00006

1877 Words
Tahimik lang ako habang kumakain kasama ang magkapatid at ng mga kaibigan ni Belle. Though palagi ko silang kasama kapag nahatak ako ni Belle but they are not my friends, hindi rin naman friends ang turing nila sa akin. "Grabe! Law student ka pala Kuya? Ang gara! Mahirap po ba dyan?" Magiliw na sabi ni Janice. Actually kanina pa silang tatlo tanong ng tanong kay Atticus, sagot naman ng sagot ang isa, hindi man lang nahalata na nagpapansin lang ang tatlo. Magkapatid nga sila ni Belle! Ang mamanhid, hindi man lang makaramdam! Iwan ko sa kanilang dalawang magkapatid! Na s-stress ako sa kanila. But on the other hand, baka ganyan talaga ang mga mayayaman! Walang kamuwang-muwang sa mundo, kahit na harap-harapan ng ginagamit, nagpapansin para mapansin sila, wala pa rin silang paki, akala nila genuine ang lahat ng tao sa kanila! I guess kapag mayaman ka, pera, trabaho, companya, mga asset, investor, at mga utang lang importante sa kanila para manatili sila sa taas. At dahil sa ganyang mindset nila, nakaligtaan nila ang kahalagahan ng pagmamahal, oras, at mga aral sa bawat problema na dumating sa kanila. I promise to myself, if matutupad ko ang mga pangarap ko by God's grace, hindi ako tutulad sa kanila. Kapag may pamilya ako, maglalaan talaga ako ng oras tapos maging cautious sa paligid ko dahil mahirap mag tiwala sa mga tao lalo pa kong nasa toktok ka. But I am wondering. Bakit ganon ang Mama sa akin? Hindi ako binigyan ng pagmamahal, atensyon at hindi nakaramdam na nasasaktan na ako sa ginagawa nya sa akin? Hindi kami mayaman, mahirap pa kami sa daga! How come naging ganito ang takbo ng buhay ko? Na kailangan ko pang lumayas para makapag-aral? Ang speaking of her. Ni wala akong nabalitaan na pinaghahanap ako dahil nawawala. Ni hindi nag m-message ang mga kaklase ko kung saan na ako dahil hinanap ako ng Mama ko, kahit mga kamag-anak ko wala akong narinig. Mukhang hindi talaga pamilya ang turing nila sa akin! Hindi man lang nag-aalala kung nasaan ako! They keep on talking and talking, nakikinig lang ako sa kanila. Sinasali naman ako ng magkapatid, tatango lang ako at tipid na sumagot kapag may tanong sila. Yan ang naging set up hanggang sa makauwi kami sa school. "Mag-ayos ka bukas. Pinapauwi tayo ni Mommy" sabi ni Atticus bago kami makababa ng kotse. Kita ko pa kung paano natigilan si Belle. "Huh? Grabe naman ilang araw pa lang ako rito! Miss na nya agad ako?" Nakanguso nyang sabi. Lumabas na lang ako ng kotse at hinantay si Belle. I look the three na nagbubulungan, hindi man lang ako pinapansin kaya confirm, si Belle lang talaga ang kaibigan nila. "Uuwi pala ako bukas guys! Miss na ako ni mommy eh" anonsyo ni Belle pagkalabas nya ng sasakyan. "Mamimiss ka rin namin Belle! Ganyan talaga ang mga magulang!" "Sayang, eh sasama ka sana namin bukas mag mall! Mag a-arcade kami! Tapos mag papa-nails!" "Oh? Sayang pero kailangan kong umuwi...si Airyn na lang ang isama nyo! Though tahimik talaga to kasama dahil mahiyaan but she is fun to be with!" Proud pa nyang sabi. Nakita kong nagtinginan ang tatlo! Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ni Belle kaya ako na lang ang umiling. "Hindi ako mahilig sa ganyan. May a-aralin pa ako" "Naku! Sayang at hindi kayo makakasama bukas! Pero may next time naman. Belle sama ka na sa susunod ah?" Belle immediately nod. "Promise!" Masaya nyang sabi. Nagpaalam muna akong umuwi ng dorm para magbihis ng uniform kaya nakawala ako sa kanila. Gusto pa sana akong samahan ni Belle pero umiling ako sa kanya at sinabing mauna na lang sila. "Oi! Bebe girl! Mag c-cuting ka? Bad yan!" Agad nalukot