#ILoveYouBro FINALE JACK MONDRAGON’S POINT OF VIEW: Ginagawa kong abala ang sarili ko sa trabaho para hindi sa kanya makatingin. Kung kakausapin niya ako, I’ll make sure na kahit sa periphial vision ko ay hindi ko siya makikita. Sa totoo lang kasi, sobra akong naiilang dahil sa mga nangyayari sa akin na dulot niya. Ewan ko ba, naisipan ko na nga ring mag-resign para matapos na itong pangit na pakiramdam na ito pero ano naman ang magiging dahilan ko? Siguradong magtataka silang lahat dito sa opisina kapag ginawa ko iyon. Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ng mesa ko si Sir Kirk. Kung hindi pa niya tinawag ang pangalan ko, malamang ay hindi ko siya mapapansin. Dahan-dahang tumaas ang tingin ko hanggang sa makita ko ang mukha niyang may bakas nang pag

