Chapter 3

2229 Words
MAAGANG pumasok si Savannah dahil balak niyang hunting-in si Noah. Ang balita niya ay sabay ang klase nila sa umaga. Dapat samantalahin niya ang pagkakataon 'yon. Pagpasok sa campus dumiretso siya sa Architechture Building. As usual inulan na naman siya ng nagnanasang tingin ng mga lalaking estudyante. Puro sipol at halos mabali ang leeg ng mga damuho kakahabol ng tingin sa kanya. She's wearing a white crop top partnered with mid ripped jeans. Sa tuwing tataas ng kaunti ang kamay niya ay nakikita ang piercing sa kaniyang pusod. Hakab na hakab rin ang magandang hugis ng balakang at hita niya dahil sa fit na fit na pantalon. Nag-chin up siya at nagpaskil ng pekeng ngiti sa labi para sa mga manyak na bumabati sa kanya. Ganyan nga Vanni, hayaan mo silang maglaway sa'yo. Hanggang titig lang naman ang mga manyak na 'yan. Lumiko siya sa dulo ng hallway para doon sa dulong pasilyo doon hintayin si Noah. Pasilip-silip siya mula sa pinagtataguang pader. Shit naman, oh! Mukha akong detective dito! Bakit ba kasi pumayag ako sa trip ng dalawang bruhang iyon! Sa muling pagsilip ni Savannah nakita niyang paparating na si Noah. Nagmamadaling kinuha niya ang compact powder sa bag at nag-retouch. Nang masiyahan sa itsura, sumilip siya ulit sa pinagkukublihang pader. Pinagmasdan niya ang lalaking naglalakad papalapit sa pinagtataguan niya. Nakasuot ito ng white plain shirt, faded jeans at kicks na itim. Sumasabay sa bawat galaw ng katawan ang buhok na parang kakagising at kakabangon lang sa kama. Hmmm, damn... He so hot! Umarko ang kilay niya nang mapansing binabati ito ng mga kababaihang nakakasalubong at ang kumag gumaganti naman ng bati at ngiti. Samantalang kapag siya ang bumabati dito ni hindi man lang siya tinatapunan kahit saglit na tingin. Nagngitngit siya. But she composed herself sa gagawing plano. Nang malapit na si Noah, lumabas si Savannah sa pinagtataguan niya. Nagkabanggaan sila. He grabbed her waist. "Miss, sorry—" nabitin sa ere ang ano pa mang sasabihin nito ng mag-angat siya ng mukha at matamis na ngumiti. "Hi, goodmorning! Sorry I didn't see you coming." Kagat ang ibabang labing sabi niya. Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit ka kasi Paharang-harang sa daan? Tabi dyan." anito. Binitiwan siya sabay tumalikod at walang kaabog-abog na nilampasan siya. Naiwang nakamaang si Savannah. What the hell just happened? Ang isang katulad niya dinedma ng lalaking 'yon sa harapan ng maraming tao! "Whoaah... Whoooa!" Tudyo ng mga estudyanteng nakarinig sa pagsusungit sa kaniya ni Noah. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Kitang kita niya ang ilang kababaihan na pinagtatawanan ang pagkapahiya niya. Ang iba naman ay nag-bubulungan habang sinisipat siya ng tingin. Naningkit sa inis ang mga mata niya at sinundan ng masamang tingin ang pigura ng papalayong lalaki. I swear to the demons in hell! You will beg for my attention, asshole! Hinawi niya ang buhok patalikod, tinaasan ng kilay at inirapan ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya. "Tse! Ang papanget niyo!" Nagmamartsang paalis na sabi niya. *** HINILOT ni Savannah ang sintido. Matutuyuan yata ng hangin ang utak sa kakaisip ng paraan paano mapalapit kay Noah. Sa hindi niya malaman na dahilan parang super allergic sa kaniya ang lalaking 'yon. Napansin niya ang pagbati at pagngiti nito sa babaeng nakakasalubong kanina. Hihingi pa nga sana nang paumanhin ang binata sa kaniya. Subalit no'ng makilala siya ay bigla na lang nagbago ang mood at naging masungit! Hindi niya tuloy malaman kung anong gustong palabasin ni Noah. Hindi kaya tama ang hinala niyang closetang ka-pederasyon si Noah? At malaki ang insecure sa kaniya? Dahil siya ang pinaka-magandang babae sa university? Pagkatapos ng klase ni Savannah. Binalak niya uli hunting-in si Noah para magpapansin. 'Di nga lang niya alam kung saan lumapalop ba hahagilapin ang lalaki. Nagpaikot-ikot na siya na parang timang sa university pero ni anino nito hindi niya makita. Nasaan kaya 'yon? Natigilan siya sa paglalakad sa harapan ng malawak na soccer field. Sumimangot siya. Bakit ba di niya ginagamit ang utak niya?! Star player lang naman ng soccer team si Noah ng soccer team nila! Great just great nag-aksaya pa siya ng energy. Lumakad siya sa chain fences na bumabakod sa soccer field. Wala siyang matanawan na tao doon. Nilinga niya ang paligid. Nasaan kaya ang mga varsity player? Sinubukan niyang buksan ang gate pero naka-lock. Ipinalibot niya ulit ang mga mata. Wala talagang katao-tao sa paligid. Naiiling na aalis na sana si Savannah, nang liparin sa mukha niya ang isang papel. Tiningnan niya ang nakasulat sa poster. TRY OUTS FOR OUR SOCCER TEAM'S CHEERING SQUAD! Umangat ang isang kilay niya habang binabasa ang ibang detalye na naroon. Kabaduyan naman tong cheering squad na 'to but— wait... wait! Pumitik siya. Itinaas sa ere ang hawak na poster at nagniningning sa kapilyahan ang kislap sa mga mata, tumili siya. "This iz it!!!!!" Bakit ba hindi niya ginagamit ang brilliant mind niya! Kung makakapasok siya sa cheering squad. Siguradong lahat ng play offs at mga parties kasama siya. Meaning... sa ayaw at sa gusto ni Noah ay magkukrus ang landas nila! Goshhhh! This is really the answer to her seduction 101! Isang witchy grin ang unti-unti sumilay sa mga labi ni Savannah. Ito na ang simula! Humanda sa kaniya ang Noah na 'yan! "What are you doing here? smiling like a psycho?" Natutop ni Savannah ang bibig sa gulat mula sa tinig na nanggaling sa likuran niya. Dahan-dahan siyang pumihit paharap. It was... Noah. Bumaba ang tingin niya. He was wearing his soccer uniform. Kunot ang noong nag-stretch ang mga brasong pinagmamasdan siya. Parang ang tigas ng mga muscle nitong nakalitaw sa manggas ng tshirt. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya nang humakab ang abs nito nang i-stretch sa likod ang mga kamay at braso. Sunod-sunod napalunok si Savannah. Alam niyang hindi siya gustong akitin ni Noah. But damn! She didn't expect him to be this f*****g hot! Savannah to earth! Ang hormones! Ang hormones! Kinalma niya ang sarili. She should be the one seducing him. Not the other way around! My god! Tumaas ang kilay nito nang masundan ng mga mata ang tinititigan niya. "Busy, disecting my body?" Napapahiyang tumikhim siya at umangat ang paningin sa mukha ng nito. "O-Of course not! I was just looking for my friends." Anya't ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Here? You're friends? Hindi ba dapat kung saan maraming lalaki doon mo hinahanap ang mga kaibigan mo?" Muntik ng umangat ang kilay niya. Subalit nagpigil si Savannah. Malaki pala talaga ang problema nito sa kanila ng mga kaibigan niya 'no? At alam pa yata ang hideout nila. "What do you mean by that?" "You know what I mean... and you do know where to find them," may diing sagot nito bago siya tinalikuran at walang lingon-lingong nagjogging papasok sa loob ng soccer field. Naiwan na namang nag-ngitngit si Savannah. Antipatiko ng bwiset na 'yon! Kung 'di lang dahil sa kotse niya. Asa ka pang lapitan niya ang lalaking 'to! Inis na sinipa ni Savannah ang maliit batong nasa paanan niya habang masamang nakasunod ang tingin kay Noah. *** "ANONG NANGYARI sa'yo girl? Don't tell me... suko ka na agad sa deal?" Nanunuyang bungad sa kaniya ni Becca. Padabog na naupo si Savannah sa bakanteng silya. Nagtungo siya sa coffee shop matapos ang encounter nila ni Noah. Naiinis pa rin siya sa kasungitan ng lalaking iyon. "Of course not, b***h!" "Whoa! Whoa... easy girl. Nagkaka-wrinkles ka na, oh!" Pambubukas naman ni Tricia. Nalukot ang mukha ni Savannah. Sumalong-baba saka inis na bumuga ng hangin. Ano bang gagawin niya sa Noah na 'yon para umamo sa kaniya! Daig pa ang Tita na nagmemepause kapag nakikita siya. "Is that your sister?" Tinuro ni Tricia ang direksyon sa likuran niya. Lumingon doon si Savannah. Sa di kalayuan ay matatawanan si Sandra ang nakakabata niyang kapatid. She was freshmen student. Taking a BSBA course. Napapalibutan ito ng tatlong babae. Paranc pinagkakaisahan. Base sa itsura ni Sandra na mukhang daga na na-corner ng pusa. Knowing Sandra. She's weak and timid. Hindi makabasag ng baso ang kilos. Tsk. These girls probably bullying her. "What the hell are they doing to your sister?" Si Becca na nakikiusisa na din. Di pa man nakakasagot si Savannah nang sampalin ng isa sa mga babae nakapaligid dito si Sandra. Nag-init ang ulo ni Savannah sa nakita. Hindi sila ganoon ka close at madalas din niyang awayin si Sandra noon, pero hindi siya makakapayag na may mananakit dito, 'no! Kapag ganitong stress siya sa pang-aakit kay Noah! Makakatikim talaga sa kanya ang mga hitad na ito. Nagmamadaling tumayo siya at malalaki ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan ng kapatid. "Go, Vanni!" Pahabol na sigaw nina Becca at Tricia. Nang makalapit na si Vanni, nabitin sa ere ang kamay ng babaeng nag-level up lang ng kaunti sa stripper na akmang dadapo sa mukha ni Sandra. "Stop it or I'll kill you, Bitch." She warned. Marahas na binawi ng babae ang kamay. Tinaasan siya kilay sabay humalukipkip. "Oh... so, the b***h sister is to the rescue?" Lumingon ito sa mga kasamahan at dinaig pa ang mga kontrabida sa teleserye na sabay-sabay humalakhak. Lalo nag-panting ang tainga ni Savannah sa pagkabwiset. "Vanni, huwag mo na silang patulan." Nanginginig na bulong ni Sandra sa kaniya. Nakakapit ang kamay sa braso niya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Instead humalukipkip siya at tinaasan din ng kilay ang mga bruha. "Oh, well? Masyado pa yatang maaga para gumala-gala ang mga stripper na tulad niyo, ah." "What did you say? Kami stripper?" "Are you deaf?" Mataray na sagot niya. Humakbang pa siya palapit sa mga ito. "Nakakabingi pala ang katangahan 'no?" "What the— kung kami stripper. Ano ka kaya?" Pinasahan siya nito ng nang-uuyam na tingin mula ulo hanggang paa. "Pinagpasa-pasahan ka lang naman ng mga lalaki dito sa campus na parang isang bubblegum!" "Whoooooa!" Nagsipag-ingay ang crowd na nakapalibot sa kanila. "Aba't talagang sinusubukan mo ako, ah!" inisang hakbang ni Savannah ang babaeng mas matangkad sa kanya. Pinigilan siya ni Sandra. Pero nahablot na niya ang buhok ng bruhang mukhang stripper. "Let me go b***h!!!" Tili nito habang pumipiglas. Hindi napaghandaan ang atake niya kaya mas nasa kaniya ang advantage. Ipinalupot ni Savannah ang mga kamay sa buhok nito. Habang patuloy na nagpupumalag ang babae. Kahit mas malaki at matangkad ito sa kanya walang magawa ang bruha. Nauna siyang sumugod, malaking advantage iyon. Natutunan iyon ni Savannah sa ilang beses ng pakikipag-away sa mga bars maging sa campus. "Marga!!!" Tili ng isa sa mga kaibigan nito hinahatak siya sa damit. "Vanni! Stop!" Awat rin ni Sandra. Pero hindi binatawan ni Savannah ang buhok ng babae. Talagang nag-mega evolution na siya. Hinatak pa niyang lalo pababa, hanggang sa mapahiga na sila sa lupa at sakyan ito. "I will kill you! If you ever hurt my sister again, b***h!" Sigaw niyang pinagsasasampal ito sa mukha. Ang isang kamay ay nakasabunot pa din sa buhok ng babae. "Get off me! f*****g w***e!" Patuloy sa panlalaban ang babae. Nakailang kalmot na din ito sa braso ni Savannah. Halos makita naman ang bra ni Savannah sa pag-awat sa kanya ng mga kaibigan nito. Tuwang-tuwa ang mga usisero at usisera na panay ang picture sa nagsasabong na mga babae. "Vanni! Tama na! Tama na!" Naririnig niyang sigaw ng kapatid. Pero hindi makalapit dahil kinuyog na siya ng tatlo. Isang malakas na pito ng guard ang nakapag patigil sa kanila. Kung hindi pa sila pinahiwalay ng dalawang unipormadong school guard. Malamang sa malamang naubos ang buhok ng bruha sa kanya. "Pasalamat ka inawat tayo ng mga guard! Kundi kalbo ka ng stripper ka!" Galit na sigaw niya. Habang nakapagitna ang isa sa mga guard sa kanila. "You're going to pay for this!!" Gigil na balik sigaw nito. "Oh! Come on bring it on!" Mayabang na sagot niya at hahakblutin sana ulit sa buhok ng bruha pero nakaagapan siya ng mga guard. Natigilan lang sila sa pagbabangayan nang naniningkit ang mga matang sumulpot ang terror na Guidance Counsilor. Masama ang timpla ng mukha nito habang pinaglilipat ang tingin sa limang babae. Ilang beses na ba siyang nasangkot sa gulo sa campus? Mabait pa nga ang mga ito at hindi siya ini- expell. "To my office now!" Maanghang na sigaw nito tsaka tumalikod at nagmartsa. Nakataas ang kilay at masama ang tingin sa mga bruha na sumunod si Savannah sa matandang counsilor. Nakayuko naman si tabi niya si Sandra na parang hiyang-hiya sa mga pangyayari. Malapit na sila sa guidance office nang makasalubong nila si Noah. Nakatingin ito sa kanya. Marahil hindi nakaligtas rito ang itsura niyang mukhang na gang-raped. Magulo ang buhok, halos masira ang crop top na pang-itaas at bakat sa maputing balat ang mga kalmot ng babaeng nakaaway kanina. Hindi niya masigurong kung pagkataka o pang-uuyam ang nakikita sa anyo ng lalaking hindi siya hinihiwalayan ng mga titig. Si Savannah na ang nag-iwas tingin. Wala naman siyang pakialam sa iisipin nito o nang kahit na sino man! But the heck! May pustahan nga pala sila ng mga kaibigan niya. Shit! Major turn off ang ginawa mo gaga! Paano pa niya makukuha ang loob ng isnabero yon? Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD