bc

Black Blood Academy: Kill Schneider

book_age16+
200
FOLLOW
1K
READ
dark
mate
tragedy
bxg
mystery
mythology
magical world
superpower
supernatural
like
intro-logo
Blurb

"There's no other woman I want to be with but just Courtney. I love her even after it hurts, even if it always hurts."

Courtney Raven Weinlord met Kill Schneider in a rather unpleasant way one evening in the Academy. Sa unang pagkikita pa lamang ay hindi na maganda ang impresyon niya sa bampira. He was arrogant, selfish and a bit weird. Inis siya kay Kill dahil para bang kahit saan siya magpunta ay nakasunod ito at pilit na pinanghihimasukan ang tahimik at payapa niyang buhay. And she began seeking ways to eradicate the idiot vampire from her life.

Kill Schneider fell in love only once in his entire existence. Sa kamalasan niya'y doon pa sa babaeng walang katiting na emosyon sa katawan. But he had loved her for eight years and he had waited his entire life for someone like Courtney kaya't bakit ngayon pa siya susuko? Abot-kamay niya na ang kanyang anghel. And he's determined to get her.

His angel. His life. The one who saved his soul from destruction...

Sabi nila, hindi raw pula ang kulay ng dugo ng mga nilalang na ekstra-ordinaryo. Itim. Itim daw ang dugo nila at hindi pula. This school has been the refuge of every mankind, both carrying a red blood and a 'black blood'.

Sabi nila kapag nakakita ka ng itim na dugo, tumakbo ka na. Pero sa paaralang ito, makakatakbo ka kaya palayo sa kanila?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“So no matter how long it may be, I will be waiting.  One star, brighter than the others… Two hearts beating for each other… You will see wishes really come true.  You can't stop believing wishes do come true.  You gotta believe me wishes do come true…” PROLOGUE “Death was a living creature.  Death was once a man tormented by his past. Death was once a human.” “AZRIEL…”                   Kumurap-kurap siya. Kadiliman. Walang ibang tanawing naaarok ang kanyang mga mata kung hindi ang kadiliman, bagay na hindi naman bago sa kanya. Mayamaya’y isa pang kurap. Naaaninag niya ang isang magandang mukha na nakatunghay sa kanya at nakangiti.             “I hope she grows up to be a good girl. I wish that her every kisses with a prayer will make any demon go away. But I also wish that her kiss will find the one destined to protect her, to hold and secure her for life… and death.”             Isa pang kurap. Nawala ang mukha. Napalitan iyon ng isang santelmong nagliliwanag sa kadiliman. Noon siya napasinghap. Inikutan siya niyon, tila naglalaro. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan nang dahil sa takot at kaba.             “A-ano ka? S-sino ka?” nahihintatakutan niyang tanong, idinadalangin na sana’y panaginip lamang ang lahat ng ito.             “Azriel… Azriel…”             May tinig ang santelmo. Nagsasalita ang santelmo. Nanlamig siya dahil sa narinig. Ibig niyang kumaripas ng takbo ngunit hindi niya nakikita ang daanan.             “A-Azriel? Sino si Azriel? Hindi ako si Azriel…”             “You… are Azriel…” malalim ang baritonong tinig ng santelmo. Nakakapanghilakbot. Nakakapanlamig.             Kusang umiling ang kanyang ulo. “Hindi. Ang pangalan ko ay Courtney Keera at hindi Azriel.”             “You are him…” May mga bagay siyang hindi maipaliwanag at maunawaan. Natatakot siya ngunit tila ba ibig pa niyang makausap ng mas matagal ang santelmo. Na parang alam niya ang kailangan nito. Na parang handa siyang tanggapin ang kung anumang ibibigay nito sa kanya.             Ngunit ni sa hinagap, kahit isang segundo lamang nang sandaling iyon, hindi niya inisip na iyon ang magbabago ng kanyang buhay. Na iyon ang magiging hudyat sa isang bilog na walang hangganan.             Sa isang buhay na walang kamatayan.             Sa simula na walang katapusan…             Narinig niya ang pagtawa ng santelmo. Nanginig siya sa pagkagilalas at sa umigting na takot.             “I have found you now… my vessel.”             Kumawala ang impit na tili mula sa kanya nang lalong lumiwanag ang santelmo. Pakiramdam niya’y luluwa ang kanyang mga mata sa sobrang liwanag niyon.  Ngunit mayamaya’y paunti-unti iyong nawawala. Naglalaho hanggang sa paunti-unting maging kislap na lamang iyon sa malayo.             Hanggang sa paunti-unti ay magising siya…             “Oh, finally! Nagising ka rin. Care to explain now?”             Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig na iyon. At kasabay ng kanyang paggalaw ay ang pagsakit ng kanyang ulo. Kumunot ang noo niya habang hinihintay na maging malinaw ang imahe ng taong nakatunghay sa kanya.             At halos mahimatay siyang muli nang mapagkilanlan ang pamilyar na mukhang iyon.             “H-holy s**t! You… you should be freaking dead by now! What the hell are you still doing here?”             H’wag mong sabihing nagmumulto ‘to? Pambihira, nakakakita na rin ako ng multo?             Subalit sa kanyang pagkainis ay hindi sumagot ito. Sa halip ay pumorma pa ang nanunuyang ngisi sa labi ng lalaki at tumambad sa kanya ang matatalim, mahahaba at mapuputi nitong pangil.             Bampira. Napakunot siya ng noo. Iisa lamang ang kilala niyang bampira na nabubuhay dito sa mundo na maaaring nagmamay-ari ng mukhang iyon. Napamura siya sa isip.             Oh hell! Si Kill Schneider!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.6K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.1K
bc

SILENCE

read
381.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook