Poison Kiss

3186 Words
   1st Blood Poison Kiss “False tears are capable of hurting other people. False smiles are capable of hurting one’s self.” THIS  is  the   time  of  the  month   when   Raven   practically  hate everything  Academy  wise.  Ngayon   kasi   ang  araw  na  nakatakda siyang rumonda sa napakaingay na mga pasilyo ng eskwelahang ito, bagay na ayaw na ayaw niyang ginagawa dahil ang ibig sabihin lamang niyon ay magugulo ang tahimik niyang mundo sa loob ng kanyang Black Room.             “Good morning, Raven! Nice to see you going around!”             “Good morning, Miss Raven!”             “Magandang umaga, Miss!”             Sinuklian niya ng ngiti ang mga sunod-sunod na pagbating iyon ng mga estudyante na hilerang nakatambay sa hallway ng Black Room at Library. Iyon lang kasi ang tanging lugar sa hallway na tahimik at walang mga delinkwenteng black bloods ang nanggugulo. Palibhasa’y malapit lamang kasi sa Black Room na nagsisilbing quarters at opisina niya kaya’t isang sumbong lamang o kakarampot na ingay ay matatapos ding kaagad.             Kabaliktaran naman iyon sa kabilang dako: ang tinatawag nilang Black Hallway. Doon namamalagi lahat ng pasaway na estudyante ng Academy. Lahat sila’y pawang mga black bloods, mga imortal at talents na minsa’y pumapasok lamang ng Academy para magbalatkayo at minsan naman ay talagang kailangan o gusto na rin.             At dahil nga may taglay ang mga itong kakatwa at kamangha-manghang mga abilidad na nakahihigit sa isang normal ng tao, may lakas na loob ang mga itong manggulo at magrebelde. Kung kaya nga kapag toka na niya sa pagronda’y ito ang lugar na ayaw na ayaw niyang pinupuntahan.             “Second burn, fix your clothes,” wika niya sa isang babaeng black blood na nakikipaghalikan sa kapwa babae. Raven shuddered at the image.             “What the hell? You again, Raven!” matinis na pahabol na sigaw ng babaeng nilagpasan niya lamang.             Inis siyang napabuga ng hininga.             Raven. Courtney Weinlord ang tunay niyang pangalan. Karamihan sa mga black blood ay nasanay siyang tawaging Raven dahil ayon sa mga ito’y tuso, mapanlinlang, at bayolente raw siya na gaya ng isang uwak.             Anak siya ng Presidente at ng may-ari ng Black Blood Academy. Siya ang tumatayong pinuno ng mga Knight Templars at Tempresses na nagsisilbing student body ng eskwelahan at trabahong panatilihing maayos at tahimik ang Academy lalong lalo na ang mga estudyante sa Black Building. Dahil nga parehong mag-aaral ng Black Blood Academy ang mga mortal at imortal, pinananatili nilang may dibisyon sa dalawang gusali at sinisigurado nilang hindi mabubunyag ang sekreto ng eskwelahan.             Well… it’s quite fun in here when days are good.             Ikinasang muli ni Raven ang puting baril na hawak niya na nakakabit sa kanyang balikat pababa sa kanyang palapulsuhan gamit ang manipis na kadena. Parte na ng kanyang buhay ang baril na iyon. It shoots three different colors of stamps na maaari niyang piliin sa pamamagitan ng pag-ikot ng cylinder base sa lebel ng paglabag ng isang estudyante sa rules and regulation ng Academy.             First burn shoots yellow, second burn shoots red, third burn shoots blue. Ngunit kapag kinakailangan, may tunay na bala ring nakapaloob sa baril na iyon. There were silver bullets and ordinary bullets as well at kailangan lamang niyang ikasa ng ikasa ang baril upang matunton ng magasin ang balang nais niyang iputok.             Isa o dalawa sa isang buwan lang niya ginagawa ang pag-iikot sa gusali ng mga black bloods dahil kadalasan, ang mga Knight Templars na black blood din ang nagra-rounds sa hallway na ito. Ayaw na ayaw niya kasing lumalabas sa Black Room niya lalo na’t kung hindi rin lang oras ng klase. Nakapwesto ang silid na iyon sa pagitan ng hallway na nagdudugtong sa dalawang gusali. Soundproof iyon, tahimik at hindi tinatangkang pasukin ng kahit na sino, mapa-estudyante o mapa-guro.             Nakangiwing itinutok niya ang baril sa isang lalaking nakatalikod sa kanya. Nakikipaghalikan ito sa babaeng naka-uniporme ng red blood at nakasandal sa pader.             “Second burn, both of you,” kaswal niyang anunsyo bago anyong aalis na at magtutuloy sa ginagawa.             But Raven guessed this just isn’t her lucky day.             “Oh no, you don’t!” angil ng lalaki sabay hinila siya sa braso pabalik. Kunot na kunot ang noo nito. “Ano’ng second burn? Gusto mong i-second burn ko ‘yang nerd glasses mo?”             Tinignan niya ang lalaki mula ibaba pataas and that seemed to make him more angry. Napansin niyang wala rin itong ID. Napapalatak siya. What a hard-headed bastard.             “Making fun of my glasses is not going to save you from the penalty, Your pretty-face Highness. Hindi ko kasalanang hindi ka marunong tumingin ng difference sa kwarto at ng public place para sa making out.”             Uso na talaga ‘yang MOMOL na ‘yan. Make Out Make Out Lang.             “Do you not know me?” angil nito na inirapan niya lang.             “Wala kang ID.”             Nanlaki ang mga mata nito at lalong namula ang mukha sa galit. “You’re insane! Who are you?”             Tahimik at kalmado niyang itinaas ang ID na balewala lang naman nitong tinampal palayo. Buti na lang at nakakwintas iyon sa kanya’t hindi nalaglag. Ngunit bahagya siyang nagulat nang mapagtantong Alpha werewolf ang kanyang kaharap. Nag-aagaw ang kulay ng mga mata nito mula sa mapusyaw at makulimlim na berde.             “T-teka lang, Raphael, huminahon ka,” awat ng babaeng nasa likuran ng lobo.             Raven gripped her gun at itinutok sa noo nito saka kinalabit ang gatilyo. Dumikit sa noo nito ang kulay asul na stamp. “Third burn. Snarling against your Tempress is very very bad, Alpha.”             Nalukot ang mukha nito sa umigting na galit. “I swear you’ll pay for this, Raven!”             Ngumisi siya bago naglakad palayo. Sa malas niya’y nakasalubong niya sa pasilyo ang apat pang ka-grupo ng taong-lobong iyon kabuntot ang mga alalay nila. Pabuntong hininga niyang binigyan ng dilaw na stamp ang isa sa mga iyon.             “First burn, wear your ID.”             Sa inis niya’y tumawa lamang ito. “Aba at lumabas ka sa lungga mo, ah. Walang problema, Ma’am! See you next month!”                Inirapan niya ang lalaki. Nang makausad sa paglalakad ay narinig niya ang tilian at bulungan ng mga kababaihan sa pasilyo. Pakiramdam niya’y nangasim bigla ang kanyang mukha.             Kilala niya kahit papaano ang limang iyon. Paanong hindi eh popular ang mga ito sa Academy. Every piece of bimbos and jealous males talks about them. Apat na Alpha werewolves at isang bampira: Kill Schneider, Rain Jensens, Seige Gray, Raphael Strides at Spade Arden. They were dubbed as the Black Beasts. Where it came from, hindi alam ni Raven. Hindi naman kasi siya interesado sa mga iyon.             She’s probably more interested in finding a way to speed up her rounds  today  dahil  alam  ng  langit  na kanina pa niya gustong umalis sa pasilyong iyon. “YOU think that will work, Raphy?”             “Shut up, my name is Raphael, Arden, not Raphy!” nakaangil na tugon ni Raphael kay Spade na ikinatawa naman ng huli.             “Oh c’mon, Raphy-baby. Your chicas call you Raphy and you don’t react. They even scream your name in bed so what is wrong with Raaaphhhyyy!” kantyaw ni Spade na nagboses babae pa.             Kill rolled his eyes. Very inappropriate…             “Tama na ‘yan, hindi naman nakakatuwa,” may bahid ng inis sa tinig ng pinsan niyang si Rain nang umimik. “Buksan mo na ‘tong pintuan, Raphael, palabasin mo na kami. Who on earth told you we’re going to help you set up your little payback?”             “Nga naman.” Nick, Raphael’s Beta, agreed. “Bakit kasi hindi mo na lang harapin ‘yang two burns mo at pagbayaran ang pakikipag-tukaan mo sa kung sinumang babae ‘yon na nasa corridor kanina.”             “Eh sino bang mag-aakalang lalabas ng lungga niya si Raven ngayong araw? Hindi ba’t dapat ay sa susunod na linggo pa ang schedule no’n sa paglabas?”             Raven. Ah but he didn’t like that name. Mas gusto niya ang pangalang Courtney sa dalaga. Hindi bagay dito ang Raven. She’s too beautiful to be called Raven.             Napapiksi silang lahat nang padabog na tumayo sa mesang inuupuan si Seige. “Tama na ‘tong kalokohan na ito. I want out, Strides. Open the damn door!”             Tinanguan iyon ni Kill sa isipan. Nais na rin niyang umalis doon. He happens to have a personal agenda with the Tempress but he will never ever do it alongside these fools.             “Pero, Seige, naman eh. Madali lang naman ‘yong plano. Konting prank lang, tatakutin lang natin siya.”             “I said I want out!”             Bumuntong hininga si Kill. Trigger happy much? “Chill, Seige. You can go, we’ll stay,” saka niya pinaningkitan si Raphael, hinahamon ang kaibigan niyang pumalag. Tumalikod na lamang ito at inis na nagpailing-iling.             Walang dalawang isip na umalis ng bakanteng homeroom si Seige. Itinaas naman ni Rain ang mga paa nito sa ibabaw ng mesa samantalang siya’y walang imik na sumilip sa bintanang malapit sa kanya. Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang makita niya ang babae.             There she goes again and Kill couldn’t help but wonder if that was habitual. Or was it her duty? Hindi niya alam. Subalit sa sandaling dalhin ng hangin ang pamilyar na amoy ng matamis na dugo ay napamura siya at naibagsak ang salamin pasarado. Natawag niyon ang atensyon ng kanyang mga kaibigan.             “Something’s wrong?” may kalakip na duda ang tinig ni Rain nang magtanong.             Muli siyang nagmura sa isipan. This has happened to him too many times in a row for two months. Na kapag naaamoy niya ang bango ng babaeng iyon ay walang pagsidlan ang kanyang paghahanap sa dugo at hindi niya nakokontrol ang kanyang sarili.             “Nothing. I need to go,” saka siya nagmadaling lumabas mula sa silid.             Narinig pa niya ang pahabol na pagsigaw sa kanya ni Raphael, clearly upset he lost another one of his potential prank partner.             Tumakbo siya’t nagpasyang tunguhin ang lugar na isinisigaw ng kanyang instinct. Nananalangin na hindi madatnan ang parehong eksenang   dinatnan  niya   dalawang  buwan  na  ang   nakakalipas.  Nang patayin ng babaeng iyon ang sira ulo niyang assistant…             “Lem? Lem! Dammit.” Kill hissed. “Saan ka ba nagsususuot? Ako dapat ang hinahanap mo para pagsilbihan at hindi ako ang naghahanap sa ‘yo para mag-utos! Lem! Where in the hell are you?             Sa gitna ng paghahanap ay may narinig siyang kaluskos sa Red Hallway. Kill hates going there. Human scents just drive him nuts. While he is aware that it is strictly prohibited for immortals like him to feed on the red blooded people, hindi pa rin niya mapigilan minsan ang maghanap.             Kill stumbled upon the stairs. Sumalubong sa kanya ang mahabang kulay itim na buhok na iniilawan ng buwan na pumapasok mula sa transparent na bintana. Natigilan siya nang makita ang pagkinang ng kung ano sa kanang bahagi ng leeg nito. It was like a little tattoo of a skeleton beneath of what it seemed like a black cloack and then a sickle beside it.             Then came four round circles on the floor where she and Lem stands. Noon niya lang napansin na nakahiga na si Lem sa may hagdanan at mukhang naghihingalo. Sa totoo’y wala siyang pakialam kay Lem. Ginawa niya lamang alila ang rogue werewolf na iyon noong pinagtangkaan nito ang kanyang pinsan na si Chichiri noon.             But seeing this… this thing circling in their feet. Four circles, inside it are four black big dots aligned together in the center of the four circles, and two curved lines on the top of the first dot connecting to the third dot, one on the bottom where it connected from the second dot and ending to the fourth dot.             What the hell was that?             “Hindi ka ba aware na bad manners ang mag-eavesdrop?”             Napamura  siya  nang  pakatitigan  ang  kumikinang  na  itim  na mga mata ng babae. Para siyang hinihila niyon, hinihipnotismo. His heart skipped a beat. That was funny, he thought. Dead people don’t have a heart.             “Ano’ng ginawa mo?”             “Not me. Some gang of werewolves attacked him earlier. Poor thing. Malas lang, oras na niya.”Hindi maalis ni Kill ang tingin niya sa mga mata nito habang pumapanhik ang babae at tinutumbok ang kanyang kinatatayuan. She’s… majestic. Who the hell is she? “Marami ka nang nakita. Enough.”                     One moment ay ang hangin lamang ang dumadampi sa kanyang mga labi, sa sumunod ay ang malambot at mapang-akit na bibig na ang humahalik sa kanya. It all happened so fast.             Hindi niya namalayang kinuha niya ang isang kamay ng babae at ipinulupot sa kanyang leeg. Umungol siya at lalong hinigit palapit ang baywang ng babae sa kanya at saka nilaliman ang halik. Naging mapag-angkin iyon. Nakalimutan na niyang may patay sa kanilang harapan. He felt the kiss to his bones. He felt it. It’s so perfect… so real. And for the first time in his whole existence—an existence without an ending—he now knew what bliss felt like.             Ngunit lahat nang iyon ay naputol nang biglang nawalan ito ng malay. Nalaglag na siguro sa sahig ang babae kung hindi lamang niya kabig-kabig ang baywang nito. Agad niya itong binuhat ngunit nilingon niya muna ang tuktok ng hagdan. Napamura siya. Wala na ang kakatwang simbolo na nagliliwanag kanina, wala na rin ang katawan ni Lem at hindi na umiilaw ang leeg ng babae.             Dinala niya ang babae sa Zoid, ang dormitoryo ng Academy. Hindi niya ginagamit ang dorm unit niya maliban kung may emergency. And Kill guessed this pretty much lands on the category of emergencies.             Oras ang hinintay ni Kill para magising ang babae. Ngayong nasisinagan na ito ng ilaw ay nakita niya ng kabuuan ng mukha nito. She looks like an angel. Matangos ang ilong, maputi may mapupulang labi. Ang suot nito’y hawig ng uniform ng mga babae ngunit ang ipinagkaiba’y mas revealing iyon. May logo rin ng Academy sa chest part ng dress nito, pares ng pakpak na kulay pula sa kaliwa at kulay itim sa kanan. Zip-up ang neckline na suot nito taliwas sa full sleeved black dress with red blazer na female uniform sa Academy. Nakabukas ang neckline kaya’t kitang-kita niya ang tattoo sa leeg ng babae.             Weird…             “Mhhmmm…” mayamaya’y ungol nito at gumalaw-galaw.             Kaagad na naalarma si Kill. As much as he wanted to just spend the whole time looking at her, eventually she’ll have to wake up. Napangisi siya nang magpapungas-pungas ito. “Oh, finally! Nagising ka rin. Care to explain now?”             Umawang ang mga labi nito. Napamaang ang babae at namilog ang mga mata. “H-holy s**t! You… you should be freaking dead by now! What the hell are you still doing here?”             Nangunot ang noo ni Kill. Hinalikan siya ng babae, nahimatay sa harap niya’t ngayong nagmagandang loob siyang dalhin ito sa kanyang dorm ay tatanungin nito kung ano’ng ginagawa niya roon? Wow. The woman has gone bonkers.             Dalawang buwan na ang nakakalipas nang mangyari iyon. Hindi na niya muling nakita pa si Courtney simula noon. Nalaman lamang niyang ang Head Knight Tempress na si Raven Weinlord at ang babaeng iyon ay iisa nang lapitan niya ang pinsang si Chichiri na miyembro ng student body at pagtanungan ito.             Palaging  nasa  gusali  ng  red  bloods  si  Courtney  kaya’t madalas na hindi niya ito nakikita. Marami siyang gustong itanong dito. Paano ito nakatakas sa kanyang dorm nang hindi niya namamalayan? Bakit siya nagkakaganoon? Ano’ng nangyari kay Lem? Si Courtney lamang ang nakakaalam ng kasagutan sa lahat ng iyon.             “Sinong nar’yan?”             Nanlamig si Kill. Paglingon niya’y nakita niya ang isang babae na yakap-yakap ang mga libro’t nakadamit ng unipormeng kabaliktaran ng uniporme ng black bloods: pulang dress at itim na blazer. Red blood. At hindi na niya halos namalayan ang mga nangyari.             “H’wag! H’wag! H’waaaaaggg! Aaahhh!”             Ang mga ganoong sigaw ang parati niyang palatandaan kapag nawawalan siya ng kontrol. Dalawang buwan na siyang ganoon, inaatake ang mga babae mula sa red bloods at iniinom ang dugo ng mga ito. He wanted to satisfy his thirst for her and red bloods are quite the closest thing he could have that would do. Natatawa na nga siya sa kanyang sarili. Para siyang adik na hinahanap-hanap ang hindi pwede at ang ayaw magpakita.             “That’s third burn, Mr… Schneider?”             Tumigil siya kaagad nang marinig ang tinig na iyon. Binitawan niya ang babae na bumagsak sa lupa. Napahawak siya sa kanyang braso na may nakadikit na kulay asul na stamp. Pinanood niyang lumuhod si Courtney sa babae. Hinalikan nito ang sugat sa leeg ng red blood na agad na naghilom na parang walang nangyari. Sumunod nitong hinalikan ang pisngi ng babae. Nagmulat ng mga mata ito, tutulungan sanang tumayo ni Courtney nang muli na naman niyang naamoy ang pamilyar na bango niyon.             He lost his mind, he guessed. Kinuha niya si Courtney, kinagat ang leeg nito at buhat doon ay umagos ang dugong dumampi sa kanyang bibig. Napasinghap siya nang matikman iyon. God, that was… that was good. Heaven…             He doesn’t know what he’s doing. He doesn’t know why he’s loving what he’s doing right now. He’s usually not like this. He’s in control with his thirst. But why does his instinct reacts to her scent this much?             “Kill, let go! Pare, ano ba! Nababaliw ka na ba?!”             Naramdaman niyang hinihigit palayo si Courtney sa kanya. Sumunod niyang nakita ang tatlo niyang kaibigan. Nasa bungad si Raphael habang ang mga beta naman nito na sina Axe, Van, at Nick ay pinag-uusapan kung ano’ng gagawin sa babaeng red blood. Si Courtney ay nasa gilid na’t tinitignan lamang sila.             “I get that you’re beasts, guys. But come on, kailangan n’yo ba talagang gumawa ng ganitong klaseng gulo? How many times a year do you actually feed on humans?”             Pinutol ni Raphael ang pakikipagtitigan sa kanya at anyong maang na bumaling kay Courtney. “Beats me, I’m a vegan.”             Courtney rolled her eyes. “Oh impressive, Mr. Strides. Vegan, huh? You and your friend, go to Chiri’s tomorrow for the punishment. I’ll leave her a note. Clean the mess. And I hope not to see you again. Ever!.”             Ngumisi si Kill. Well, he hopes otherwise…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD