Chapter 10

1916 Words

DINALA SIYA ni Kara sa dating arts head quarters nila. Pinilit ni Savannah ang sariling huwag mapatingin sa mga painting na naroon dahil siguradong makakaramdam siya ng longing sa pagpipinta na matagal na niyang kinalimutan kasabay ng mga nangyari sa kanya sa nakaraan. Wala namang masyadong pagbabago sa ayos ng mga gamit sa silid. Naroon pa rin ang bookshelf na naglalaman ng mga libro tungkol sa arts at sa tabi niyon ay ang cabinet para naman sa mga art materials. May dalawang mahabang lamesa din at mga upuan para kung may gagawing project or pagmemeetingan ang org. "So.. Anong meron kay Noah?" Tanong ni Kara binalingan siya matapos maupo sa isa sa mga silya sa mahabang lamesa. Malakas na bumuntong hininga si Savannah. Nagdadalawang kung sasabihin ba rito ang totoo o gagawa ng istorya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD