Nakamasid lang ako sa mga taong dumaraan at kumakain habang hinihintay si De Lara na mag order ng pagkain namin.
Gusto ko sana ako na ang mag order but he insist, hindi na lang ako nakipagtalo dahil alam ko hindi sya papatalo!
Sinabi ko na lang na isang rocky road flavor tapos beef ang burger ko without cheese para pumila na sya.
But watching people here, parang nakakapanibago. Before, hindi ako nakakapunta sa ganito, nakakaupo para bumili ng pagkain na may kasama! Bahay at skwela lang talaga ako.
Though gusto kong gumala minsan pero sino namang kasama ko? Wala din akong pera so better be, umuwi na lang at mag-aral!
But today, I am sitting this chair at may kasama! Parang natupad ang isa sa mga childhood dreams ko.
"10 minutes pa raw bago ma serve. Okay lang ba?" I nod at him habang nakamasid pa rin sa mga tao.
"Pwede kaya yon? Mag s-shift ako to comsci kahit ang strand ko before ABM?" Napalingon ako sa kanya dahil mukhang seryoso na ang kanyang sinabi.
I look at him, waiting for his joke pero walang dumating, nag-iisip lang sya ng sagot sa katanunangan nya.
"Bakit mo naisipang mag shift?"
"Mas gusto ko ang mga computer, masyadong chill ang BSBA, walang thrill" kibat-balikat nyang sabi pero I agree on what he said.
Para pa ring nasa senior high-school ang mga tinuturo, sobrang basic lang! Ang kalaban mo lang talaga ay quizzes at oral! Ang daming eh m-memorize! para syang science ang daming side dishes but all in all, nothing is interesting.
Lahat ng tinuturo mamin pwede namang matutunan through the process of having a business so pweding hindi na pag-aralan pero wala akong choice eh, dito lang libre. Tyaka na siguro yong pangarap kong maging accountant to lawyer kapag may pera na ako, hindi pa naman huli ang lahat.
"Pwede yan. Mag bridging ka na lang" tumango-tango sya.
"Ikaw,? Gusto mo talagang mag BSBA?" I immediately shook my head.
"Mas gusto ko accountancy, wala rito eh"
"How about the other school?"
"Ang laki ng tuition, may mga free naman pero walang allowance at dorm kaya sumugal na ako rito"
"I see. Tama ka naman...."
"Table number 2" tawag sa number namin agad namang tumayo si De Lara para kunin ang order namin.
I frowned when I realized that I talked to much but hindi naman siguro masama! He seriously asked so I answered seriously! Minsan lang kasi mag seryoso eh.
"Here's your milk tea kamahalan, rocky road yan at burger mo, beef yan, walang cheese" parang tanga nyang sabi.
"Salamat" he nod.
"Samahan mo rin ako sa dean mamaya ah?" Lukot ang mukha akong tumingin sa kanya he laugh.
"Ayoko"
"To naman, nabawasan ang allowance ko dahil ni libre kita parang sasamahan lang eh! Grabe naman"
"Nanunumbat ka na nyan?" Sarcastic kong sabi.
"Hindi naman at tyaka ang sungit mo! Pwede namang sumagot ng Oo Clyde, sasamahan kita mamaya pero saglit lang ah!"
I frowned at him while sipping at my milk tea dahil ngayon ko lang narinig ang first name nya. Tanging surname lang alam ko dahil yon palagi ang tawag sa kanya ng mga prof.
"Sarcastic talaga ano? Wala kang puso" pagtatampo nya.
"Paano ba dapat?" Pangsasakay ko na lang para naman hindi tahimik ang atmosphere naming dalawa.
"Dapat mahinahon at may lambing. Ganon!"
"Hindi ako marunong maglambing" walang pakundangan kong sabi. Natigilan naman ang isa, binaliwala ko na lang at binalatan ang burger ko para kainin.
Totoo naman kasi ang sinabi ko, hindi ako marunong maglambing dahil wala namang nagturo sa akin ng ganyan!
Ang tanging natutunan ko lang, kapag may kailangan ka sa tao dapat galit ka o di kaya dapat takot sila sayo para agad na sumunod sa mga sinasabi mo pero makiusap gamit ang malambing na boses? I don't know how to do that.
"Turuan kita!" Naniningning ang mata nya habang sinabi nya ang mga kataga na yan.
"Ayoko"
Mas gusto kong ganito ako dahil kapag ako lumambot, baka hindi ko kayanin ang lungkot at problema ng buhay ko. Mas mabuting ganito.
"Tuturuan pa rin kita may 4 years pa tayong practisin yan" determinado nyang sabi. Nginiwi-an ko lang sya.
"So ganito. Maganda naman sa pandinig ang boses mo pero ang talas ng mga salitang binibitawan mo, we should work with that. Tapos medyo intimidating ka dahil poker face ka lang maglalakad tapos walang pakialam-"
"Tsk. I won't change who am I" pigil ko sa kanya.
But I wanted to be like Ate Gracely, yong may humor, easy pagkatiwalaan, very warm! I want to be like her and nothing else.
"That's nice" bigla nyang kumento kaya napatitig ako sa kanya.
He look away at nagkunwaring hinahalo-halo ang milk tea nya. Para syang bata!
I don't know what with him but I am thankful na dinala nya ako sa ganito. Kapag si Belle kasi ang kasama ko, ang mamahal ng pinapasukang mga kainan which is hindi ko na imagine before na makakapasok ako.
But to him, dinala ako sa ganito na naiingit lang ako noon dahil nakakain sila ng mga ganitong pagkain na may kasama ngayon isa na ako sa nakaupo at kumakain.
Pagkatapos naming kumain agad kaming nagtungo sa dean para bukas doon na sya papasok sa comsci department.
"Sure kang dito ka lang? Sumama ka na sa loob" nag-aalala nyang sabi nang sinabi ko na maghihintay lang ako dito sa labas.
Wala kasing upu-an kaya ganyan sya. OA talaga kahit kailan.
"Hindi kita tatakasan kaya pumasok ka na" tamad kong sabi at sumandal sa dingding.
"Saglit lang to" aniya at pumasok na nang tuluyan.
While waiting, nag open lang ako ng f*******: at nakita na may iilang messages si Belle sa akin a minute ago kaya binasa ko na lang.
Belle:
Bakit ang saya mo kapag si De Lara kasama mo?...Nakita ko kayo nang dumaan kami sa food court! Nagtatampo ako.
Belle:
Super busy mo naman! Hindi man lang nag seen. Paalala ko lang sayo kaibigan, kay kuya ka lang ah?
Belle:
Labas tayo mamayang dinner, sasama ko si Kuya!
Napailing na lang ako sa kanya. Pinipilit nya talaga ako sa Kuya nyang mukhang hindi interesado sa mga babae dahil siguro sa course nya at kapatid, sobrang busy kaya wala mg time sa sarili tapos itong kapatid nya, pilit kaming mina-mach!
To Belle:
May oral tayo bukas. Hindi pwede.
I replied agad naman syang nag seen, mukhang nag-aabang sa replay ko.
From Belle:
Tapos si De Lara okay lang? Ang daldal mo pa kapag sya kasama ah! Favoritism ka!
Napailing na lang ako dahil napaka immature talaga nya! Kailan pa kaya to mag m-mature para naman hindi palaging nagagamit!
Bumukas ang pinto sa deans office kaya sinilid ko ang phone ko at tumingin kay De Lara na mukhang maganda ang narinig sa loob dahil ang aliwalas ng mukha.
"Pwede pa raw akong mag shift since kakasimula pa lang ng klase! Kailangan ko lang daw eh drop ang mga subject ko tapos punta ako sa dean ng comsci para mag enroll" masaya nyang sabi.
"Bilisan mo na lang! 30 from now, may klase na ako" Ani ko.
"Sasamahan mo ako?" Nalaglag ang balikat ko sa sinabi nya.
Sya nga tong nagsabi kanina na samahan ko sya kung makaasta ngayon parang tanga!
"Ayaw mo? Babalik na ako sa dorm"
"Joke lang! Tara na! Para may mag turo sa akin mag fill up ng form, sabi pa naman ni dean may form na f-fill upan! Hindi ko kaya yon!"
I just rolled my eyes dahil kung bobo sya, hindi sana sya makakapasok sa school nato! Pinagloloko talaga ako ng lalaking to.
"Tapos saan mo s-submit yan?" Nakahalukikip kong tanong habang nanonood sa kanyang binabasa ang form.
"Sa kanila rin tapos mag r-register ako sa portal ng comsci, then punta sa dean para manghingi ng hard copy sa schedule ko! Good luck sa akin"
I just nod at tahimik lang na hinihintay syang matapos! Ngayon lang naman to dahil mag s-shift na to, hindi ko na sya makikita kaya pagbigyan na.
Pagkatapos nyang mag fill up agad nyang pinasa sa registrar, tapos balik sa dean, naghanap pa kami ng piso wifi para maka log-in sya sa portal, tapos punta sa dean ng comsci.
"Last na lang to tapos hatid na kita sa room mo" Aniya bago pumasok sa office ng comsci.
I look at the time. May 15 minutes pa naman bago magsimula ng klase kaya okay lang hintayin ko sya. Ang pangit naman kapag bigla na lang akong mawala!
After 5 minutes lumabas na sya sa opisina at hinatid nya na ako sa classroom.
"Paano ba yan. Wala ka ng gwapong katabi?" He said nang malapit na kami sa classroom. I just roll my eyes.
"But don't worry! Promise ako una mong makikita pagkalabas mo!" Doon ko na sya nilingon. Tumaas baba ang kilay nya and he pat my head kaya inis ko yong winaksi.
"Hindi ako aso!" Inis kong sabi. He laugh.
"Magpatangkad ka kasi" he teasingly said kaya malakas ko syang hinampas pero parang wala lang sa kanya dahil tumawa lang.
"Ang pikon talaga" aniya. Nag dadabog na lang ako naglakad ng mabilis papasok sa classroom dahil rinig na rinig ko ang tawa nya.
Doon pa rin ako umupo sa likod dahil naka pwesto na ang apat sa harap pero ang pinakaiba ngayon, masama ang tingin ni Belle sa akin. Nginitian ko na lang dahil alam ko kung bakit sya ganyan makatingin sa akin.
Napatingin ako bigla sa pinto ng hindi malamang dahilan. Kumaway sa akin si De Lara at sumenyas na aalis na sya. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya dahil baka mahalata ng kaklase namin.
Pero agad na agaw ang atensyon ko nang tumayo si Belle at nagtungo sa akin habang nakabusangot at masama ang tingin sa akin. I look at the three na umiirap na nanonood.
kahit kailan, napaka plastic.
"Halos late ka na ah? Saan ba kayo nag date nong De Lara!?" Galit na sabi ni Belle.
"It's not a date" padabog syang umupo sa tabi ko.
Mag r-react sana ako na may nakaupo na dyan at ayaw umupo nong tokmol na yon sa ibang upu-an nang maalala na nag shift na pala yon! Napabuntong hininga na lang ako.
"It is! Wala ka pa kasing naging boyfriend kaya ganyan ang iniisip mo! Hello, kapag babae at lalaki lang ang nagsamang kumain at namasyal, date na yon! Yon, yon Airyn!" Mariin nyang sabi. I just nod.
"Okay" Ani ko kahit wala namang malisya ang pagkain namin kanina.
"Nakakainis ka naman eh! Kay kuya ka lang dapat eh! Bakit ba sumama ka doon kay De Lara! Obviously! Wala syang binatbat sa Kuya ko! My kuya is handsome, caring, loving, smart, responsible! We're rich too, he can provide you in fancy restaurants! Hindi yonh food court lang" Frustared nyang sabi.
"Hindi naman ako interesado sa ganyan Belle" mahinahon kong sabi. Mas priority ko ang education ko ngayon, ang daming kong sinakripisyo para lang makapag-aral ako.
"Don't tell me mas interesado ka doon kay De Lara!?...I see that he's handsome and hot but look his not smart, he's not taking everything seriously! His even poor! My god! Food court for a date?...What a taste Airyn"
Parang may pumitik sa utak ko nang narinig kung paano nya inilalarawan si De Lara. Nakaka-offend sa part ko at nakakahiya kay De Lara na sobrang genuine naman na tao kahit sakit sa ulo kada minuto pero hindi sya kagaya ng sinabi ni Belle!
Walang akong emosyon na tumingin kay Belle na galit ngayon.
"Look, my education is my priority. And if love strikes me, I don't care Belle if he's rich or poor. Kahit sa karenderya lang nya ako dalhin, I don't care! as long as he loves me truly, I'm okay with that, I'm contented"