7th Blood
Promise
“The problem with promises is that once you’ve made one,
it’s bound to be broken.It’s like an unspoken cosmic rule.”
KUNG may isang bagay man na kinamumuhian si Raven sa tanang buhay niya, iyon ay ang mga taong pilit na inaalam kung sino siya,
ano siya, at bakit siya ganoon. Hindi una at hindi magiging huli ang bampirang katabi niya sa kotse at ang dalawang babae sa likuran nila na lubhang nakakairita na sa sobrang ingay. May mga nauna sa kanila pero lahat ng mga iyon ay nagsawa rin at nilubayan siya. May ilang dinispatya niya, tinanggalan ng alaala kapag hindi na niya nakakaya pang tiisin ang pagkarita niya sa kanila.
At tiyak na kapag sinabi niya iyon sa tatlong ito’y lalo lamang mapapaigting ang kanilang paniniwala na isinarado nga niya ang kanyang emosyon. And maybe they were right. She had lived a long, suffering life. A life nobody would want to wish for. At siguro’y isa ngang conscious na desisyon ang pagtatanggal niya sa kanyang emosyon. All the pain… the guilt and the hope that would eventually wither away… it was hard for Raven to bear.
Narinig na niya iyon dati. Many many years ago. The art of switching off humanity. Naniniwala ang mga imortal na kapag isinarado nila ang kanilang emosyon, they are also turning off their humanity, enabling them to be remorseless calculating killers. Pero hindi alam ni Raven na ganoon pala iyon. The feeling of not feeling anything. Not until of course that fateful day when Kill brought her to the vampire banquet.
Noon siya muling nakaramdam ng tunay na emosyon. Awa sa mga babaeng iyon, galit at inis—tunay na galit at inis—kay Kill dahil sa mga ginagawa nito. That’s where it started. Unti-unti, hindi na niya nakakayang pigilin ang pag-alpas ng mga emosyon niya. When Tsuka and Quincy came around, she realized they bring out more of those from her. She felt happy when Tsuka asks funny questions, she felt worried that Quincy would get in trouble with the Colony everytime he speaks against them.
At ngayon, habang pinagmamasdan si Victoria sa rearview mirror, she feels the same worry. Same dull ache in her guts. Biglang-bigla’y parang hindi siya makahinga. Pakiramdam niya’y nata-trap na naman siya sa kadilimang iyon.
“S-stop the car. Stop the car!”
Litong bumaling sa kanya si Kill. Ayaw niyang makausap ito. Ayaw niyang makita ang nakakalunod nitong emosyon sa mga mata. Kaya’t nang huminto ang sasakyan sa gitna ng highway ay kaagad niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at nagtatakbo palayo roon.
“Courtney! Stop running! Holy hell, woman, nasa gitna tayo ng highway! If you don’t stop right there I’m gonna do something you’ll soon regret!”
Bumuhos ang galit sa kanyang puso. Higit pa nang maramdaman ang malamig na kamay ng binata sa kanyang braso na marahas siyang hinila sa tabi ng kalsada. Raven was forced to look at his face full of anger and confused hurt.
“Stop running away. Stop doing all this, stop this!”
“Well, why won’t you stop being an asshole first then I might think about it! No? Then let me go!”
“Ano bang problema mo?” bulyaw nito na tila hindi na nakapagtimpi sa kanya. “Ano bang nangyayari sa ‘yo?”
“Nothing really. Nothing very strange. I lost my mind there for a few moments when I agreed to go with you but all is good now. Kaya bitawan mo ako dahil uuwi na ako! Naalala ko kasing hindi ko nga pala kayang masikmurang panoorin ang mini teleserye n’yong lahat!”
Puwersahan niyang binawi ang kanyang braso at nagmadaling lumakad. Ngunit ilang hakbang pa lamang ay hinarang na siya ni Victoria. Namumula ang mga mata nito na marahil ay umiyak sa loob ng kotse noong umalis siya. Nakaramdam siya ng bahagyang pagpiga sa kanyang dibdib. She couldn’t decipher what happened there but it inspired her more to ran farther away from them.
“C-Courtney… Ako na ang humihingi ng pasensya sa anumang inasal ni Kill na nagpagalit sa ‘yo. Surely, you must think that this is very hard for us! You walking away when we have you this close… Please naman, Courtney, Kill is a nice person. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang ikabubuti mo. Give him a chance, get to know him. He badly needs that chance, Courtney.”
“And you also need to give yourself a chance para ipaglaban kung anumang katangahan ‘yang nararamdaman mo para sa bampirang ‘yon, Victoria.” In short, hindi na uso ang martyr sa panahong ito! Ngitngit ni Raven sa isipan.
Malungkot ang ngiting iginawad sa kanya ni Victoria. Ang mga mata nito’y nakakaunawa, na tila ba nabatid nito ang puno’t dulo ng lahat.
Victoria reminded her of a bruised ball na paulit-ulit hinahagis ng isang batang hindi iniingatan o pinupunasan ang kanyang laruan. But the ball, no matter how dirty and how bruised it is, continues to bounce and bounce because it couldn’t help it.
“Ikaw na rin ang nagsabing katangahan,” nakangiting anas nito ngunit may kalakip na sakit ang tinig. “Courtney, hindi ipinaglalaban ang katangahan.”
“Tanga ka na nga ‘di ba? Sa tingin ko naman wala ka nang itatanga pa kung susubukan mong ipaglaban ‘yan. Malay mo naman, this time, swertehin ka.”
“God, you don’t know a lot about love, Courtney. Hindi swertehan ang pagmamahal! It’s a gamble. It’s a risk. I’ve tried. I’ve lost. Ano pang ipaglalaban ko? I can clearly see in every angle na ikaw ang nagmamay-ari ng puso niya. Kagaya mo hindi ko rin maunawaan kung paano but that’s the whole point of it! You don’t understand love, you can’t understand love!”
All this talk about love is making Raven nauseous. Pakiramdam niya’y bigla na lang siyang masusuka sa daan. Umiikot ang mundo niya at hindi niya malaman kung paano pipigilan iyon. Even her sweat is sticky and cold.
“Look…” huminga siya ng malalim, pumikit ng mariin at saka kinalma ang sarili. Nang magmulat siya’y naroon pa rin si Victoria at hinihintay siya. “Let’s make a deal, Victoria. Kung gusto mo talaga akong tulungan then do this. Ibaling mo ang atensyon ni Kill sa ‘yo. Seduce him, I don’t care what you do. Ang gusto ko lang ay matahimik ang buhay ko. This thing… I will admit now that I can’t do this!”
Nanubig ang mga mata ni Victoria. Igigiit niya pa sanang muli ang ipinapakiusap ngunit nasa likuran na niya si Kill at hinahatak siya paharap. Nakatingin ito ng matalim kay Victoria, ang mga mata’y nanlilisik at tila ibig kumitil.
“Get in the car, Vic, I can handle this,” Kill said through gritted teeth.
Nakita ni Raven na namutla si Victoria at nagpunas ng luha saka umiling-iling. “K-kaya ko siyang kausapin, Kill. Ako na lang ang kakausap kay Courtney.”
“Go away, Vic. I said I can handle this.”
Bago umalis ay tumingin sa kanya ang babae na parang nagmamakaawa. And then Victoria said in a broken voice: “There’s nothing between me and Kill in the past that should hinder you and him today, Courtney. Please see that…”
“Thing is, it’s not in the past because I can see clearly that it’s never in the past, Victoria.”
“It is. I buried that lonely hatchet, Courtney. Eight years ago, I did. Eight years ago, itinapon ko na lahat ‘yon. There is no part of what I feel for Kill that should hinder what is going on now. Gusto kitang maging kaibigan. Gusto kitang maintindihan, gusto kong matupad ang ipinangako ko kay Kill na tutulungan ko sila ni Chiri na ibalik ang mga emosyong kinalimutan mo na. Gusto kong maging kaibigan mo, gusto kong maging malapit sa ‘yo. Gusto kong maging tama lahat ng nararamdaman kong mali para sa isang taong nagmamahal ng ibang babae na hindi siya kayang mahalin pabalik. Alam ko kung ano’ng pakiramdam no’n at ayokong patuloy na maramdaman ‘yon ni Kill!”
“Vic, I said get back to the car!”
Marahas nitong pinunasan ang luha. She shot Raven a last look of pleading before walking back to the car na nakaparada sa ‘di kalayuan. Napabuntong hininga siya. “All this for a stupid promise.”
“Hindi mo alam ang buong kwento, Courtney. ‘Wag mo akong husgahan base sa isang bagay na hindi mo nalalaman!”
Hindi nakasagot doon si Raven. She conceded to his point. She may be mean but she doesn’t like judging people.
Naihilamos ni Kill ng dalawang kamay ang mukha. Matagal itong nanahimik at nakatungo lang. Muli’y naramdaman na naman ni Raven ang kakatwang pagtibok ng kanyang puso. There it goes again. At lalong umikot ang kanyang mundo nang balingan siyang muli nito, his eyes the same as Victoria’s earlier.
“Kagaya mo hindi ko rin alam kung bakit ganito ako. But I understand what this is, Courtney. Hindi tulad mo na hindi kayang maunawaan ang ganitong klaseng damdamin. And that’s the only thing I want to do, angel. I want this to be fair to the both of us. Gusto kong ibalik lahat ng kinalimutan mo para malaman ko kung talagang hindi ka para sa akin at hindi ako para sa ‘yo. At kapag hindi pa rin tayo pareho ng nararamdaman pagkatapos kong maibalik sa ‘yo ang emosyon mo, titigil ako. Titigilan na kita. Pangako ‘yan…”
Raven licked her dried lips. Kung ilang beses siyang lumunok. Sa likuran ng kanyang isipan ay kumakatok ang mga alaalang inimbak niya sa isang kompartimento roon. They wanted to be set free. They wanted to try. They wanted to say yes to Kill.
Ngunit ngayon ay alam na niya kung ano’ng emosyon ang kanina pang bumabagabag sa kanya. Ang dahilan kung bakit bigla ay umalis siya sa sasakyang iyon. It was fear. She remembered now it was fear.
However, she didn’t know what it is that made her agree with Kill.
“THIS.”
“No, this!”
“I like this better!”
Napabuntong hininga na lang si Raven. Ngayon palang ay gusto na niyang bugbugin ang sarili niya sa pagpapauto kay Kill. Ni hindi niya inunang isipin na maiipit siya sa dalawang baliw na babaeng mga isip-bata at sa isang p*****t na bampirang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.
“I said I like this!” malakas ang tinig na giit ni Victoria habang nakataas ang isang dress na naka-hanger pa.
“But, Vic, that one is too… exposed.”
“And that one is too… baduy!”
“What? How dare you?” nakasimangot na ani Chiri.
Laglag ang balikat na nagpakawala si Victoria ng hininga saka tumingin sa direksyon kung saan nakatayo sila ni Kill. Mukha itong humihingi ng saklolo. “I think both will fit with you, Courtney. Pero kasi… hindi ko alam kung okay lang sa ‘yo ang hawak ni Chiri o itong hawak ko. I mean, okay naman ‘tong hawak ko eh, okay rin ‘yong kay Chiri in some events.”
“Maganda itong akin, noh!” Chiri insisted na mukhang ayaw patalo.
“Oo na, oo na. Pero maganda rin itong akin.”
Raven rolled her eyes upwards. “Itigil n’yo na ‘yan. Kung gusto n’yong bumili ng damit, bumili kayo para sa sarili n’yo. ‘Wag n’yo akong idinadamay d’yan.”
Parehong nanghaba ang nguso ng dalawa at sabay rin silang sumigaw. “Eh gusto ka nga naming ipag-shopping ng dress!”
Oh sue me, I’m going to kill my damned self.
Natawa si Kill. Noon bumaling si Chiri sa pinsan nito at saka muling itinaas ang hawak na damit. “What do ya’ think, couz? Ano’ng mas okay kay Cooey?”
Tumingin si Kill sa kanya. Sinimulan siya nitong hagurin ng tingin mula ulo pababa hanggang sa kadulo-duluhan ng kanyang kuko pagkatapos ay bumalik ulit pataas sa mukha. Ngumisi ito saka siya nilagpasan. Noon naalarma si Raven. Ano na naman bang iniisip ng tukmol na iyon?
He ran his hands through the dresses na naka-hanger sa stand. He picked one then placed it in front of her as if estimating how good it looks like kung isusuot niya iyon. “Go fit this.”
Umarko ang kilay niya. “Fit it?”
“Yeah, fit it. Hindi ba uso sa ‘yo ang fitting room?”
“Oh fitting room! I didn’t realize it’s where I’m gonna go to fit this thing,” she intoned sarcastically. “But the question is, why am I going to fit this dress?”
“Because your fiancѐ said so. Now go ahead, angel. We will be waiting.” He smiled and peck her cheek with a kiss na nagpaawang sa labi niya.
Did he just kissed me in front of these people?
The nerve of that damn man is just too impossible!
Raven was seething with indignation nang pumasok siya sa fitting room. Nakaupo lang si Kill sa couch na nakalagay sa sulok at kaharap ng pintuan ng fitting room kaya kung sakaling lalabas siya, kitang-kita kaagad ng binata ang magiging suot niya.
Isinarado niya ang pintuan at nagpalit ng suot na damit. May malaking salamin sa kanyang harapan at kitang-kita niya kung paano yakapin ng itim na tube top ang kanyang katawan. Ramdam din niya ang kinis at lambot ng tela sa kanyang hita. May slit iyon sa sa kaliwa at mas babagay kung teternuhan ng high heeled shoes.
She must admit. Kill has taste.
Lumabas si Raven buhat sa fitting room. Nadatnan niya kaagad ang binata na nakadekwatro sa couch. His eyes flickered in amusement nang makita siya nito.
“Wow!” manghang bulalas Chiri.
“Ang ganda!” panegunda naman ni Victoria.
Ngumiti si Kill at tumayo saka lumapit sa kanya. “You’re gorgeous.”
Ngunit nawala ang ngiting iyon nang may sumipol na lalaki na dumaan sa likuran nila. Napalingon si Kill. Maski siya’y nagpalinga-linga na rin sa pagtataka. Halos lahat ng kalalakihan sa shop na iyon ay nakatingin sa kanya—pasimple man o lantaran, lahat ng mga iyon ay nakatuon sa mahaba at maputi niyang hita na inie-expose ng slit ng damit na suot niya.
Nang mapagtanto iyon ay may galit sa mukha si Kill nang bumaling sa kanya at itulak-tulak siya papasok sa fitting room. “Take that off, wear your original dress, we’re going.”
“Huh?”
“Now, Courtney, now!”
Kunot-noo siyang tumalikod at bumalik sa fitting room. Pambihira, pinaglalaruan niya ba ako? Mukha kaming tanga eh, paghihimutok niya sa isip.
Gayunman ay nagpalit siya. At nang lumabas ay dala-dala na niya ang dress na isinukat saka siya nagtanong. “Bibilhin ko ba ito?” Mukha naman kasing bagay sa kanya at maganda iyong suotin kapag may okasyon.
“Hell no!” sigaw ni Kill sa kanya na ikinapamilog ng kanyang mga mata sa gulat. “Tandaan mo ‘to, walang makakakita sa ‘yo na gano’n ang suot, mapa-babae o mapa-lalaki. Ako lang. Magsusuot ka lang ng gano’n sa harapan ko at hindi sa harapan ng iba. If you ever wear that freakin’ dress—”
“You made me wear that, you idiot buffoon!” protesta niya.
“Kahit na! Hindi ka dapat magsusuot ng gano’n, naiintindihan mo? The excemption can only be mine and mine alone! You understand?”
“Whatever, Schneider. I think you’re an idiot.”
Naglakad sila palabas ng store na iyon na naguguluhan pa rin sa biglang inasal ni Kill. Para itong batang takot maagawan ng laruan. Nakita niya pa ang kamao nito na kumuyom at parang gustong manuntok ng lahat ng makikita nitong lalaki na tinitignan siya kanina.
What was that? Batang takot maagawan? So would that mean…
Napahinto si Raven sa reyalisasyong iyon. That’s it, isn’t it? “Nagselos ka?”
“Hala, Cooey, na-decipher mo? Bravo!” may pagkasarkastikong singit ni Chiri na ikinataas ng kanyang kilay. She was half-joking!
“Seryoso? Iyon nga ‘yon?”
Pinaningkitan siya ng mata ni Kill. “How do you know that? Have you ever been jealous?”
“No.”
“So how?”
“Well… naalala ko kasi kanina sa ‘yo kung ano’ng itsura ng isang batang takot maagawan ng laruan. So I did some analogy. Hindi naman ako tanga, noh. Therefore, I conclude…” ngumisi si Raven. And she genuinely felt amused sa nangyari. “You’re quite a possessive vampire, aren’t you?”
“Possessive vampire my ass!” inis nitong bulong sa sarili na narinig nila saka aburidong nilampasan sila. In another life, Raven would have laughed.
And that to her is saying something.