3rd Blood
Stuck
“Even as your body betrays you, your mind denies it.”
“KAPAG nalaman ng kahit na sino sa mga Templars ko kung ano’ng ginawa mo sa akin, Schneider, you’re as good as dead.”
“I’ll take responsibility, my angel.”
Nagtaas ng kilay si Raven. Kung hindi lang nakatali ang kanyang mga kamay sa bed post ay tiyak siyang kanina niya pa nasapak si Kill.
“My? Ang lakas din talaga ng sayad mo sa utak, noh? Just exactly two hundred and forty minutes ago you were embarassing me in front of the red bloods by stripping me off my personality and handcuffing me to the coffee table. Now you brought me to your stupid filthy mansion and tied me to your bed post and called me your angel? Have you gone nuts?”
Tuwang-tuwang ngumisi si Kill sa kanya. “Impressive. I’m starting to get to your nerves. Way to go, maybe tomorrow or the day after that you’ll start begging me for mercy.”
Bahaw siyang tumawa. Beg for mercy my ass! Ni hindi nga niya alam kung ano’ng totoong pakay sa kanya ng bampirang ito.
“Kung ako sa ‘yo, simulan mo nang magbilang ng bituin sa langit kasi kahit kailan, hindi ako magmamakaawa sa ‘yo. Stupid vampires!”
Marahas na bumuntong hininga ang binata at padabog na nilapag ang tray ng pagkain sa kanyang harapan. “Eat.”
Pinaningkitan niya ng mata si Kill. Hindi alam nito ngunit lubha nang nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. Hindi siya nakatulog ng buong gabi dahil buong gabi rin siyang nakatali sa bedpost at nakikipagtitigan kay Kill. Itinatanong niya tuloy sa sarili ngayon kung bakit hindi natutulog ang mga bampira samantalang ngayon ay antok na antok na siya. How the hell are they capable to stay awake like that?
Sinipa niya ang tray palayo ngunit nag-iingat na hindi matapon ang mga laman niyon. Sayang din naman kasi, mukhang masarap pa naman. “Hindi ako aso kaya ‘wag mo akong manduhan na parang aso.”
“Ikaw na itong pinapakain ko para hindi magutom, ikaw pa ang galit!”
“Mukha ba akong galit? And for the record, hindi ako humingi ng pagkain. Kusa kang nagdala.”
“Ah, yes. Hindi ka nga galit. Kasi kahit ano namang emosyon mo, pare-pareho lang ang reaksyon ng mukha mo. Kaya bakit hindi ka na lang magtipid ng enerhiya, manahimik at kumain na lang?”
Magtipid ng enerhiya? God, the nerve! Hindi niya kailangang tipirin ang enerhiya niya kung wala siya sa ganitong sitwasyon!
“Hindi ko kailangan ng pagkain. Ang kailangan ko ay ang malaman kung ano’ng ginagawa ko rito. Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit mo ba ako kinuha? Jesus, I’m a black blood, mandiri ka namang biktimahin ako!”
It’s a cosmic rule for immortals na hindi katanggap-tanggap na gawing prey ang mga kagaya ng kanilang dugo. And partly because black bloods are not really edible.
“Red blood ka, Weinlord. I know better.”
“Technically, I’m a black blood.”
“Black bloods are never that delicious. So you’re a red blood. Your blood is red, I tasted it, I saw it, I smelt it. You’re a red blood, just with weird shining tattoos.”
Muntik nang makalimutan ni Raven na hindi nga pala alam ni Kill ang tungkol sa Encantare at Poison Kiss. Masyado siyang nasanay na may isang nilalang na hindi tinatablan ng kanyang halik at maaari niyang halikan nang hindi ito pinapatay, ginagamot o binubura ang alaala. Weird but oddly satisfying too.
Which is weirder…
“Ano ba talaga kasing kailangan mo sa akin, Schneider?”
Matalim na tinitigan siya ni Kill bago naupo sa tabi ng kama na malapit sa kanya. “Ikaw mismo ang kailangan ko.”
Nangunot ng bahagya ang kanyang noo. “Para saan?”
Natigilan ng ilang saglit ang binata. Nag-isa ang labi nito, tila nag-aapuhap ng tamang mga salitang sasabihin. Sa huli’y ang nabitawan lamang ng bibig nito’y: “Tell me what you are, Raven.”
“I’m a black blood Knight Tempress.”
“Alam mo kung ano’ng ibig kong sabihin. Pinatay mo si Lem.”
Muli’y bahaw na tumawa si Raven. “As if you cared, Schneider! Hindi ba’t alila mo lamang siya? A psychopatic maniac mutt who chose to obey you rather than die at your hands. I know, I saw everything he did in his memory seconds before he died. And I know you don’t care about him.”
“Hindi ba’t sinabi ko nang tawagin mo akong Kill? And for the record, kahit wala akong pakialam, the fact that you still killed him bothers me. Who are you?”
Natigilan si Raven. Kadiliman. Isang boses sa kanyang isipan na nagpapaulit-ulit: My vessel… My vessel… I’m his vessel…
“Courtney. Courtney, angel, are you alright?”
Kumurap siya. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Kill. Napakurap-kurap siyang muli. Pakiramdam niya’y may nangyaring hindi niya nasundan.
“Okay ka lang?” muling pukaw nito sa kanya.
“Y-yeah. Yeah, of course.”
Ilang saglit na katahimikan bago mayamaya’y bumuntong hininga si Kill. “Kailangan mong sabihin sa akin kung sino ka at ano ka, Courtney. Hindi kita sasaktan. Hindi rin kita ipapahamak. I just have to know what you are to be able to help you control your abilities.”
Tumaas ang kilay niya sa narinig. “Control my abilities? I’m in full control of my facilities lalong-lalo na ang kapangyarihan ko. I told you, Schneider, time and again. Hindi ako ang pumatay kay Lem. Siya ang may gawa no’n sa sarili niya. He pissed off some pack of wolves outside Sunny Dale at sinundan siya sa Academy. I simply happened to be there, unfortunately for me.”
“Then what the hell are those shining stuff? Nasaan ang bangkay niya? At bakit mo ako hinalikan kung wala kang inaasahang mangyayari sa halik na iyon?”
Nginisian niya si Kill at tinuya gamit ang eksaktong mga salita nito kay Raphael kahapon. “It’s for me to know and for you to find out then, I guess…”
His jaws clenched. He scrambled through the cabinets at naglabas ng handcuffs. Nagsuot si Kill ng leather jacket para patungan ang gray t-shirt, untied Raven from the bedpost, took her left hand then handcuffed it with his right hand sabay itinago nito iyon sa loob ng sleeves ng leather jacket.
Hinatak siya ng binata palabas ng mansyon. Sa bilis ng paglakad ay hindi na niya nasuri ang kabuuan ng bahay. Basta-basta na lang siya nitong inilabas at pinasakay sa kotse. Hindi niya alam kung saan sila tutungo at hindi rin naman siya kinakausap ni Kill sa buong byahe. Basta na lamang huminto ang sasakyan sa tapat ng kulay berdeng gate ng may kalakihan ding bahay.
Pinindot ni Kill ang doorbell nang paulit-ulit. Mula sa loob ay may narinig siyang sumigaw na babae. “Wait up! I’m coming!”
Tumatakbo ang isang babae palabas at binuksan ang gate. Tinignan niya mula taas pababa ang babae. Balingkinitan ang katawan nito, mahaba ang buhok na kulay pula. Hindi mukhang Pilipino ang babae base sa mukha nito. She looked very american.
Tinignan nito si Kill pagkatapos ay nabaling sa kanya saka muling bumaling sa lalaki. “Kill! What a… pleasant surprise! Ano’ng… ano’ng ginagawa mo rito?”
Gamit ang posas, nagawa siyang itulak ni Kill paharap at kandadapa sana siya kung hindi lamang muling nahatak ng binata ang kanyang kamay. “Dress this woman for the banquet tonight.”
Banquet? What banquet?
“P-pero, Kill—”
“Do as I say, Victoria. Dress her up!”
Hindi na siya magtataka kung bakit walang makakatagal kay Schneider. Ubod pala talaga ng bastos ang isang ito. Akala niya’y siya lang ang natatanging biktima ni Kill, marami pala sila.
Pinapasok sila ng babaeng ayon kay Kill ay nagngangalang Victoria. Kinalagan ng binata ang posas niya para madala siya ni Victoria papunta sa isang silid na panay salamin, makeup kits, at mga nagkikinangang damit ang nakalagay. Naiwan naman sa labas ng silid ang bampira.
“Are you some sort of a barbie doll fanatic?” takang tanong niya habang palinga-linga sa kwarto ni Victoria. Masyado iyong makulay at masakit sa mata.
Tumawa si Victoria. Napakahinhin ng tawa nito at masarap sa pandinig. Mayamaya’y marahan siyang hinatak ng dalaga paupo sa silya na kaharap ng salamin sa tokador.
“Hindi. It’s just… a necessary thing for aristocrat girls na magkaroon ng ganitong kwarto at mga gamit.”
Kumunot ng bahagya ang noo niya. “I don’t have this.”
Mula sa salamin ay nakita niyang namilog ang mga mata ni Victoria. “You are an aristocrat?”
“You can say that,” kibit-balikat niyang pakli.
“Oh then what’s your name?”
“Raven Weinlord.”
Napasinghap si Victoria. “The Weinlords! The owner of the Black Blood Academy, is it?” she smiled saka pinagkaabalahang pahiran ng kung anu-ano ang mukha ni Raven. “Then bakit wala kang essentials na gaya ng dressing rooms? Babae ka, Raven. Dapat meron kang mga ganito. You should dress up, go out, show the world you’re beautiful.”
Tinitigan niya si Victoria. The way the woman looked at Kill earlier, tiyak niyang may gusto ito sa bampirang iyon. Ang kaso, mukhang na-friendzone ang ating bida. Sad life. “Why waste time with all these stuff when the one whom you want to be beautiful for don’t even give a damn about how you look?”
Natigilan si Victoria, unti-unting nawala ang ngiti. Kaagad niyang nakita ang pagrehistro ng kalungkutan sa mata nito habang pinagpapatuloy ang gawain. “Beauty is every girl’s diamond, Raven. Noticeable or not, it’s always going to be our crown.”
She didn’t believe that for a second. Alam ni Raven na may taglay siyang ganda. She believes every people does. Sabi nga ni Dorothy Parker, beauty is merely skin deep. But ugly goes clean to the bone.
Hours later, pagkatapos nitong i-curl, i-highlight at kung anu-ano ang kanyang buhok, pagkatapos nitong lagyan ng makeup ang buong mukha niya at pagbihisin ng floral dress na sobrang light ng kulay eh pinalabas siya nito ng kwarto para ipakita kay Kill ang kanyang itsura.
He eyed her up and down. Raven rolled her eyes. “When you’re done drooling, let me know.”
Napangisi si Kill na tila nabigla sa kanya. “You really know how to boost your female ego, don’t you?”
“Like you really know how to be the biggest crap I’ve seen my entire life.”
Ngumisi lang ang binata saka walang imik na ibinalik ang posas sa kamay nila. Nagpasalamat ito kay Victoria na ngumiti lang at kumaway. Napailing siya nang makalabas sila at nagmamaneho na ito.
“I think she wants to come with you to the banquet—whatever thing that was.”
Walang sinabi ang binata kaya’t nagkibit na lang siya ng balikat.
Pagdating sa venue, dumeretso si Kill sa pakikipag-usap sa mga babaeng halos iprisinta na ang mga kaluluwa sa binata. Napairap si Raven. How inappropriate. Most especially dahil kabuntot siya nito. Pakiramdam niya’y sinasadya nitong pagmukhain siyang tanga.
“Let’s go.” Sabay hila na naman sa kanya palayo sa kumpol ng mga taong kinakausap nito kanina.
Noon niya napansin na may tatlong babae ang nakasunod sa kanila. When she looked at them closely, Raven felt like they were compelled. Then Schneider entered a room from beneath the halls. Kasunod pa rin ang tatlong babae.
“What are you gonna do?”
Hindi sumagot si Kill. Instead he lured one girl down the couch. Raven thought he’s going to make out with the girl but he viciously attacked the girl’s neck. He almost drained her. And she watched in vain as he continues to feed himself. What the hell is he doing?
“Schneider. Hey.”
Mukhang hindi nakikinig si Kill. He’s down to the second girl. Lalapit sana si Raven sa una para pagalingin ang sugat nito but Schneider pulls her back and glared at her before continuing his assault. Hindi na niya maintindihan ang ginagawa ng binata.
Hell. Ano bang sinusubukan niyang gawin?
“Schneider. Kill. Hey. Stop it.”
Panandalian itong tumigil. Ironically, something pulsated within her when she saw his lips met up with his victim. The girl hypnotizingly responded. She arched her back to pull him closer. Wala nang naiintindihan si Raven. What the hell is going on?
And more importantly, what is happening to her?