Nasanay ako sa saya, sa gaan ng pakiramdam at pagmamahal na binigay sa akin ng kasamahan ko sa trabaho at ng amo ko kaya nang Friday na at sa Lunes may pasok na ako, nakakadurog ng puso at nakakaiyak.
Ayoko ng umalis rito, ayaw kong mawalay sa kanila dahil dito lang ako masaya, dito, may pamilya ako, nakaapagkwento, hindi ako outcast. Pumasok na nga sa isip ko na next year na lang ako papasok.
Pero sa tuwing magbabasa ako sa social media. Naaalala ko ang mga pangarap ko, na-aalala ko kung anong goal ko sa buhay.
I need to sacrifice my work here in order to achieve my dreams.
Ashly:
Sana may locker na doon sa school ko para maranasan ko na yong nakikita ko sa palabas at nababasa ko!
John:
Ako na lang gagawa nyan Ashly, kahit walang locker, gagawin kong parang pelikula ang love story narin.
Steven:
Yon oh! Tang-Inang pre!
Ashly:
Iwwww! Kung ikaw lang, magiging single na lang ako forever!
Patricia:
Huwag kayong maglandian sa GC! At huwag rin lumandi ang hindi pa enroll! Hahahhaa
John:
Enroll na ako Patricia! Baka nga mauna pa akong grumaduate sayo eh!
I sigh heavily at pinatay ang phone ko. Wala talagang kwenta ang GC namin kahit kailan! Napaka nonsense ng mga sinasabi nila! Buti na lang hindi ko na sila kaklase ngayon.
My phone beep again kaya tinignan ko pa rin ito kahit alam kong walang kwenta pa rin ang mababasa ko.
Belle Jessica Dela Vega request a message.
Ngumiwi ako at pinindot ko ang request message. My eyes widen nang nakita ko ang bagong GC.
Belle Jessica Dela Vega added you to CBA Warriors Planner
Sky:
Hi everyone
Belle Jassica
Hello rin Classmates!
Napangiti ako at agad na nag send ng like emoticon.
Belle Jessica:
Oh my! Hi Friend Airyn! Accept mo naman kami ni Kuya.
Napatakip ako ng bibig nang sa GC nya talaga menissage yon. Wala bang hiya tong babaeng to?
Sunod-sunod naman nag hi ang mga bagong kaklase ko at menintion pa ang pangalan ko kaya namula ang aking pisngi at binitawan ang phone ko.
"Nakakahiya" I mumbled pero tinignan ko pa rin ulit.
Belle Jessica:
Early kayo ngayong Monday huh? May flag raw, attendance is a must kaya a-attend tayo! See you all sa Monday! @airyn accept mo na ako, please.
Napapikit na lang ako ng mariin nang siningit na naman nya yang pag accept ko sa kanya sa f*******:.
I sigh heavily at wala ng magawa at pinindot ang confirm sa friend request nya at sa kanyang Kuya para tumahimik sya.
Agad naman nyang binalita yon sa GC naming mga first year kaya maraming nag haha sa message nya, Napa facepalm na lang ako.
"Airyn!" Malakas na sigaw ni Mama at narinig ko talaga ang malakas nyang pagsara sa pintuan at halos na sirain ang pinto ng kwarto ko.
Agad akong napabalikwas sa kama at binuksan ang pinto ko na sana hindi ko ginawa dahil nakatanggap ako ng mag-asawang sampal galing kay Mama.
"Ano na naman ang nagawa ko ma?" Malakas kong sigaw habang nakahawak sa pisngi ko.
"Anong ginawa mo? Hah?...Sinong nagsabi na mag-aaral ka? Sinong nagsabi na papayag ako mag-aral ka? Sinong nagsabi na magkokoleheyo ka!?" Nagagaliti nyang sigaw.
Nagtagis ang bagang ko at namuo ang luha sa aking mata.
"At sinong nagsabi rin sayo ma na susundin kita!" Malakas kong sigaw kaya nakatanggap na naman ako ng sampal. I look at her angrily.
"Wala kang respeto! Pinakain kita, binihisan! Binigyan ng masisilungan tapos sarili mo lang ang iniisip mo!... Imbes na makatulong rito! Inaaksaya mo pa ang oras mo sa pag-aaral na yan!"
"Bakit ba ayaw nyo akong pag-aralin Ma! Libre yon! Tuition, dorm, allowance, wa ka ng p-problemahin! Makakapagbigay pa rin ako sa inyo ng pera kung yan ang pinoprpblema nyo!"
"Walang kwenta yang pag-aaral na yan! Yang kapatid mo na lang ang pag-aralin mo!"
"Kapatid na naman! Puro na lang kapatid ko ganito ganyan! Paano naman ako? Naisip yon rin ba ako? Hah? Gusto mo talaga no na kung miserable ka, dapat mesirable rin ako!..."
Sasampalin na nya sana ako kaya agad akong umatras. I look my mother angrily!
"Sabihin mo nga sa akin ma! Bakit hindi nyo ako pag-aaralin huh? Mga kaklase ko nga pinag-aaral sila ng magulang nila kahit naghihirap tapos ikaw?...wala na ngang wawaldasin na pera, ayaw mo pa rin!" Malakas ko talagang sabi.
"Kasi walang kwenta yang pag-aaral na yan! Alam mo na nakapag-college ako pero ano ang nangyayari sa atin ngayon? Wala! Nganga! Kaya itigil mo yang kahibangan mo!"
"Mag-aaral ako!" Mariin ko talagang sabi. Mama look at me with rage.
Hinding-hindi nya ako matatakot, hinding-hindi nya maiiba ang desisyon ko, mag-aaral ako at papatunayan ko sa kanya na makakaahon ako sa hirap dahil sa pag-aaral ko!
"Tignan natin kung makakapag-aral ka pa!" Mariing sabi ni Mama at malakas na sinerado ang pinto ko.
I sigh heavily at pumikit ng mariin!
Paano nya nalaman na makapag-aral ako? Wala akong pinagsabihan! Maliban doon sa pinagt-trabaho-an ko!
I sigh again at nanghihinang umupo sa kama.
Blessing in disguise na rin siguro dahil sa Lunes aalis na ako rito at mag-aaral! Para naman aware sya kahit papaano kong saan ako papunta.
Kinabukasan, hindi ko na mabuksan ang kwarto ko, ilang ulit ko ng inikot ang doorknob pero wala!
"Ma! Ano na naman tong kalokohan mo!" Malakas kong sabi at paulit-ulit na pilit binubuksan ang pinto.
"Putangina!" Malakas kong sabi.
Mukhang ni look ang pinto ko. Binuksan ko ang bintana para sana hanapin si Mama pero asong gala, Manok at kapitbahay namin ang nakikita ko.
"Tangina talaga!"
Sumasakit ang ulo ko sa pinagagawa ni Mama! Hindi ko sya maintindihan! Wala na nga syang p-problemahin!
I open my phone at nakita ang dalawang GC na papalit-palit nakatanggap ng message tapos kay Belle. Pinindot ko ang kanyang pangalan.
Belle Jessica:
Hi my dear Airyn! Nandito na ako sa dorm natin! Nag-aayos kasama si Kuya! Kailan ka pupunta rito? Don't worry na sa mga lutu-an and utensils! Me na bahala, damit na lang at sabon mo!
Napangiti ako ng mapait dahil sa natanggap kong message.
Another name pop up. Si Ate, kasamahan ko sa trabaho.
Gracely Mendoza:
Pumunta Nanay mo rito iha. Hindi ka raw makakapasok dahil nagkasakit ka. Okay lang ba dyan? Uminom ka ng gamot
Sunod-sunod pumatak ang luha ko. Sa Lunes na sana ako luluwas para makapagtrabaho pa ng dalawang araw para makasama ko sila, makapagpaalam at magpasalamat pero mukhang hindi ko na magagawa.
Bakit ba kasi ako binigyan ng Panginoon na ganong Ina! Hindi naman ako kagaya ng iba dyan na umiinom, gala ng gala, boyfriend ng boyfriend at kung anu-ano pa pero bakit ganyan naman ang binigay sa akin.
To Gracely:
Ate, hindi na ako makakapasok, hindi na ako pinayagan ni Mama. May klase na rin ako sa Lunes.
Agad namang nag typing si Ate Gracely kaya humikbi na ako.
Gusto ko syang yakapin ng mahigpit at magpasalamat ng personal dahil sya ang dahilan kung bakit ang saya ko sa trabaho, na f-feel ko na may taong nandyan sa akin.
Gracely Mendoza:
Ganon ba?...Nakakalungkot naman pero! Para naman yan sa kinabukasan mo! Kaya supportado kita! Huwag mo kaming kalimutan! Dalawin mo rin kami! Ako na magsasabi kay Ma'am.
To Gracely Mendoza:
Oo Ate! Dadalawin talaga kita at hindi ko kayo kakalimutan! Maraming salanat sa lahat Ate! Makakaasa ka, magtatapos akong mag-aral.
Pinatay ko ang phone ko dahil hindi ko na kayang nakipag-chat kay Ate. Ang sakit sakit sa dibdib at puso!
Iyak ako ng iyak habang nag-iimapake ng gamit. Pupunta na ako sa dorm ngayon, ayaw ko na rito! Hindi ko na kaya.
Halos wala na akong tinira sa gamit ko dahil alam ko hindi na ako makakabalik rito kapag umalis ako rito!
Naghintay pa ako na buksan ni Mama ang pinto pero kahit pagbigyan man lang ako ng panghali-an wala kaya naghanda na ako para makalayas ako.
Kaya nang sumapit ng gabi, tinago ko sa ilalim ng kama ko ang bag nang narinig na dumating si Mama akala ko bubuksan nya ang pinto kaya nag try akong buksan pero wala.
Gutom na ako pero kaya ko pa namang magtiis.
Totok lang ako sa orasan ng phone ko at nakiramdam sa paligid kaya nang sumapit ang alas 12:00 patay na ang mga ilaw.
Pilit kong pinagkasya ang bag ko sa maliit kong bintana bago ako lumabas. Ininda ko pa ang balakang ko dahil tumama sa kahoy bago umalis ng bahay.
Nilakad ko lang ang terminal ng bus at doon na kumain ng cup noodles. I open my phone at sunod sunod agad ang message na natanggap ko mula kay Ate Gracely pero binura ko ito dahil baka pumunta pa ako sa kanila para yakapin sya.
To Belle Jessica Dela Vega:
Anong room number natin?
I message her.
Madaling araw na ako darating doon sa school. May malapit na fast food chain naman doon, doon na lang ako magpapalipas hanggang sumapit ang Alas 8:00 bago pamasok sa dorm.
My eyes widen nang nakatanggap pa rin ako ng replay galing kay Dela Vega. Hating gabi na kasi tapos nag r-replay pa sya!
From Belle Jessica:
Room 1071 tayo Airyn! Lilipat ka na bukas? Lilipat na rin ako! Yehey! Kanina sana pero ayaw ni Kuya dahil wala akong kasama pero nandyan ka na! Kaya makakalipat na rin ako bukas! Magpapaluto ako kay mommy bukas para sayo! Sabay tayo mag lunch!
I sigh. Kahit sa message ang daldal nya! Number lang naman ng dorm namin since sabi nya doormate daw kami pero ang daming sinasabi.
Bumili ako ng biscuits at tubig bago sunakay ng bus. Iniinda ko pa rin ang balakang ko! Bibili na lang ako ng salon pass pagkarating ko sa school.
Tulog ako buong byahe, nagigising lang ako kapag hihinto ang bus o di kakain ako. Medyo hilo rin ako nang nakarating ako sa school.
Gayan ng plano, pumasok muna ako sa fast food chain at kumain na lang din, may pera naman ako dahil nakapag-ipon ako dahil sa part time ko.
Tulala lang ako habang nagpalipas ng oras. Iniisip kung nong mangyayari sa akin ngayon, anong journey ang naghihintay sa akin.
But one thing for sure, gusto kong gayahin si Ate Gracely, yong ang positive ng vibes nya, yong bait nya, yong pagiging approachable nya, yong tipong magiging komportable sila sa akin.
Yon kasi ang natutunan ko sa kanya! Dahil sa kanya, unti-unti kong binubuksan ang puso ko, hinahayaan ko ang sarili kong maging masaya. I wanted to be like her.
Ayoko na maging ganito, ayoko ng na o-outcast ako. Gusto kong magsimula uli, gusto kong kalimutan ang nangyari noon pero babaunin ang impluwensya ni Ate Gracely sa akin.
Kapag naging successful ako, tutulungan ko talaga si Ate Gracely! Babalikan ko sina ma'am ay mga ka-trabaho ko dahil sila lang ang nagparamdam sa akin ng kasiyahan at pagmamahal.
Mahirap baguhin ang sarili but I will try so hard! Gusto kong baguhin ang sarili ko kagaya ng pagsisimula ko sa buhay ko ngayon.
"Hi! Good morning Airyn my friend!" Masayang bungad sa akin ni Belle pagkapasok ko sa dorm.
Babaliwa-lain ko na sana sya nang na-alala ko ang gagawin kong pagbabago.
I smile to her kaya nanlaki ang mata nya.
"Good morning, aga mong dumating dito ah?" Nakangiti kong sabi kaya lumipad ang kamay nya sa bibig.
"s**t Kuya! Nakikita mo ba ang nakikita ko? Did she just smile?" Gulantang nyang sabi at nilingon ang Kuya nyang nakahalukipkip na nanonood sa amin.
Tinangu-an ko sya at tumango rin sya kaya tumungo na ako sa kama ko at nilapag ang gamit ko pero agad na napatalon ng tumili si Belle.
"Oh my God! Kuya! Hindi na sya pokerface! Hindi sya heartless! Hindi na sya mysterious! Omo Kuya! She smile! She greet me! Oh my God Kuya! Kuya!"
"Shut up Belle...I hope makaya mo to" ani ng Kuya nya sa akin kaya natawa ako at mas lalong nag-ingay si Belle.