00004

1689 Words
Gulantang ako habang nakatingin sa mga dalang pagkain ni Belle! She's... unbelievable! "Ito, galing pa tong Australia! Pinaorder ko talaga kay Mama! Tapos itong letchon! Doon ko talaga sa Cebu pinabili si Manang para masarap! Tapos my crab pa! Oh my! Naawa nga ako dahil buhay pa nong niluto pero sure akong magugutuhan mo! At itong inihaw! Pinaluto ko talaga sa chef namin!-" "Just let her eat Belle, is for her to find out" pigil ng Kuya nya sa kanya kaya napahawak sya sa kanyang labi at gulat na napatingin sa akin. "Oh my God! My bad! Ito plato oh! Si Kuya kasi eh sinanay ako nag mag k-kwento muna ng pangalan ng food at saan galing bago kumain eh!" Nakanguso nyang sabi at tinulungan pa akong maglagay ng pagkain. "Ako pa sinisisi" mahinang sabi ni Atticus. Ang kukulit nilang magkapatid! Hindi ko alam kung papaano sila papatahimikin! May masasabi talaga eh! Lalo na kapag kalokohan! Daldal pa rin ng daldal si Belle habang kumakain kami, aalis na nga sana ang Kuya nya pero hindi nya pinayagan kaya kumain na lang! I must say mahal na mahal ni Atticus ang kapatid nya. Hindi naman siguro nya eh hahatid o di kaya kakakin rito kong hindi. "Pasyal tayo sa mga rooms ngayon specially sa Department natin, tapos doon sa library...teka my Canteen ba rito Kuya?" "Yeah" "Oh? Cool! Pasyal din tayo doon Airyn tyaka tayo pumunta sa may coffee shop sa harap! Libre kita!" Tumango na lang ako kahit nakakapagod yong mga sinasabi nya! Wala pa akong maayos na tulog, ang sakit pa rin ng balakang ko tapos may plano pa syang libutin ang buong campus. "Let her rest Belle, bukas nyo na kang gawin yan o mamaya. Pagpahingahin mo muna yong tao" Mahinahong sabi ng Kuya nya. "Oh?" Ngumuso sya at tumingin sa akin, I smile kaya tinangu-an nya ang kanyang Kuya. Bata pa talaga sya! Kaya siguro hindi maiwan-iwan ng Kuya nya dahil ang kulit at wala pang kamuwang-muwang sa mundo. "Okay! Pero Kuya! Huwag ka ng dumalaw rito mamaya o bukas ah? Magbasa-basa ka na lang doon ng mga crime!" "Yeah but don't turn off your phone...and Airyn please have patience on her" pagsusumamo ng Kuya nya. I nod. Tinulungan muna nya kaming magligpit ng mga pinagkaininan namin bago sya umalis. Inasikaso ko na rin ang mga gamit ko para wala na akong gagawin mamaya at tuloy-tuloy na ang pahinga ko. "Nga pala! Bukas kukuha tayo ng allowance sa Finance kaya dapat maaga gising natin! Sabi ni Kuya first come for serve raw!" Masaya nyang sabi habang nagbubuting-ting sa mga gadgets nya. Actually, complete na ang gamit namin rito, mula sa bedsheets, electric fan and my mini aircone na dala ni Airyn, dalawang study table, whole body na salamin, cabinet, may sarili rin kaming CR at may mga towels na, may lutuan na rin kami para sa kanin at ulam. I bet, si Belle lahat nag dala nito! Pati nga upu-an namin ay parang pang gaming! Hindi ko alam kung bakit pati ako dinalhan nya. "Balak ko ngang palitan ang bed natin pero hindi na pwede buti pinayagan ang cabinet tapos study table natin eh! Naku kung hindi iiyak talaga ako" nakanguso nyang sabi. Napakurap ako at natigil sa paglalagay ng damit ko. She smile. "Ang galing ko ano?" Proud nyang sabi. Napilitan tuloy akong ngumiti at tumango sa kanya. Sobrang yaman siguro ng babaeng to kaya ganyan sya, parang spoiled brat pero napaka down to earth naman nya, dito talaga sa walang bayad nag-aral! May mas magaganda namang college school dito sa Pilipinas. "Kuya mo dito rin nag-aaral?" Tanong ko na lang. She shook her head. "Hindi! Sa kabilang school! Yong law school sa east! Gusto kasi nya pahirapan ang buhay nya kaya yan ang kinuha" I nod. "Ikaw bakit rito ka?" "Gusto ko lang patunayan kay Kuya at kay mommy na matalino ako kaya dito ako pumasok! Ang standard dito eh tapos kilala ang mga studyante na matatalino kaya dito rin ako para matawag ring matalino" and then she laugh kaya napailing ako. Ang babaw naman ng dahilan nya but I am glad that I meet her dahil kung hindi, iwan ko na lang din kung saan na naman ako hahanap ng mga gamit ko rito. But I envy her a little kasi kahit ang yaman nila supportado pa rin sya ng Kuya at magulang nya habang ako, kailangan pang lumayas sa bahay at mapagbuhatan ng kamay bago makapag-aral. Nang nagpaalam sa akin si Belle dahil may bibilhin sa mall na gusto na sanay kasama ako but I decline dahil pagod ako. Doon ko lang naramdaman ang lungkot. Hinanap kaya ako ni Mama dahil nawala ako sa bahay? Nag-aalala ba sya kung saan ako ngayon? Nakakain ba ako? Nasa maayos ba akonv kalagayan? I look at my phone and click the messages at kung may pumasok ba na tawag pero wala. I sigh heavily. Mukhang hindi talaga ako mahalaga sa kanya pero sana dumating ang araw na magsisi sya sa kung paano nya ako eh trato at hindi man lang ako hinanap nang nag layas ako. I blocked all the people from my town. Kahit si Ate