Foolish

3062 Words
5th Blood Foolish “The wise are wise only because they love.The fools are fools only because they think they can understand love.” NANG pumasok sa kanyang  homeroom  si  Raven  kinabukasan  ay  nakita niya si Victoria na nakaupo sa silya niya. Kumunot ng husto ang kanyang noo at nakaramdam ng bahagyang inis. Lahat ng silya sa Academy ay may name plaque sa ibabaw ng desk para madaling malaman kung saan nakaupo ang isang estudyante at madaling mapagkilanlan ng mga guro ang pangalan. Hindi ba nito nakita ang kanyang plaque?             “Excuse me, pangalan ko ang nakalagay sa silyang ‘yan. That’s my seat, Victoria,” may talim na sabi niya sa pumiksing dalaga. She woke up on the wrong side of the bed today at wala siya sa mood na magpasensya.             Agad na tumayo si Victoria, namumula ang mukha nito na tila nahiya bigla. “P-pasensya na, hindi ko nakita.”             Nagpalinga-linga ito, hinahanap marahil ang pangalan. Mukha namang totoong hindi talaga nito alam ang tungkol sa plaque. Kakapasok lang siguro nito sa silid nang madatnan niya at umupo na lang sa isang random seat. Mabilis na lumipat si Victoria sa silyang katabi niya nang mahanap nito ang pangalan. Si Raven naman ay naupo na sa kanyang silya at sumubsob sa mesa.             She was yet again plagued with dreams of darkness and that voice. Hindi rin siya nakatulog ng maayos dahil sa pag-aayos ng mga kailangan ni Victoria at ng mga Black Beasts. She facilitated the restoring of Earl, iyong bahay na ginagawang quarters ng Black Beasts noon sa loob ng Academy. That was maybe why she was so pissed off this morning. Hindi kasi talaga maganda ang kanyang mood ngayong araw.             “Uhm… natatandaan mo ako? Nagkita na tayo dati. Roughly eight or nine years ago. I dressed you up. I’m Victoria Stealth. Ikaw si Raven, ‘di ba?”             Hindi na siya nag-angat ng mukha mula sa desk ngunit mula roon ay napairap siya. Damn hard-headed woman.             “Aren’t you told not to use Stealth anymore? Ang sabi sa akin, from now on while staying in this Academy, you are to be named Victoria Lewis para itago ang identity mo at hindi ka kuyugin ng mga taong galit sa ‘yo. Why are you using that as introduction?”             “Uhm… I just thought it would be senseless kung magpapakilala ako bilang Victoria Lewis since you… you know who I am.”             “Hindi ba’t mas senseless na balewalain ang effort ng mga taong gustong pumrotekta sa ‘yo?”             She fell silent for a second. Nakahinga ng maluwag si Raven at inakalang hindi na muling mangungulit si Victoria. But, boy, was she so wrong.             “Uhm… Nakakatuwa, noh? I’m actually quite proud of myself that I got to dress you up once. N-naaalala mo ba ‘yon? You’re so beautiful, Raven. I’m wondering if we can be friends.”             She had to give the woman credit—Raven was actually surprised she said that. Ang akala niya’y nage-gets nitong hindi kasama sa hobbies niya ang pakikipagkaibigan sa kung sino-sino lang.             Hinila niya ang ulo niya mula sa desk para umangat. She was so sleepy and tired she could stay like that in the desk for hours. Ganoon ang kanyang itsura nang bumaling kay Victoria. “Why are you sitting in my chair earlier?”             “I-I’m sorry?” tanong ng dalaga, tila nagulat sa ligaw na tanong na iyon.             “Why are you sitting in my chair earlier?”             “A-akala ko kasi walang umookupa no’n. Pasensya na, hindi ako tumitingin. Hindi ko pa kasi alam ang patakaran sa school, I didn’t know there were plaques like this.” Sabay inosenteng angat nito sa sariling plaque.             “Then why do you think katabi ng silya ko ang silya mo?”             “Uh… Name arrangement?”             “Weinlord sa Lewis? Victoria sa Raven? Snap out of it.”             “Well… Random arrangement perhaps—”             “No.”             Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. “Then why?”             Bumalik siya sa pagkakasubsob sa desk, hoping this will end the conversation. “Because students don’t want to be with me or to sit beside me let alone ask me if I can be friends with them.”             “Pero, Raven—”             “Good morning, class. Good morning, Lady…” nang mag-angat si Raven ng tingin ay nakakunot ang noo ng propesor na nirerebesa ang master list na hawak nito saka muling bumaling kay Victoria. “…Lewis, I assume. The new one. Why don’t you tell the whole class what you’re saying to Lady Weinlord? No? Introduce yourself. I believe you have missed the introduction yesterday.”             Tumayo si Victoria at lahat ng mata ay awtomatikong dumako sa dalaga maliban kay Raven. “My name is Victoria Lewis and I am a special transferee from Paris. Natutuwa akong makilala kayong lahat!”             Palihim na nailing si Raven. Hindi lahat ay matutuwa kapag nalaman nila kung sino ka.             Sa buong durasyon ng klase ay iniignora niya ang mga pangungulit sa kanya ni Victoria. Tiyak naman siyang palakaibigan ang dalaga ngunit wala lamang talaga siyang balak na pasamain pa ang loob ni Quincy. Kapag kasi naging mabait siya kay Victoria, iisipin ni Quincy na tanggap na niya ito.             Hindi niya nasundan ang tinuro sa buong klase. Basta’t nang tumunog ang bell na senyales ng lunch break ay agad na siyang tumayo. Isang estudyante pa ang nalagyan niya ng stamp habang palabas.             “First burn, check Quincy during lunch.”             “Sorry, Miss.”             Ikinasa niya ang baril habang lumalabas ng homeroom. Saglit siyang napahinto nang makita si Victoria sa may pintuan kasama sina Rain Jensens, Spade Arden, at Kill Schneider. Katabi naman nito si Chiri at tila may seryosong pinagpupulungan. She wondered briefly kung bakit doon pa napili ng mga itong mag-tsikahan.             Paalis na sana siya ng tuluyan nang narinig niyang sumigaw si Victoria. “Raven! Sabay na tayo mag-lunch!”             Nakagat niya ang loob ng kanyang pisngi at napatingala sa frustration. The woman just won’t give up!             “I’m not going to have lunch. Mauna ka na,” kaswal niyang tugon bago umalis.             “Cooey! Sandali lang! Courtney! Uy! Cooeeeyyy!”             Nalukot ang mukha niya nang marinig ang pagsigaw-sigaw ni Chiri ng pangalang iyon. Sa isip-isip niya, hindi ba pwedeng tawagin na lang nila ang kung sinumang Courtney iyon nang tahimik at hindi nag-eeskandalo sa pasilyo?             “Courtney Weinlord.”             Kagyat ang pagtigil ni Raven sa paglalakad. May nakabibinging tunog na umokupa sa tenga niya. Hindi niya mabuo sa kanyang isipan ang sinabi ni Kill at lalong hindi niya maintindihan kung bakit siya lumingon sa binata. Sinalubong siya ng mga matang nagtatanong at nag-aalala. Hindi niya alam kung bakit. Kung bakit ganoon siya tignan nito. But as his eyes begged for some response from Raven’s calm stoic eyes, Victoria’s eyes on the other hand mirrors pain while looking at Kill.             Nakita na niya ang mga matang iyon noon. The same scene, the same angle, the same envy and the same pain.             “Raven! Tara mag-lunch?” pukaw sa kanya ng bagong dating na si Quincy.             Tumingin siya sa binata, ngumiti at tumango. “What’s the menu for today?”             “Uh… Deli Platter I guess?”             “Cool. Let’s?”             Pagdating sa cafeteria ay umorder sila ng Deli at Sushi platters. Ibinahagi niya kay Tsuka ang platter niya dahil malaki naman iyon at hindi naman siya malakas kumain. Sa loob ng cafeteria ay usap-usapan ang pagbabalik ng Black Beasts. Hindi rin marahil nakatiis si Quincy at iyon na rin ang pinili nitong paksa na mapag-uusapan nila habang kumakain.             “Before I came earlier, there’s this huge tension between you and Kill Schneider. What’s going on?” usisa nito na may pagsususpetya sa mata.              “Kill Schneider?”             “Yeah, the vampire. The one with Victoria Ste—Lewis, her uh… you can say guardian. Tingin ko he’s assigned for that but I also think that he volunteered.”             “Yeah, I can see that too!” Tsuka hyperly yelped. “It looks like there’s something going on with the both of them, if ya’ know what I mean, Raven.”             Good for Victoria. Naisip niya. At least ay napansin ng bampirang iyon na head over heels si Stealth dito. Wala siyang ibang naitugon kina Quincy at Tsuka kung hindi ang umaayong pagtango.             “At saka ‘di ba, kapag vampires kailangan nila ng Countess?” dagdag pa ni Tsuka. “Baka Countess ni Kill si Victoria! Isa pa, bagay sila, hindi ba, Quincy? Isang maganda at isang gwapo. Parang kayo ni Raven, isang maganda at isang gwapo. Bagaaay!”             “Better revisit your eye doctor, little one. Mukhang may problema ka sa paningin.”             Nakita niyang tumigil sa pagnguya sina Quincy at Tsuka. Pagkatapos ay tumingin si Quincy sa kanyang likuran. Hindi niya sinundan iyon at sa halip ay isinubo na lamang ang huling sushi na nasa side ng kanyang platter at ngumuya na parang walang pakialam sa presensya ng nasa kanyang likuran.             Ganoon naman ‘yon, hindi ba? Ang mga ipis kapag hindi mo pinapansin ay kusang umaalis.             “Excuse me?” Quincy said after recovering from a short state of shock. “You’re talking to us?”             “I’m looking at you so obviously I’m talking to you and that little thing beside you. Kung magkukumpara ka ng mga tao, gather your informations right. Victoria is not my Countess—there’s no such thing—and lastly, Weinlord is not suited to a guy like that. Taasan n’yo ng konti ang ipapareha n’yo sa kanya. You might offend her.” At saka niya narinig ang pag-ismid nito mula sa likuran.             Bumuntong hininga siya ng tahimik at muling kumain. Mapait na umismid din si Quincy at tinitigan ng matalim ang kasagutan. “I don’t see any reason kung bakit ka nakikialam sa isang simple at tahimik na pag-uusap, Mr. Schneider.”             “Narinig ko ang pangalan ko. That gives me the right to butt in. Isa pa, disappointed ako na sa ‘yo ipinapareha si Courtney ng bulilit na ito. That’s utterly disgusting.”             And that’s utterly immature, Schneider, dugtong ni Raven sa isipan at muli’y nagbuntong hininga.              “Why would it disgust you? Ano bang pakialam mo? You’re not even one of Raven’s friends kaya ano’ng pakialam mo kung magkatuwaan kami sa gano’ng bagay?”             “First of all, I don’t recall Raven having friends in this very Academy. And I won’t even dare to think for one second that she’ll choose you as a friend.”             Sa tantya niya’y napikon na si Quincy sa puntong iyon. Tumayo ito mula sa upuan. Tumitig ng matalim kay Kill. Mukhang natakot naman si Tsuka. Ngunit si Raven ay malapit nang mainis. Ayaw niyang ubusin ang natitira niyang enerhiya para awatin pa ang dalawang ito. They are grown up men. Alam naman na siguro ng mga ito ang tama at mali.             “Kill! Oh my gosh, Kill, stop it!”             Nakaramdam ng kaunting ginhawa si Raven nang marinig ang tinig ni Victoria. Finally! Someone that’s stupid enough to stand referee!             “H’wag kang makialam dito, Victoria,” dinig niyang angil ni Kill. Muntik na sana siyang lumingon doon ngunit napigilan niya lamang ang sarili.             “Utang na loob naman, ’wag ka namang ganyan. Bakit ba pinag-iinitan mo si Quincy? Wala namang ginagawang masama sa ‘yo ‘yang tao. Tara na lang sa Earl please? Kill, makinig ka naman.”             Matalim pa rin ang titig ni Quincy kay Kill ngunit unti-unting pumorma ang ngisi sa labi nito na tila nanunuya. “Makinig ka sa kanya, Mr Schneider. Bet my ass she’ll save you from a lot of trouble.”             “Tara na, Kill.”             “Leave me alone, Victoria.”              “B-but—”              “You want me to yell or you’ll leave me alone?”             Noon na piniling tumayo ni Raven. Pakiwari niya kasi’y pati si Victoria ay aawayin na rin ni Kill. Isa pa’y nakakatawag na sila ng atensyon. She really couldn’t have that.             “Alright, I’m full. I’m gonna head back to the hallways, Quincy. Wanna go with me or uubusin mo muna ang lunch mo?”             Umiling si Quincy at kinuha ang bote ng tubig sa lamesa. “Nawalan na ako ng gana. Sasama na kami ni Tsuka.”             Umalis na sila sa mesa. Agad niyang nakita ang mga nagkukumpulang estudyante sa bawat mesa maging sa pintuan ng cafeteria at nagbubulungan tungkol sa komosyong naganap. They were probably placing bets on who’s going to win the brawl kung sakaling natuloy mang mag-upakan ang dalawang lalaki.             “Raven.”             Huminto siya at lumingon kay Kill. Bahagya siyang nagulat nang salubungin ng mga matang mataman ang titig sa kanya at tila pilit na pinapasok ang kanyang isipan. And then out of the blue he said: “Next time that someone calls you Courtney, respond to them.” “RAVEN?”             Napangiwi si Raven nang mapagkilanlan ang tinig na iyon mula sa kadiliman ng pasilyo ng gusali ng mga black bloods. Napatanong tuloy siya sa sarili kung ilang beses ba sa isang araw niya kailangang marinig ang malamyang tinig na iyon.             Lumingon siya kay Victoria. Nasisinagan ng ilaw ng buwan ang mukha nito kaya’t nakita niya ang malungkot nitong mga mata. Napakunot siya ng noo. “Nawawala ka ba? Zoid Dormitory is just across the Academy. Tapos na ang klase, Miss Lewis.”             “A-alam ko ‘yon. Ang totoo’y hinintay kita.”             Napatuwid siya roon. Mukhang seryoso ang babae. She was intrigued to be honest. “Ano’ng kailangan mo sa akin, Victoria?”             “M-may gusto lang sana akong itanong sa ‘yo.”             She made a play of checking her wristwatch bago bumaling muli sa dalaga. “Hurry, kailangan ko na ring umuwi.”             “Ano… N-naisip ko lang… Have you… have you been in love, Raven?”             Sukat doon ay bumunghalit siya ng tawa. Nag-echo pa sa buong pasilyo ang tawang iyon.             “Raven, seryoso ako!” giit ng dalaga na nagpatigil sa kanya sa pagtawa. Mukha ngang seryoso ito dahil parang naluluha na si Victoria dahil sa naging reaksyon niya. “Gusto kong malaman kung ano’ng opinyon mo sa pag-ibig. Kung ano sa ‘yo ‘yon, kung ano’ng ibig sabihin sa ‘yo ng pagmamahal!”             “My God, Victoria, slum book is like centuries ago. Move on.”             “Raven, I’m not joking, please. Just answer me.”             “Look, hindi ako nasabihan na nababaliw ka pala kapag sumasapit ang gabi at nagtatanong ka kung kani-kanino ng tungkol sa love. Don’t blame me kung wala akong naihandang sagot. Perhaps we should bring up this topic tomorrow so you can give me time to research about it.”             “Research?” bahaw na tinawanan siya ni Victoria na nagpaarko ng kanyang kilay. “See, that’s the problem with you. Lahat sa ‘yo ay pinag-iisipan. Lahat sa ‘yo, puro pilosopiya. Puro utak ang ginagamit. Kahit minsan ba naramdaman mong maging kuntento kapag naibibigay mo sa isang tao ang hinihingi niya sa ‘yo?             “Alam mo ba ‘yong pakiramdam na maging masaya sa isang ngiti lang niya kahit alam mong hindi para sa ‘yo ‘yon? Alam mo ba ‘yong pakiramdam na ayos lang na magmukhang tanga basta nasa tabi ka niya at hawak ang kamay niya? Alam mo ba ‘yong pakiramdam na buhay ka sa isang pantasyang marahil ay isang araw, mamahalin ka rin niya’t mapapansin gaya ng pagmamahal mo sa kanya? Naramdaman mo na ba ang mga ‘yon, Raven?”             Her second surprise of the day apparently. Ni sa hinagap ay hindi niya aakalaing may ganoong kakayahan si Victoria para sumabog. She looks too nice. Too… passive.             Napatawa ng bahagya si Raven at napailing. “Dearest, mali ka ng pinagtanungan mo. You see, I have lived many lives and I forget. Kapag isa kang imortal na matagal nang nabubuhay, nakakalimutan mo na kung ano’ng pakiramdam ng isang bagay. Gradually, it’ll become a blur to you. And as time passes, you won’t care anymore whether you felt something like that or you didn’t. I am an existence with nothing to remember, Victoria.”             “Pero hindi ka tao kung hindi ka nagmamahal!”             “I was human eons ago! My stint with being human is done so I suggest you go on your own merry way being one.”             Tumalikod na siya, handang-handa na para umalis. Ngunit ang malakas na sigaw ni Victoria ang nagpatigil sa kanya.             “Pero bakit ka niya mahal?! Hindi ko maunawaan kung bakit mahal na mahal ka niya!”             May parte sa kanyang pumintig nang marinig iyon. But she chose to ignore it. Tiim ang bagang na nilingon niyang muli si Victoria. Umiiyak na ito at may bahid na ng galit at sakit ang mga mata. Nakaramdam siya ng awa sa dalaga. But she just have to tell her the truth—howerver painful the truth is.             “You know what I learned from existing this long, Victoria? It’s that love is only an illusion. We’re born alone, we live alone, and we die alone. Ang pag-ibig ay isa lamang ilusyon para ipakitang kahit na saglit lang, maaari mong matakasan ang pag-iisa. But that’s that, dearest. An illusion. Don’t fall into that trap. Do not offer your whole life to someone who doesn’t give a single f**k about you on the guise of an illusion.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD