21st Blood: Connection “As you are a now so once was I. As I am now you soon shall be.” “AZRIEL…” Napabalikwas ng bangon si Raven. Agad siyang binati ng kadiliman sa loob ng silid. Nagpalinga-linga siya, itinatanong sa sarili kung panaginip ba ang narinig niya o totoong may tumawag sa kanya sa pamilyar na pangalang iyon. Sanay siyang magising na mag-isa. Sanay siyang maramdaman ang lamig ng Black Room kasama ang mga nakapaligid na nabubuhay na bagay na hindi tao at mortal. But now it doesn’t feel cold at all. Not cold at all. “Mi angelica?” Sa kung ano’ng kadahilanan ay napahagikhik siya nang marinig ang tinig na iyon sa kanyang isipan. Tumingin siya sa katabi niyang nakangisi sa kanya. Inangkla nito ang isang braso sa kan

