- - - - - - - - - - - - - - - -- - - “1st monthsary pala ng dalawang iyon. Ano na kayang ginagawa nila?” tanong ni Jones sa sarili. Nasa playground ito ngayon ng subdivision nila at mag-isang nasa swing habang dinuduyan-duyan niya ito gamit ang mga paa na nakaapak sa lupa. Napabuntong-hininga siya. Bakit niya ba iniisip ang dalawang iyon? Ano naman kung 1st monthsary nila at kung anong ginagawa na nila ngayon? Hindi na dapat niya iniisip pero hindi naman niya maiwasan. Muli siyang napabuntong-hininga. Ngayon niya nararamdaman ang hirap ng mag-isa lalo na sa boring na araw. Naalala niya dati, kapag bored siya, pupunta lang siya sa bahay nila Jack at doon manggugulo dahil nandoon ang kaibigan ngunit ngayon, gustuhin man niyang pumunta sa bahay nito pero wala naman ito.

