Hindi na ako pinansin ni Belle simula ng araw na yon, kahit nasa dorm kami, hindi rin nya ako pinapansin, binaliwala ko na lang at nag-aral na lang ako.
Sanay naman akong hindi pinapansin ng mga taong malalapit sa akin kaya okay lang at wala naman akong dapat ikabahala kong bakit ganyan sya sa akin, wala naman akong ginawang masama.
At nakaka-offend ang sinabi nya kay De Lara na wala namang ginawang masama! Ni libre na nga ako nang tao kahit nabawasan ang allowance nya tapos ganon pa ang naririnig ko tungkol sa kanya.
At tuwing lunch at dinner naman, palagi kaming magkasama ni De Lara dahil pagkalabas ko nasa labas na sya naghihintay o di kaya nasa may hagdan nakipagdaldalan habang naghihintay.
Siguro yan rin ang isa sa mga dahilan kaya hanggang ngayon hindi ako pinapansin ni Belle but wala naman kaming ginawang masama at tyaka wala naman kaming relasyon ng Kuya nya para umakto syang galit sa akin na para bang nag cheat ako!
I see that, she wants me to be her Kuya's girlfriend, wala naman akong paki dahil hindi naman yan ang priority ko but the thing is, sana hindi nya diniscribe ng ganon si De Lara.
"Hanep ah? Nag baon ka talaga ng rice?" Namamanghang sabi ni De Lara nang nilagay ko ang Tupperware na puro kanin sa table namin.
Nasa isang karenderya kami ngayon, sabi kasi nya libre ang sabaw nila rito at ang sarap pa ng pagkain, wala naman akong magagawa dahil hindi ako lulubayan nito kapag hindi ako sumama.
"Para tipid! Ang mahal ng rice nila tapos kulang pa"
"Ibang klase talaga" he mumbled pero kumuha rin mg kanin sa tupperware.
Tahimik lang akong kumakain habang sya daldal ng daldal dahil ang dami raw nyang nadiskubre sa mga system-system ng computer, mga coding and so na hindi ko maintindihan!
"Tyaka! Tinuru-an rin kaming mag hack! Ang gara din! Kapag kailangan mo ng pera sabihin mo sa akin. Eh h-hack ko ang Bangko Central ng Pilipinas!"
"Joke ba yan?" Malamig ko lang sabi.
"Hindi! Seryoso yan! Kailan pa ako nag joke na tumawa ka!?" Nakangiwi nyang sabi. Napailing na lang ako.
"But anyway, napapansin ko ah...bakit hindi ka na sinasama nong Dela Vega at tatlo nyong kasa-kasama noon?" I shrug.
"Iwan at hindi rin naman ako sumasama dahil hindi ko trip ang mga trip nila" pagsisinungaling ko dahil ayoko namang sabihin sa kanya ng totoo.
"So trip mo ako dahil sumasama ka sa akin?" Hirit nya.
"Napipilitan" he scoffed.
"Wow! Buti nga sinasama ka ng ganito ka gwapo eh! Hindi mo ba alam na ang daming nagkandrapa sa akin na makasama ko sila tapos ikaw? Sinunsundo ka pa sa classroom mo at hinahatid tapos napipilitan ka lang?" Reklamo nya. I look at him and sip my soft drinks.
"Sila ang isama mo" he sigh at bumalik na lang sa pagkain.
"I remember...hindi ka pala marunong manlambing...so iisipin ko na lang na gusto mo na sila ang isama ko dahil nag seselos ka!" He said while eating. Napataas tuloy ang kilay ko.
"Excuse me?" Taas kilay kong sabi.
Me? jealous? Wala na sa vocabulary ko ang word na yan! Hindi na ako nagseselos! My mother trained me so well. Kung ang binibigay sa iba ang atensyon na binibigay nila sa akin, then so be it, I don't care.
"Bakit? Dadaan ka?" Inis kong dinuro sya ng tinidor kaya natawa ang ugok.
"Nga pala! Wala kang klase 2:30 -4:00 diba?" I nod.
"Bakit na naman?" Nakangiwi kong sabi.
"Nood ka ng practice namin sa basketball! Masaya yon"
"Ayoko"
Pero sa huli, nadala nya pa rin ako sa gymnasium ng school at pinaupo malapit sa gamit nya.
Hindi nya pa tanggap ang word na napilitan lang akong sumama sa kanya pero yan naman ang totoo! Palagi akong tumatanggi pero sapilitan naman akong sinasama!
I don't know how basketball works kaya nakahalukikip lang ako nanonood sa kanila, walang maintindihan, as long as ma shoot, okay na.
"Ganandong-ganado De Lara ah?" His coach said dahil sobrang energetic nya kasi at walang kahirap-hirap eh s-shoot ang bola tapos takbo na naman, shoot na naman, paulit-ulit at walang mintes.
Naghiyawan naman agad ang kasama nya, sya naman ngiting-ngiti habang nag d-driball.
"May nanonood kasi coach!"
"May insperasyon kasi!"
"Sana all na lang! Hindi napapagod! Next time coach magdadala rin kami ng babae para ganado kami!"
"Mag break muna tayo mga bugok! Pagod na pagod na ako! Hoy De Lara! Huwag masyadong pasikat! Bitawan mo na yang bola!" Reklamo ng isang kasamahan nila.
Tumawa ang kanilang coach at instead na mag break lang, tinapos na agad ang training dahil masunurin daw sila ngayon.
"Galing ko no?" Pagmamayabang ni De Lara sa akin. Ni lahad ko na lang ang towel sa kanya at tubig dahil pawis na pawis sya.
"Puta kap! Lumayas ka na rito ang landi mo?"
"Pinagsasabi mo dyan? Pulutin mo na yang mga bola!" Nagtawanan naman ang lahat. Kahit walang nakakatawa. Napailing na lang ako dahil sa ka abnormalan nila.
"Magbibihis lang muna ako tapos hatid na kita sa room mo" I nod.
Inakbayan agad nya ang dalawa nyang kasama papuntang locker area nila para magbihis.
"Ang ganda pala nya kap! Kaya pala hindi kana namin mahagilap"
"Nakaka-intimidate sya Pre, hindi mo alam kung paano eh a-aproach dahil tahimik lang tapos walang emosyon na nakatingin sa atin"
"Mabait yan, mahiyain lang talaga"
Rinig ko pang bulungan ng tatlo. Mga marites rin.
"You must be Rosario right?" The coach asked me.
"Ah...opo" naiilang kong sabi.
"Ngayon ka lang sumama rito ano?" I nod.
"Freshmen pa po kasi ako" natawa ang coach sa akin.
"Oo nga naman. Freshmen rin naman yong si De Lara pero kilala ko na yon since summer dahil nag t-training sila. Mabait ang batang yon"
"Makulit nga lang" dagdag ko. The coach laugh.
"Tama. Ang sasakit sa ulo pero mabait ang mga batang yon! Lalo na yong si De Lara! Lumapit talaga sa akin yon para makasali sa basketball para makuha ng scholarship at makapag-aral, sinabi ko sa kanya ang school na to dahil nakikita kong gusto nya talagang makapagtapos"
Doon na nakuha ang buong atensyon ko kay curious akong humarap kay coach.
"He said to me, na naawa na sya sa magulang nya. He wanted to stop at magtrabaho na lang dahil naawa na sya sa magulang nya, halos magkandakuba-kuba na sa pagt-trabaho para makaipon at makaaral sya but hindi pumayag"
"Kaya po sya lumapit sa inyo?" He nod.
"Oo, ayaw nya ring ma dissappoint ang parents nya kaya gumawa sya ng paraan para walang mawaldas na pera ang magulang nya sa pagkukulehiyo. I help him"
"Talaga po?"
"Oo, bilib rin ako sa batang yan, free na lahat rito pero tuwing weekends, nag p-part time yan para makaipon at ipapadala sa parents nya. Yong allowance nya ang kalahati non binigay sa parents nya....ang swerte mo sa kanya" nakangiting sabi ni coach. Proud na proud sa alaga nya.
"Gusto ko pa man makipagkwentuhan sayo pero may klase pa ako...huwag mo lang saktan ang alaga ko ah?" Bilin ni coach. I nod unconsciously.
He is like that? But how come?
So yan pala ang reason kaya hindi ko sya nakikita sa weekends rito! Akala ko umuuwi sya pero nagt-trabaho pala sya.
Akala ko kagaya sya ng iba na wala lang ang education. Palagi kasi syang daldal ng daldal sa classroom nong magkaklase pa kami! Hindi ko naman inakala na ganyan pala ang takbo ng buhay nya. Nagsusumikap pala sya.
"Tara na? Tyaka tahimik mo ah?" Puna nya sa akin pagkatapos nyang matbihis.
I blink.
"Tahimik naman talaga ako"
"Hindi rin. Bakit super tahimik mo ngayon? Okay ka lang?" I shook my head dahil natawa ako sa super tahimik nya.
"Yeah, iniisip ko lang yong mga inaral ko kagabi" pagsisinungaling ko.
"Nacks! Sipag talaga! Gusto mo ma first ano?"
I frowned nang nagiba bigla ang preception ko sa kanya, ayoko na syang barahin, ayoko na rin syang pagsalitaan ng sarcastic dahil kasi sa sinabi ng kanyang coach kanina, nagiba talaga bigla ang tingin ko sa kanya. Like what the hell?
Absent minded tuloy ako buong klase, wala masyadong pumapsok sa isip ko, tapos bigla kong na miss ang kadaldalan ni De Lara sa tabi ko! Tapos naghahanap na ako ng presence nya ngayon.
Ang dami ko ng what if! What if nandito sya sa klase ngayon? Sure akong kinukulit lang ako noon at mag self study na lang dahil mas detailed pa ang mababasa sa libro kaysa sa mga pinagsasabi ng guro.
Napahilot ako sa ulo ko dahil feeling ko nababaliw na ako kakaisip sa De Larang yon! Sure naman akong pupuntahan ako non rito mamaya!
Natapos na lang ang klase, si De Lara pa rin ang nasa utak ko! Kaya hindi muna ako lumabas ng classroom dahil sure akong makikita ko naman yong mokong na yon baka tuluyan na lang akong mabaliw.
"Sabi ko na nga ba! May hindi ka sinasabi sa akin! Masakit ba ulo mo? Nilagnat ka ba?" Napapikit ako ng mariin nang narinig ko ang boses nya at nilapat pa sa noo ang kamay nya.
"Okay lang ako, tinatamad lang akong maglakad" pigil ko sa kanya. Nalaglag ang panga nya sa sinabi ko.
I sigh at kinuha na lang ang notebook ko at tumayo! s**t this feeling! Hindi ko maintindihan ang sarili ko!
"Seryoso ka ba?" Mahina nyang sabi. I nod.
"Iwan ko sayo" ani ko dahil para syang nasa isang mental calculations dahil sa sinabi ko.
Iniwan ko sya doon ng malalim ang iniisip pero agad namang nakahabol nang nasa pinto na ako.
"Hanep ka ring ma bad trip no? Dahil lang sa tinatamad kang maglakad? Seryoso ka talaga?" Para syang tanga na niniwala naman!
Kung hindi lang talaga ako kwenentuhan ng coach nya sa buhay nya! Iniisip ko talagang walang kwenta ang taong to eh! But maybe this is his way to get my attention?
Namula ako sa naisip ko kaya agad akong tumikhim at humigpit ang hawak ko sa aking notebook.
"Pero sayang kung tinatamad ka ngayon! Doon sana tayo kakain kina Aling Aweing! Hanep pala ang barbecue nila doon!" Pagiiba nya ng topic.
"Ice ba ang gamit nilang pangbarbeque kaya naiiba doon?"
"A-ano?" Hindi makapaniwala nyang sabi. Napa face palm na lang ako. Shutangina nitong lalaking to!
"Wala! Magbibihis lang ako" nakangiwi kong sabi.
Sandali kaming natahimik pero agad na nabasag na bigla syang nag snap.
"Ah! Gets ko na!....grabe ibang klase ka mag-isip!...Masarap kasi ang barbecue doon dahil si Aling Aweing talaga ang nagtimpla! Ang sasarap kaya ng mga luto nya...hayst! Buhay! Buti na lang lab kita" nanunuya nyang sabi at bigla akong inakbayan.
I frowned nang bumilis ang t***k ng puso ko kaya agad kong winaksi ang kamay nya.
I sigh heavily.
"Pinapamukha mo talaga sa akin na ang liit ko ano?...Kung hindi ginawang aso, ginawa mo naman akong patungan ng kamay mo! Hindi mo ako teammate!" Singhal ko sa kanya. He laugh. I need to reward myself dahil magawa ko pang sabihin yon ng hindi mauutal!
Tulala tuloy ako habang nagbibihis dahil wala na talaga akong naiintindihan sa lahat! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, hindi ko na rin maintindihan kung bakit pinagagawa to ni De Lara sa akin!
Like anong nangyari? Bakit nagkaganito bigla? Bakit ganito na ang nararamdaman ko?...This is not right! Never pa akong nakaramdam ng ganito.
"Pupunta si Kuya rito" nagsalita bigla si Belle pero dahil wala ako sa isip ko. Hindi ko sya sinagot at wala sa sariling lumabas ako ng dorm.
What's happening? How all of the sudden, I experience change of hearts?...Just like, how?