- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - “Mabuti naman at hindi mo kasama ngayon si Jones,” sabi ni Humph kay Jack. As usual, nasa garden silang dalawa at magkatabing nakaupo sa isa sa mga bench na nandoon. “Iniwan ko na muna siya mag-isa kasi gusto ko ring magpag-isa ngayon. Isa pa, may ginawa rin ako kanina,” sagot ni Jack. “Ganun ba. Ok rin naman na kahit minsan ay hindi kayo magkasama. Sa tuwing magkasama kasi kayo at sa mga kinikilos niyo pa, sa totoo lang, napapansin ko ang tingin ng ibang mga tao at nagiging iba ang sinasabi tungkol sa inyo… alam niyo na, daig niyo pa daw ang magkapatid at lalo na ang mag-dyowa sa sobrang dikit ninyo sa isa’t-isa,” sabi ni Humph. “Talaga? Pinag-uusapan pala kami ng ibang tao?” tanong ni Jack. Hindi niya kasi alam iyon.

