NAGISING si Savannah na parang minamartilyo ang ulo niya sa sakit. Nakasapo sa noo ang kaliwang kamay. "Aw! s**t na hang over 'to," usal niyang hinihilot ang sentido. Nang mabawasan ang sakit dahan-dahang siyang nagmulat ng mga mata at nabungaran ang puting kisame ng guestroom nina Audrey. Hindi na niya kinaya ang pagkahilo kagabi kaya nagtungo na siya sa silid mag isa. She knows how take care of herself. Alam niya ang limitasyon pagdating sa alak kaya walang lalaki ang nagawang isahan siya. Isa kasi 'yon sa ipinangako ni Savannah sa sarili noong tumuntong ng kolehiyo walang maaring umargabiyado sa kaniya na kahit na sino. She was done being the weak and fragile girl. Nakahawak pa rin sa noo na bumangon si Savannah sa higaan at kinapa ang cellphone na napunta sa ilalim ng unan. 11AM