ang mukha ko nang nakasalubong ko si De Lara. Naka uniform na sya at fresh na fresh na! Mukha na ring nakapagpahinga ng maayos dahil ang ganda ng aura nya. I just rolled my eyes so he gasp! Ang o-oa ng reaction nya. "Whoa! Akala ko pa naman goody-goody shoes ka! Yon pala-" "Bakit nakasunod ka? Don't tell me ito ang daan patungog classroom?" Sarcastic kong sabi nang sumunod sya sa akin. Malapit na kasi ako sa dorm. "Hihintayin kita kamahalan! At tyaka huwag ka ngang masungit! Mas lalong umiinit ang panahon" Nalukot ang mukha ko at tumigil sa paglalakad kaya tumigil rin ang isa. "Bakit mo ako hihintayin? Ang feeling close mo ah" inis kong sabi. "Hindi naman! Gusto lang makipag-kaibigan! Sungit" Napabuntong hininga na lang ako dahil lahat ng sasabihin ko may masasagot sya! Mas malala pa tong isang to kaysa sa dalawang Dela Vega! "Hindi kita gustong kaibigan" deritso kong sabi at linayasan sya pero dinig ko ang tawa nya. "Ako rin bebe girl! Ayaw kitang kaibigan! Gusto ko higit pa ron!" Sigaw nya kaya napapikit ako ng mariin. Peste! Ang malas ng araw ko ngayon! Bakit ko ba nakilala ang isang yon tapos parang aso! Sunod ng sunod tapos tahol pa ng tahol! Nakakairita! Akala ko umalis na ang bugok! At biro lang yong hihintayin nya ako pero pagkalabas ko, naghihintay sya sa may puno at parang tatakbong konsehal dahil tuwing may daraan, babatiin nya kaya napilitang bumati pabalik sa kanya! Abnormal talaga kahit kailan! Pagkakita nya sa akin agad syang lumapit at nakangiti! "Wow! Fresh gulay! Hindi ka na nagmukhang-" "Ano?" Banta kong sabi kaya tinaas nya ang kamay nya. "Galit agad! Ang cute mo talaga!" Aniya at kinurot pa an pisngi ko kaya inis ko yong tinampal. "Bwesit ka!" Inis kong sabi kaya tumawa ang ugok. Nagsimula na lang akong naglakad dahil umiinit na ang ulo ko sa isang yon! Ang kulit-kulit! "May sasabihin ako!" Habol nya sa sa akin. I sigh. Simula nang nag-aral ako rito, palagi na lang dumidikit ang mga taong makulit at daldal ng daldal! Which is so irritating! Can they just ignore me? Mas gusto ko pa yon dahil ang tahimik ng buhay ko. "Mag s-shift ako ng course" "Share mo lang?" Sarcastic kong sabi dahil ano naman kung mag s-shift sya?" "Ano ba naman to" ang kapal ng mukha nya. Nag reklamo pa! "Edi mag shift ka" I said and rolled my eyes. "Pero paano ka?" Doon kumunot ang no-o ko at tinignan sya ng takang-taka. "Anong paano ako?" He smirked at tumingin sa malayo. "You know, kapag mag shift na ako, wala ka ng makikitang gwapo, wala ka ng katabing gwapo! Wala kanang-" "Mag shift ka na" putol ko sa kanya dahil ang yabang. Natawa pa sya! Ka iritah! "Grabe naman! Pero don't worry! Pupuntahan kita kapag free time ko" "Kahit huwag na" umay kong sabi. "Bahala ka, pupuntahan kita" Umirap na lang ako sa kalokohan nya! Hindi ko alam kung anong trip nya ngayon sa buhay! Parang kanina lang kami nag-usap tapos ganito na sya, felling close na! Ganito ba talaga ang mga tao dito? Masyadong feeling close? Si Belle, hinatak-hatak na ako nong una naming pagkikita tapos inutasan naman ako ni Atticus about sa kapatid nya! Hindi ko sila maintindihan! Napaka feeling close! Pagkarating namin sa room, ganon pa rin amg set up nila. Binigyan ako ni Belle na malungkot na tingin pero nginiti-an ko lang sya. I tried to find another set para hindi ko na katabi yong tokmol pero may nakaupo na lahat kaya wala akong nagawa at tumabi na lang sa kanya. "Huwag kang malungkot rito kapag nag shift na ako ah?" Daldal na naman nya. Hindi ko na lang sya pinansin. "Nagdadalawang isip tuloy akong mag shift...Paano ka na kapag wala na ako sa tabi mo? Mag-isa ka na lang dito" tumikhim ako at napahilot sa sentido dahil naririndi na sa mga sinasabi nya. "Huwag na kaya akong mag shift?" Masama ko syang tinignan kaya ngumiti ang tokmol. "Mag shift ka na! Lumayas ka na rito" he smirked at tumagilid ng upo para maharap ako ng tuluyan. "Sige pero sama ka mamaya sa akin! Farewell lang sa pagiging CBA ko" "Ayoko" agad kong tanggi. "Edi sige, hindi ako mag s-shift, dito lang ako, forever set mate mo, kadal-dalan, kasabay na mapapagalitan, sasamahan ka hanggang paglabas-" "Oo na oo na!" Irita kong payag dahil iniisip ko palang ang sinasabi ko baka bumagsak na lang ako bigla dito at mapatalsik sa skwelahan na to! Ang kulit pa naman nya. And base sa nangyari kanina. Nong sinabi nyang hihintayin nya ako! Naghintay talaga kahit ang init sa labas noon. "Yon oh! Libre mo ah?" Inis ko syang tinignan. "Joke lang! Syempre ako ang manlilibre! Nakakatapak ng p*********i yon kapag babae ang nanlibre!" Agad nyang bawi. Napairap na lang ako. Dahil katabi ko sya, syempre, wala na naman akong naintindihan dahil daldal sya ng daldal! Kung anu-anong walang kwentang sinasabi. Nag recitation pa kami at swerte namang hindi kami natawag dalawa at nagmayabang na naman sya na lucky charm daw sya. Nakakabwesit lang. "Belle, samahan ko na muna yon" paalam ko kay Belle na hinihintay ako kahit labag sa kalooban ng tatlo. Namilog ang mata nya at pabalik-balik kaming tinignan ni De Lara na naghihintay na sa pintuan at dala ang notebook ko para sigurado daw na hindi ko sya tatakasan! "It's not what you think" agad kong depensa baka kung ano naman ang iniisip nya. Ngumuso sya at tumango-tango. "Basta kay Kuya ka lang ah?...Mag M-mall sana tayo ngayon dahil nag promise tayo sa kanila pero..." aniya at tumingin kay De Lara. I smile. "Okay lang, enjoy na lang kayo" nakangiti kong sabi kaya mas ngumuso sya. "Pero papasalubungan kita! At huwag ka na rin bumili ng hapunan!" "Kahit huwag na!" "No! Dadalhan kita" pagpupumilit nya kaya tumango na lang ako. "Halika ka! Pagbabantaan ko muna yong lalaki!" Biglang seryoso nyang sabi at hinatak ako patungog kay De Lara na taka kaming tinignan. Kahit ako nagtataka kay Belle eh. "Hoy! Alagaan mo tong kaibigan ko! Kapag ito umuwing nasaktan o may sugat sasapukin talaga kita!" Banta nya. Napangiwi na kang ako dahil hanggang kili-kili lang sya sa lalaki tapos ang lakas ng loob mag banta. "Don't worry! Aalagaan ko yan" pagsasabay naman ni De Lara kaya mas napangiwi ako. "At tyaka! Off limit na tong kaibigan ko kaya kung may balak kang manligaw o nagkagusto sa kanya. Hindi na pwede!" "But she said she is single?" Kunot noo kong tinignan si De Lara dahil sa sinabi nya. Si Belle naman ay mas lalong namula sa galit. He look at me at kumarap. "Diba? Yon ang sinabi mo? Single ka? Walang boyfriend? Teka! May boyfriend ka pala?" Confuse na tanong ni De Lara sa akin. "Magkakaroon pa lang sya ng boyfriend kaya huwag mong landiin!" Malakas na sabi ni Belle. Humahalakhak bigla si De Lara. Napailing na lang ako dahil mas nagagalit si Belle. "Tara na Tara na! And don't worry Belle, wala sa isip ko yan" paninigurado ko na lang sa kanya. She nod at bumuntong hininga pero masama pa rin ang tingin kay De Lara. Hinatak ko na lang ang lalaki baka hindi pa sila tumigil na dalawa. "So may manliligaw ka pala? Hindi mo naman sinabi?" He asked nang natapos na sya kakatawa. "Sino naman?" "Oh? Bakit sinabi nong kaibigan mo magkakaroon pa lang?" "Abnormal yon" at tumawa na naman sya. Para naman tong baliw! "So wala?" May tuwa nya talagang tanong. "Wala" "Nice. So anong gusto mong flavor ng milk tea?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD