NILALAMIG na nagising si Savannah. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at niyakap niya ang sarili. Anong nangyari? Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Tricia sa parking lot at nag-uusap sila nang biglang may maamoy na masangsang na amoy. Nahilo at nagdilim ang paningin niya hanggang sa mawalan ng malay. Tama! Pero nasaan ako? Napabalikwas si Savannah ng bangon. Iginala niya ang paningin. Nasa loob siya ng isang maliit na silis. Walang gaanong kasangkapan kundi isang kama na inuupo niya at lumang TV. This looks like a cheap motel room. Nasaan ang bruhang si Tricia? Bakit siya dinala ng babaeng yun dito? Nahagip ng paningin ni Savannah ang wallclock sa kaliwang bahagi ng dingding. Nanlaki ang mata niya ng makita mag-aalas otso na ng gabi! Gosh! Tanghali lang iyon ng