Gracely dahil ang sakit ng puso ko kapag nag c-chat kami, nakakamiss kasi sila pero kailangan kung tiisin, ginusto ko to eh, paninindigan ko. Kung hindi pa ako ginising ni Belle para maghapunan, baka kinabukasan pa ako gigising dahil ang sarap ng tulog ko. "Dinalhan kita ng korean foods! Naisip ko kasi na pagod ka tapos 3rd floor pa ang dorm! Baba ka pa para bumili ng ulam kaya binilhan kita! My milk tea rin and ofcourse cake!" Masaya nyang sabi. Nalaglag ang panga ko. "May ulam pa tayo, yong dinala mo kaninang umaga" gulantang kong sabi. "Ah-huh! But tinapon ko na eh dahil kanina pa yon kaya binilhan kita!" Napakamot na lang ako ng ulo sa kanya. Mga mayayaman nga naman! "Salamat pero sa susunod ako na bahala sa sarili ko" mahina kong sabi. "Oh no! What's mine is yours! Sobrang thankful talaga ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko dahil hinahayaan na ako ni Kuya! Hindi kagaya noon na palagi nya akong pinapagalitan dahil bad influence raw mga kaibigan ko" nakanguso nyang sabi. I nod at unti-unting kumain habang sya, humihigop ng milk tea nya. "Nasaan na ang mga kaibigan mo?" She sigh at pinaikot-ikot ang swivel chair. "They left me! Si Kuya kasi eh! Sabi nya test them, kung kaibigan raw talaga nila ako, they will accept my flaws then I did then they left" nakanguso nyang sabi. "Bakit? Ano bang ginawa mo?" "Hmm...Finals namin yon, pina-copya ko sila ng maling sagot, all of them are in the top 10 tapos biglang 0 sa exam kaya sinisi nila ako" nakanguso nyang sabi. I laugh. "And then?" Natatawa kong sabi. Ngumuso pa sya at pinagcross pa ang dalawang braso. "And then, I buy them fake bags pero ang sabi ko sa kanila I bought them from channel kaya nang may nakapagsabi sa kanila na fake bags yon, they spread rumors na feeling mayaman ako" Natawa na lang ako sa kanya. Immature pa nga ang batang to! Ilang taon ba talaga to? jusko! "Then they left?" Aliw kong tanong she shook her head. "Nope! Niyaya ko silang mag restaurant! Yong super mahal talaga then I said to them order as you want, tapos nang nakalahati na nila, I pretended na naaksidente si Kuya kaya I run! Nabalitaan ko na lang kinabukasan mag s-serve sila doon until bayad na sila sa kanilang nakain" Napailing na lang ako sa kalokohan nya. Grabe ang isang to! "Tapos they totally left me nang nalaman nilang nawala sila sa honors and I am the first kaya simula noon si Kuya na ang palagi kong kasama until you came" aniya at ngumiti sa akin. "Ang swerte mo sa Kuya mo" nakangiti kong sabi. Kahit iniwan na sya ng lahat, ginamit lang sya may Kuya pa rin syang matatakbuhan at hinding-hindi sya iiwan. Hindi kagaya ko na wala talaga kahit isa! Ni pamilya ko nga kontrabida sa buhay ko. "Naku! Sya ang ma swerte sa akin! May maganda syang kapatid!" Natawa na lang ako sa kanya! Napakakulit talaga! Someone like her? Na mayroong mabuting puso at innocente pa! Dapat protektahan, she doesn't deserve this cruel word kaya naintindihan ko na kung bakit ganon kunv mag protekta ang Kuya nya. Should I start questioning who really am I? Kasi mula pagkabata ko ang sama na ng mundo sa akin, hindi ako masaya nong childhood ko, palaging naiingit, nasasaktan at pinagsiksikan ang sarili. Nakaramdam lang ako ng kasiyahan nang nagtrabaho ako pero agad ko ring iniwan dahil sa pangarap ko. I wonder kung ano ba talaga ang nagawa ko para makaranas ng ganito! I don't think I deserve this dahil hindi naman ako masama eh! Hindi ko nga nirespeto ang Mama ko dahil rin sa pinagagawa nya sa akin. I distance myself on everyone and everything dahil takot ako kaya ganito ako ngayon. I sigh. "Ikaw? Bakit mag-isa ka lang dito? Where's your friends?" I shook my head. "I don't have any" Namilog ang mata nya at napatakip ng bibig. "Seryoso? Like kalaro nong elementary, bestfriend nong high-school? Wala? Or nag-away lang kayo?" Gulantang nyang sabi. I smile. "Wala talaga" she gasp. "Oh my God! Why?" Exaggerated nyang sabi! Parang nakadeskobre na hindi kapani-paniwala. "Cause I don't want too" simple kong sabi. "Weh? Or baka may boyfriend ka lang kaya wala kang friends?" Hindi talaga sya naniniwala kaya natawa na lang ako. "Wala, I don't do boyfriend, I don't have friends nor acquaintances" simple ko talagang sabi. Napatakip sya ng bibig, gulantang talaga sa nalaman nya. "Shoot! Nakaya mo yon? No beshy in school, totally loner, walang kausap, walang kasabay paglabas at kumain? Oh my!....but that's impossible! Bully ka ba noon?" Napatawa na lang ako. I shook my head kaya napakurap sya. "How come?...teka! Totoo ba yan? Kapag nagsisinungaling ka! Eh tatanong ko kay kuya kong anong kaso ang eh f-file ko sayo!" Banta nya talaga. "I'm saying the truth. Ngayon lang ako may kaibigan" nakangiti kong sabi. Namilog ang mata nya at nalaglag ang panga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD