Chapter 2

1894 Words
PAGKATAPOS ng klase ni Savannah ng hapong iyon nakatanggap siya ng message galing kay Becca na magkita-kita sila sa paboritong nilang spot, ang coffee shop sa loob ng university. Para i-discuss ang "Brilliant idea nito." Ano naman kayang plano ng bruhang yun? Tuwing may maiisip kasi ang mga kaibigan na kalokohan madalas ang ending, nasesermonan siya ng tatay niya. Papalabas na si Savannah ng Tourism Building, nang mapangiwi siya. Papasalubong sa nilalakaran niyang pathway si Theo. Wala naman kasing kasawa-sawa ang lalaking ito sa panliligaw sa kanya. Kahit ilang beses na niyang binasted ang lakas pa rin ng fighting spirit. Hindi malaman ni Savannah kung saan ba ito humuhugot ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura na lapit-lapitan siya. "Hi, Vanni! Saan ang punta mo?" masayang bati nito. Lalong napangiwi si Savannah ng lumabas ang braces nito sa lawak ng pagkaka-smile sa kanya. Saang baul ba ng sinaunang tao nakuha ng lalaking 'to ang everyday outfit? Puting longsleeve take note nakasarado lahat ng butones, itim na slacks (baggy style) at black shoes. With matching eye glasses na hiniram pa yata sa lolo nito. Pati nga pangalan sinaunang tao! Theodoro Alfonso Jr. Hindi tinitingnan ang lalaki na binilisan niya ang lakad. "Diyan lang sa coffee shop." "Ihatid na kita." Hinarap niya ito. "Theo, I told you may di-ni-date na ako so stop courting me, okay?" Mahinang sita niya dito. Ewan ba niya. Oo maldita, bratinella at wicked b***h siya. Pero hindi niya magawang maipahiya ang mga nerd na katulad ni Theo. O, baka dahil may naalala siya sa mga katulad nito. Someone from her past.. Past is past Savannah! "Vanni, I just wanted to be friends with you. Masama ba iyon? At usap-usapan sa campus na hindi mo na raw kayo nag-da-date ni Johnny ngayon dahil-" "Hey, stop!" Itinaas ni Savannah ang isang kamay sa ere. Ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod nitong sasabihin dahil narinig na niya iyon sa dalawang kaibigan. "Please naman, Vanni... all I'm asking for is friendship, is that too much?" Pagmamakaawa nito. My god! Ano ba 'tong lalaki na 'to!? Hindi ba ito naawa sa sarili niya? Kung ayaw sa'yo ng isang tao! Huwag mong ipilit ang sarili mo! Pero hindi niya rin masisi si Theo, wala yatang lalaki ang hindi naghabol sa kanya. Iiling-iling at walang lingon-lingon na nilayasan niya ito. Hahaba lang ang usapan nila. "Vanni, wait up!" Habol nito. Nanliliit tuloy si Savannah sa tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong nila. May ibang nagtatawan lalo na 'yung mga babaeng sangkaterba ang inggit sa kaniya. Nang makarating sa tapat ng coffee shop. Hinarap niya uli si Theo. "Stop following me, okay?" dire-diretso siyang pumasok sa loob. Sumimangot siya ng makitang nakangisi sina Becca at Tricia, itinuturo ang direksyon sa labas ng shop. Malamang nakita ng mga ito na kasama niya si Theo. Padabog na naupo siya sa silya na para sa kanya. "Tama ba ang nakita namin? Kasama mo na naman ang forever loyalist mo na si Theo?" Bungad agad ni Becca na tatawa-tawa. Inirapan niya ito bago tumawag ng waiter. "Hanga na talaga ako d'yan sa nerd na yan Vanni ang taas ng fighting spirit at lakas ng loob para lapit-lapitan ka! Dinaig pa si Tyler." Naiiling na sabat naman ni Tricia. Naiiling na sinabi niya ang order sa waiter saka nag-register sa isipan ang ex boyfriend na dahilan ng lahat ng pagkalat ng mga tsimis tungkol sa kanya. "Bakit ba hindi mo siya ipahiya 'no? Para tantanan ka na niyan." Agaw ni Becca sa Atensyon niya. Hindi niya masabi sa mga ito that he reminded her of someone from her past kaya hindi niya magawang ipahiya ang nerd na school mate. At isa pa baka pagtawanan at pagkaisahan pa siya ng dalawa kapag nagkwento siya. Walang pinagkakatiwalaang ibang tao si Savannah. Lalo na ang dalawang ito. May mga close friends naman siya kahit paano. Yung niya bestfriend noong high school na nasa ibang university at si Kara na isa sa mga una niyang nakilala sa unang taon niya sa kolehiyo. "Pwede ba? Let's not talk about him. I never imagined na magiging topic natin ang nerd na iyon!" umiikot ang mga matang sabi niya. "Right! Nakakasuka siyang pag-usapan!" Sang-ayon ni Tricia saka bumaling kay Becca. "Sabihin mo na samin yang brilliant idea mo na yan!" Ipinatong nito ang dalawang kamay sa lamesa. Na parang may i-di-discuss na business matter sa kanila. "Well, we're talking about Noah right? If he's gay or he's just not into Vanni." "Oh, tapos?" Si Tricia. Naiinip ang ekspresyon sa mukha. Si Savannah ay nakadekwatrong nakikinig lang. "So, I've come up to this Idea! Why dont we have bet?" Kumunot ang noo ni Savannah at hindi napigilang magtanong. "What bet?" "Bet, pustahan girl." She said like "duh?" Pinatirik ni Savannah ang mga mata bago sumagot. "Yeah... I know becca." She said sarcastically. "What I meant was be specific naman!" saka pinanlakihan ito ng mga mata. "Hindi pa kasi ako tapos di'ba?" "Bilisan mo na kasi, pa-suspense ka pa, eh!" Maktol na sabat naman ni Tricia. Prenteng sumandal si Savannah sa silya niya. Nang may maagaw ang atensyon nila ng ingay mula sa mga grupo na kakapasok lang sa coffee shop. "Speaking of.." ngiting-ngiti na baling ni Becca sa direksyon kung saan nanggagaling ang ingay. Kunot noong nilingon ni Savannah ang sinisipat ng kaibigan. Ang grupo pala nina Noah. Kasama nang lalaki ang mga team mates nito sa soccer. Mukhang kakatapos lang ng practice. Sakto namang pagsulyap niya, nagtama ang mga mata nila ni Noah na agad nag-iwas ng tingin sa kaniya. What's wrong with you huh? Titingin-tingin ka 'tas iiwas mo mga mata mo. Sa loob loob niya bago hinarap muli ang mga kaibigan. "So, What is it again?" Tanong niya kay Becca na kulang na lang maglaway habang nakatingin sa mga varsity. "We need to abort the mission! Nandito lang ang target." Oa na pagkakasagot nito. Humalukipkip siya. "It's okay... as if naman maririnig tayo n'yan!" "Duh, Vanni! What if marinig tayo ng isa sa kanila." Bulong ni Tricia na nakatingin rin sa grupo. Obvious na obvious ang bruha. "Okay, Okay... So saan tayo mag-uusap, aber?" Nakakainis naman lagi namang pabitin tong mga to. "We can talk over at our favorite resto bar!" "You know, I cant go there." Bukod sa pagiging wild at playgirl. May pagka-war freak din siya kung minsan. Nakaaway niya ang anak ng may ari nang bar. Dahil sa boyfriend nitong nilalandi siya noong minsan silang magpunta doon. "Oo nga bawal doon si, Vanni!" Segunda naman ni Tricia. Umikot ang eyeballs ni Becca bago sumagot. "Okay! To the girls bathroom! Para safe." Nagkatinginan ang tatlo nagtanguhan na parang may gagawing importanteng misyon saka sabay-sabay na tumayo. Naglalakad na sila palabas ng coffee shop. Nang mag-ingay ang grupo nang tumapat sila sa mesa ng mga ito. Malamang dadaan yata ang isang Savannah. Lalo niyang pinaindayog ang balakang at huminto. . . "Hi, boys..." Maarteng niya hinawi ang buhok bago tuluyang umalis. "Whoaaa.... Holy s**t! She's effin hot! I could die kappag pumayag siyang makipag-date sa'kin ang isang Savannah Hidalgo." Narinig niyang wika ng mga kaibigan nito. "Gosh, Vanni! Ikaw na!" Natatawang siko sa kaniya ni Tricia. Nag-b***h face siya sa kaibigan at ngumisi. One last glimpse bago tuluyang lumabas ng coffee shop. Napansin niyang naka-kunot at parang nakasimangot si Noah habang patuloy ang mga kaibigan nito na siya ang topic. Malaki talaga ang problema sa 'kin ng lalaking yun! *** Dumiretso sila sa girls bathroom malapit sa Tourism Building dahil kakaunti lang ang gumagamit ng restroom doon. Gustong umikot ng eyeballs ni Vanni ng pumasok pa si Becca sa isa sa mga cubicle. "Vanni, come inside!" Bulong nito. Sabay hatak sa braso niya. "What the hell!" Nandidiring inikot niya ang paningin sa maliit na cubicle. Goodness nagkasya silang tatlo doon? "Back to what Ive said. Magpustahan tayo. Para malaman natin kung bakla nga si Noah or he's just not into you Vanni." Tumaas ang isang kilay niya't humalukipkip. "Okay, then?" "Make him yours!" Walang paligoy-ligoy na sagot nito. "Make him mine? What do you mean?" "Edi, ano pa... have s*x with him and make him beg for your attention and then break his heart!" May excitement pa sa huling katagang binitiwan nito. Paano niya gagawin yun? Eh, ni hindi nga siya masulyapan man lang ng lalaking na 'yon? "Why would I do the last part? Break his heart?" Kunot noong tanong niya. Siguro yung s*x part maintindihan pa niya kahit wala pa siyang karanasan. Ilang beses na ba nilang napagkutawaang maging pustahan iyon? Na tuwina ay nagagawa niyang lusutan. "Duh, Vanni? Masyadong boring kung ganun na naman..." lukot ang mukhang disagree ni Becca. "I agree! Let's add up a little bit of spice here... So mas magandang make him head over heels in love with you. Tingnan natin ang tibay ng Noah na 'yan!" Sang-ayon naman ni Tricia sa suhestiyon ni Becca. Kunot noong pinaglipat niya ang tingin sa dalawang kaibigan. Well matagal na din naman siyang na-cha-challenge sa Noah na 'yun. bakit ba hindi niya subukan? Nang makaganti siya sa mga pang-ssnob nito sa kanya. "Okay, fine!" Sagot niya. "This is so exciting!" Excited na sabi ni Becca. "So ang ipupusta natin is-" binitin ni to sinasabi. Nakangising pinagmasdan sila ni Tricia. May ipupusta talaga? Usually kasi katuwaan lang nila kapag nag-da-dare sila sa isat-isa. Pero this time mukhang seryoso ang mga witch niyang kaibigan. "Our cars" she said, with an evil smile on her lips. Namilog ang mga mata ni Vanni. "What?! Our cars? Are you serious?" "Oo, bakit? Para mas challenging! Kung mananalo ka. Kotse namin ni Tricia ang makukuha mo. Pero 'pag natalo ka samin ang kotse mo!" Naghahamong ani Becca. "Kailangan ba talagang kotse?" Parang biglang nawalan ng energy ang si Tricia sa narinig. Tumango-tango si Becca bago muling nagsalita. "So, ano? Hindi mo kaya? Ang isang Savannah Hidalgo, tumanggi sa challenge? It's doesnt sound like you girl. Isang Noah lang pala ang kakatakutan mo?" Naningkit ang mga mata niya. Hindi pa yata pinapanganak ang uurungan ni Savannah! "Deal! Give me a month! I will show you! He'll be mine!" "That's too long, Vanni." Iling ni Becca. Habang nakatanga lang sa kanila si Tricia "Becca, Becca, my friend... My BMW M3 will cost more than your combined cars' amount." Mayabang na wika niya. "So I think may karapatan akong mag demand." Nakataas ang kilay na dagdag niya. Nagsukatan silang tatlo ng tingin at sabay na sabing. . . "DEAL!" Sabay-sabay rin silang napatalon sa gulat nang biglang may mag-flash sa kabilang cubicle. Gulantang na nagkatingin silang tatlo. Nagmamadaling lumabas at sinilip ang kabilang cubicle pero wala na silang naabutan na tao roon. "What the hell! Who was that? Do you think. She heard us?" Si Tricia. "Of course not... It's nothing! Tsaka hindi naman niya tayo nakita ng kung sino mang 'yon!" Si Becca. "You know what, girls. Lets go! Before someone sees us na nag-tsi-tsismisan!" Ani Vanni at nauna ng lumabas ng restroom. Sino nga kaya yun? Huwag naman sanang ang bruhang si Andrea! If that happen siguradong malaking gulo iyon! Knowing that b***h! Magaling gumawa ng istorya! Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD