2nd Blood
Craving
“To burn with desire and keep quiet about it is the greatest
punishment we can bring on ourselves.”
HINDI alam ni Raven kung mai-impress siya kay Schneider o maiinis. She had ordered a dossier on the vampire to check on his
background. Para sa huling pagkakataon ay ma-satisfy na ang kanyang curiosity at masagot na ang maraming katanungan niya sa utak. But all it ever did was shed a light on the circumstances of his family and birth.
Alam ng lahat ng black bloods sa lugar na iyon na ang mag-amang Schneider na lamang ang dalawang huling bampira na nakikiisa sa mundo ng mga mortal. Some immortals like her even think they were the last one alive. That was why Schneider’s clan earned the respect and the prestige to its name.
Ngunit ang hindi niya alam na natuklasan lamang niya sa pamamagitan ng dossier na iyon ay ang dugong Euene ni Kill. Ang ama nitong si Zero Schneider ay napangasawa si Xanara na prinsesa ng mga St. Claire, ang huling angkan na namuno sa mundo ng Euenessia.
The St. Claires owned the Academy before under a different name. Dahilan kung bakit alam niya ang tungkol sa St. Claires. Ang Euenessia ay isang tagong kaharian sa loob ng Sunny Dale. No one has access to the land unless you’re a Euene or you’re with a Euene. Hindi siya sigurado kung paano nakakapasok ang mga nilalang niyon doon but she heard it has to do with the ability to transport.
Makapangyarihang angkan ang mga St. Claire. Half of them are royalties in their own right. Ang mga St. Claire na nasa Euenessia ay mga enkanta—faes and fairies in the fictional world. But the rest of them belongs to the long bloodline of original sorcerers and sorceresses of Northumbria.
Pero sa lahat ng St. Claire, si Xanara ang sinasabing kakaiba. Wala pa sa henerasyon ni Raven ang nakakitang muli sa ina ni Schneider but everyone of them believed that the princess has possession of the cursed evil eye. Isang kakayahan na nagbibigay kapangyarihan sa isang tao na sumira sa pamamagitan ng tingin.
Nalaman din ni Raven na namatayan ng nakababatang kapatid si Schneider. Walang gaanong naibunyag na detalye tungkol kay Dream Schneider, which is weird because her Templars are very good at this kind of thing. If they don’t know about a certain person then that would mean nothing’s really recorded. Double weird. Dahil ang mga taong kagaya ng angkan ng mga Schneider ay laging usap-usapan sa mga tao. Pero may isang bagay na nakalagay doon na tungkol kay Dream na nagpaalarma sa kanya. The girl has no abilities. Zero. None. Nada.
When you’re the daughter of two powerful individuals, inheriting an ability from one or both of your parents is natural. It would almost be a dissapointment if you actually happen to get nothing from them.
Naitanong ni Courtney sa sarili kung ano kayang naramdaman ng buong pamilya ni Schneider nang matuklasang walang minanang abilidad si Dream. It must have been pitiful. Raven couldn’t image not having her powers.
Isinarado ni Raven ang mga papeles at pinasyang lumabas sa Black Room. Naunawaan niya ang mga nabiglang estudyante nang bumukas ang kanyang pintuan. Apat na araw ang nakakalipas ay lumabas siya mula roon para sa monthly inspection ng mga Templars at hindi nag-e-expect ang mga ito na lalabas siyang muli maliban na lamang kapag oras na ng klase niya. At hindi pa oras ng klase niya. They must have been wondering what the hell she’s up to again.
Nagtungo siya sa Occult Section ng malaking library sa gusali ng mga black bloods. Dinala niya ang mga libro na tungkol sa mga bampira sa dulong bahagi ng mga mesa at doon tahimik na nagbasa. She really has to know kung ano’ng mayroon kay Kill Schneider at nagawa nitong dayain ang itinakda niyang kamatayan.
Two months ago, she kissed him intending to poison him with the kiss. Dapat ay namatay na si Schneider sa sandaling nagdaiti ang kanilang mga labi. Shockingly, it didn’t happen. She even lost consciousness for trying. Ramdam niyang may mali sa mga nangyayari. Kung hahalikan din kaya niya ang ibang miyembro ng mga Black Beasts, hindi rin kaya tatalab ang Poison Kiss?
Damn Black Beasts! What’s up with them anyway? Ano’ng ipinagkaiba nila sa ibang black blood?
Matagal nang tanong iyan sa kanyang isipan. Nauunawaan niya ang kay Schneider dahil sa kakaibang dugo ng mga magulang nito. Pero aside from that, hindi na niya nauunawaan kung bakit halos lahat ng mga estudyante sa Academy ay hinahangaan ang Black Beasts at pinangingilagan. To the point that they were even allowed to acquire their own special place in the Academy they call Earl. Hindi niya alam kung dahil iyon sa malakas lamang talaga ang mga ito sa kanyang ama o dahil takot ang ama niya sa mga ito.
“Woah! Cooey! You’re out and you’re here!”
Kunot-noo siyang nag-angat ng tingin sa tumawag ng kanyang atensyon. Nakatayo sa kanyang harapan si Chiri na malaki ang ngiti at kumikinang ang mga mata sa pagkagilalas habang titig na titig sa kanya. Hindi marahil makapaniwala na lumabas siya sa Black Room nang hindi pa homeroom hours.
Si Chichiri Reed ay miyembro ng student body, a Knight Tempress assigned in the Ilumina, the sanctions and detention department. Kung hindi siya nagkakamali ng pagkakaalala, Chiri is a witch. At si Chiri lang din ang tanging tao na tumatawag sa kanya ng ‘Cooey’ na napakalayo naman sa Courtney. Pero dahil wala namang makakapigil kay Chiri ay hindi na niya pinagpapapansin iyon kahit madalas ay nabubwisit siya.
“What are you doing here?” taas ang kilay na tanong niya sa dalagang inokupa ang upuan sa kanyang harapan.
May tunog ang pagngiti nito. It reminded her of a toddler’s giggle. “Sinundan kita.”
Naningkit ang kanyang mga mata. Naging weird si Chiri nitong mga nagdaang araw simula nang lumabas siya sa Black Room apat na araw na ang nakakalipas. Tumawag ito sa kanya isang beses at sinabing na-compel daw ito ni Kill para palabasin siyang muli sa silid.
Compulsion is another one of a vampire’s weapon in their arsenal. Napapasunod nila ang mga nilalang na gawin ang anumang gusto nila sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata nito. But she doubts Chiri would be affected by compulsion. Malakas na mangkukulam si Chiri at isa pa’y pinsan nito si Kill. Paano naman magagawa nito iyon sa sariling pinsan at para sa napakaliit na bagay?
“Nagre-research ka tungkol sa mga bampira?” curious nitong tanong nang makita ang mga librong nakapatong sa kanyang mesa. “Homework mo?”
Wala sa Academy bukod sa kanyang ama ang nakakaalam ng tungkol sa kanyang kapangyarihan. If Kill Schneider is as smart as he likes to boast about, may tsansang nahuhulaan na nito iyon. Though she prays it will be the opposite.
“Hindi. Nacu-curious lang,” kaswal niyang sagot.
Pero mukhang natunugan ni Chiri ang talagang pakay niya. “Bakit hindi ka na lang magtanong kay Kill?”
“Kasi hindi kami close.”
“Eh bakit ka niya gustong palabasin sa Black Room at papuntahin sa Earl? ‘Di raw close, ‘sus!”
Iling-iling na binalikan niya ang libro at anyong hindi interesado sa usapan ay nagbalik na siya sa pagbabasa. “Kung anumang mga kalokohan ng pinsan mo, sa kanya mo itanong. Hindi naman ako ang nakiusap sa ‘yo para magpanggap na tinablan ka ng compulsion kaya hinihikayat mo akong lumabas sa kwarto ko.”
“You’re not even a wee bit intrigued?”
“Nope.”
“Weeehhh? Maniwalaaaa!”
“Hindi ko hobby ang mangumbinsi ng mga tao na paniwalaan ako. One, because I don’t care. Two, because they won’t listen. Three, because it’s simply human nature to believe what they want to believe. Why waste effort on deaf ears?”
Tumahimik si Chiri. Kung hindi nga lang niya nararamdaman ang presensya nito at ang tahimik na pagsipa nito sa paa ng mesa ay aakalain niyang wala na ang dalaga. Ngunit mayamaya’y hindi na yata nakatiis at nagtanong na.
“Cooey, pwede ba akong magtanong?”
Sa isip ay napabuntong hininga siya. Heto na naman kami… “You’re asking already.”
“Hindi ‘yong gano’n! Ano kasi… sa tagal kong nandito sa Academy, hindi ko pa nakikitang nagkaroon ka ng permanenteng kaibigan. I mean… hindi ka ba nalulungkot? Wala kang friends, wala kang madalas na kausap sa loob ng Black Room, wala kang ginagawa, ayaw mong lumabas ng Academy, ayaw mong makipag-usap sa kahit na kanino bukod sa mga teachers at ibang Knight Templars at Tempress… Wala ka ring boyfriend, hindi ka marunong mag-happy happy. Baka nga wala ka pang first kiss, baka rin hindi mo pa nae-experience ang magic ng s*x—”
Doon ay alam niyang kailangan na niyang pigilan sa pagba-babble si Chiri. “You’re not going there, Chiri!” saka niya tinapunan ng matalim na tingin ang dalagang mapanuya ang mga ngiti.
“Gotcha! Siguro talagang hindi pa, noh? Siguro—”
“If it’s going to shut you up then yes, I already did the deed. Pwede ka na bang manahimik?”
Ngumuso si Chiri. “Congrats pero… hindi naman iyon ang tanong ko, eh. Seryoso ako. Napakaboring ng daily routine mo. Imagining you living your life as you are living it now, I think it’s lonely. And painful. Itinataboy mo ang mga taong lumalapit sa ‘yo. Wala kang kinakausap. Mailap ka sa lahat. Hindi ka ba nalulungkot?”
Inis na isinarado ni Raven ang libro. This she didn’t expect from Chiri. Alam niyang may pagkapilya si Chiri ngunit ni minsan ay hindi ito nagtanong ng ganoon sa kanya. Ano bang ipinasok ni Schneider sa utak ng pinsan nito?
“I’ve lived too long to learn that people only wants to be friends with you because they want something from you. Mortal man o imortal, pareho lang. I find it a waste of time building attachments and investing emotions on creatures that merely want to use you.”
Tumayo na siya para sana isauli na ang mga libro ngunit agad siyang napahinto sa naging sagot ni Chiri. “Bakit kasi hindi mo muna bigyan ng pagkakataon ‘yong mga taong may magandang motibo? ‘Yong mga taong gusto lang kaibiganin ka?”
Bahaw ang kanyang tawa bilang tugon. “Ang pamilya nga eh kayang manaksak patalikod, ibang tao pa kaya? How the hell you manage to give knives to others and trust them not to stab you in the back with it is something I would never understand, Chiri. Hindi tayo magkatulad. I’ve seen things you haven’t seen yet. Kaya kung okay lang, ‘wag mo akong itutulad sa ‘yo.”
Raven walked out. Ibinalik niya ang libro sa shelf bago nagtuloy palabas ng library. Pagsarado niya sa glass door, agad niyang napansin ang nakasandal sa may pader na katabi lang ng pintuan mismo. Pinagtitinginan ito ng mga dumadaan at pumapasok. His hands are tuck inside his pockets. Iyong mga babaeng black blood eh tili ng tili. Napapalatak siya sa isipan.
Pairap na akmang lalampasan niya ang bampira. Ano pa ba kasing ibang dapat na gawin? Alangan namang tumunganga siya at panoorin ang mga babae habang nagkakandarapa kay Schneider?
Ngunit hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay hinila na siya nito pabalik at wala na siyang iba pang pagpipilian kung hindi ang harapin ito. Natigil bigla ang ingay dahil doon. Napamura siya sa kanyang isip. Nangangamoy gulo na naman.
“Rude, Schneider. That’s rude. You don’t grab a Tempress’ hand like that.”
He grinned—much to Courtney’s dismay. “I don’t know where you get the power to tell what people should and should not do inside this Academy when you don’t even listen to what people say to you. Tell me, Courtney, is this rude too?”
Biglang-bigla ay hinila nito ang tali ng kanyang buhok. Narinig niya ang pagsinghap ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanila. Pagkatapos ay nag-umpisa na ang bulong-bulungan. Ngunit anyong kalmado si Raven nang pakatitigan si Kill. Of course, hindi niya sasbihin dito na bwisit na bwisit na siya sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Thinking perhaps it didn’t fazed her, dinagdagan pa nito ang naunang kasalanan at pati ang salamin niya sa mata’y tinanggal din nito at itinapon sa tabi.
“What about this, Courtney? Is this rude enough for you?” mapaghamon nitong ngisi sa kanya.
“Now this is interesting. I don’t know what you’re trying to achieve here but for your sake, Schneider, stop this.”
“Mm. Try and stop me then.”
Pinaningkitan niya ng mga mata ang nang-aasar na si Kill. Lalo pang lumapad ang ngisi nito bago walang sabi-sabing isinandal siya nito sa pader. Mabilis ang sumunod na mga nangyari. Ang kanang kamay ng binata’y nakapaikot sa kanyang baywang saka siya hinigit nito papalapit sa sariling katawan. Ang kaliwa ay nakabaon sa kanyang buhok, and then in the next moment his lips met hers.
Her first instinct was to close her mouth. Subalit hindi niyon napigilan si Kill. Kahit hindi niya tinutugon ang binata ay tuloy lamang ito sa ginagawa. Equal intensity eventhough he receives none. Banyaga kay Raven ang ganoong halik. There was a strange reverence with the way Kill kisses her. As if he was cherishing this moment. Na parang may importansya ang sandaling iyon na lingid sa kanyang kaalaman.
But that is when Raven had completely proven that her abilities do not affect Kill Schneider. Hindi imposible gaya ng inaasahan niya at inaakala niya. Kailangan niya lamang talagang alamin kung paano at kung bakit.
Bumaba ang labi ni Kill mayamaya sa kanyang leeg. He nibbled on a certain area before proceeding to went back up and look at her seducingly, peck a short kiss to her lips then would occasionally lick the lower part of her mouth.
Ngising lumayo ito ng kaunti sa kanya, his lips glittering and his dark eyes shining. May parte sa pagkatao ni Raven ang tumibok. Agad niyang sinupil iyon.
“Ngayon sabihin mo sa akin… did that annoy you, angel?”
Napangiwi siya sa sarili. Angel? Angel?! Alam niyang sasabog na siya sa inis ngunit pinanatili niya ang kanyang kalmadong ekspresyon at sigurado siyang sa kaunting emosyon lamang na ipapakita niya’y magiging dahilan para lalong hindi siya tantanan ni Schneider.
“Nice attempt but no. Kissing me and harassing me on public is not really your brightest idea so far. Quite frankly, nothing is the best idea. So go on your own merry way, Schneider. Leave me alone.”
Humalakhak ng malakas ang binata. Nag-echo pa ang tawa nito sa buong hallway na ikinagulat ng maraming black bloods na pinapanood sila.
Pagkatapos, sa gulat niya’y binuhat siya ni Kill at isinampay sa kaliwang balikat nito na parang sako lang ng bigas. Sa sumunod na sandali’y nakaramdam siya ng hilo. Mabilis ang pagtakbo ng binata palayo sa hallway, salamat sa abilidad nito bilang bampira. Sa isang kisapmata ay nasa loob na sila ng Earl, ang quarters ng Black Beasts sa loob ng Academy.
Nasapo niya ang ulo dahil sa hilo. Nagka-jetlag pa yata siya. Damn vampires. “I think I’m starting to hate vampires,” bulong niya sa kanyang sarili na sa kamalasan ay narinig pala ni Kill.
Natawa ang binata at ibinaba siya sa malambot na sofa sa tila living room ng bahay. “You’re beginning to develop feelings for me now eh? Nice start, I’d say.”
Umingos siya. “What a positive way to swallow an insult.”
May kinuhang handcuffs sa drawer si Kill. Sa pag-iisip na hindi nito tatangkaing gawin iyon ay hindi siya kumilos para tumakas. Isa pa’y wala siyang lakas na gawin iyon ng ganoon kabilis dahil sa hilo niya. Kaya’t sa huli’y madali siyang naiposas ni Kill sa paa ng coffee table na katabi ng sofa.
Nakagat niya ang loob ng kanyang pisngi sa inis. “Do you think that will get you anywhere with me, you leech?”
Sinuntok ni Kill ang sandalan ng upuan sa kanyang gilid. Sa gulat niya’y napasandal siya. Nang muli niyang balingan ang binata mula sa pagsunod sa kamao nitong nakabaon sa sofa ay wala nang isang pulgada ang pagitan ng kanilang mukha. Kaunting galaw lamang niya’y tiyak na magdidikit na ang kanilang mga labi.
“That’s foul, Missy. May pangalan ako and in my opinion, you should start learning to call me my name instead of addressing me as leech or Schneider.”
Ah, pissed you off, didn’t I? Nangisi siya sa reyalisasyong iyon. “But that’s your name.”
“My name is Kill.” He said through gritted teeth.
“That’s an ugly name.”
“Oh yeah? And that’s very mature of you, Courtney.”
Ngumisi siya para lalong inisin ang binata. Ngunit sa kanyang pagkabigla’y muli na naman nitong idinikit ang labi sa kanya. Inis na lumayo siya at nagpumiglas sa kabila ng pagkakaposas sa kanyang kamay.
“Bakit ka ba halik ng halik sa akin? Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo?” inis niyang sigaw. But an idea suddenly slipped through her mind. Hindi kaya… “Or say, Schneider…” unti-unti’y bumalik ang ngisi niya. “Are you attracted with me?”
However, to her surprise ay hindi man lang nainis si Kill. Hindi rin nagyabang at sinabing ambisyosa siya. Mataman lamang na pinakatitigan siya nito at saka sinabing, “Attracted is the biggest understatement of the year, angel.”
What the…?!
Bago pa man siya tuluyang malunod sa iniisip ay muli na naman siyang hinalikan ni Kill. Sa pagkakataong iyon ay malalim ang halik. Mapagparusa at mapag-angkin. Nakaramdam si Raven ng udyok na tumugon. Kung kagagawan iyon ng binata’y hindi niya alam. Ngunit tumugon siya para maibsan ang kakatwang kirot sa kanyang kaibuturan. Mali siya. Lalo lamang iyong umigting at hindi na niya namalayan kung ano’ng nangyayari.
Something is pulsing within her. Something is wanting to be freed. Hindi niya alam kung ano iyon. Kusang tumaas ang libre niyang kamay upang mangunyapit sa uniporme ni Kill, as if that would freed whatever it is that she’s bottling up inside.
“Wow! b*****e action! I like that!” sigaw ng pamilyar na tinig galing sa pintuan.
Kagyat na tumigil si Kill at lumingon. Bumungad doon ang mga kaibigan nito. Tahimik na nagbuga ng hininga si Raven at inayos ang kanyang sarili. Mainam na wala siyang lipstick pero hindi niya pa rin gusto na hindi niya suot ang kanyang salamin at nakalugay pa ang kanyang buhok.
“Wait, was that… Raven Weinlord?” nanlalaki ang mga mata ni Raphael Strides nang pakatitigan siya’t makilala.
Kunot na kunot ang noo ni Kill nang lingunin siya. “Why the hell do they keep calling you Raven? Hindi naman bagay sa ‘yo, Cooey.”
Inirapan niya ang binata. “Kung ako sa ‘yo, titigilan ko na ‘tong kalokohan na ito, Schneider. Trust me, this is a wasted effort.”
Kill simply shrugged. “I’d say not.”
Isa-isang nag-walk out ang mga kaibigan ni Kill na pinangunahan ni Seige Gray hanggang sa ang mga naiwan na lamang ay si Kill at si Raphael. Tinangka pa siya nitong asarin. “Wow, hindi ko akalain na mukha palang tao si Raven kapag inalis ‘yong malaki niyang eyeglasses at kapag naglugay ng buhok. At hindi lang mukhang tao. Ang ganda mo naman pala. Bakit ba trip mong pagmukhaing boring ang sarili mo?”
Galing bang bundok ‘tong isang ito? That’s a stupid question.
“People see what they want to see. Ugliness is all in the minds of the foolish who wants perfect beauty and the insecures who pathetically couldn’t get enough of their own beauty.”
“Ooh. You really are a philosopher, aren’t you?”
“Nah, I’m not. You’re just an example of a moron I’d like to twist my words with.”
Tinapunan siya ng kakatwang tingin ni Strides nang ngumisi siya. Mayamaya’y umiling ito. “Heartless woman. Ano bang gagawin mo sa kanya, Kill? Are you going to punish her for punishing us? In that case, I’m more than willing to help.”
More than willing to help my ass. Bunch of idiots!
Lumingon ang bampira sa kanya. Lumuhod ito para lumebel sa kanya at pinakatitigan siya ng mataman. Nagsisimula nang mamanhid ang palapulsuhan niya nang dahil sa posas.
“No, Raphael. This is a private agenda.”
“Oh? What are you gonna do to her, Kill?”
“It’s for her to know and for you to find out, I guess.”
Iniikot ni Raven ang mga mata.
Oh yipee.