa sarili. Hanggang ngayon, hindi maalis sa isipan niya ang mga nakita kay Jones katulad na lamang nung unang beses na makita niya rin ito. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit ganun na lamang ang epekto sa kanya ng mga nakita. Matindi na nagpapainit sa kanya at nagpapatigas sa kung anong meron sa gitna ng dalawang hita niya. Hindi niya maiwasang maalala si Humph. Nung mga panahong kasama niya ito, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng ganito. Oo, nagagandahan siya sa hubog ng katawan nito at minsan ay napapansin niya rin ang kalakih

