Napa-singhap si Savannah sa pagbubunyag ni Tricia sa lihim nila. At ang masama pa nun sa harap ng mga kaibigan ni Noah. Ano na lang iisipin ng mga ito? Lalo na ang nobyo, ano na lang ang mararamdaman nito? *** HINDI pa man nakakabwelta si Savnnah sa sinabi ni Tricia. Nang may marinig silang tumutunog na sirena galing sa mga pulis na tinawagan ni Kara. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga ito sa silid na kinaroroonan nila. Agad na dinampot ang apat na lalaking bugbog sarado maging si Tricia ay dinakip din. Dumiretso sila sa police station 'di kalayuan sa lumang motel. Tulad ng inaasahan ni Savannah, dumating ang abogado ng pamilya ni Tricia na siyang nakipag-areglo sa kanila at nangakong hindi na raw manggugulo ulit ang bruha. Ipadadala daw ito ng mga magulang sa abro

